Irish's POV
Di ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Nasa harapan ko si Ian. Ang isa sa pinakamahahalagang tao sa buhay ko ang nanganganib pero wala akong magawa.
"Isa lang naman ang gusto kong gawin niyo." Wika niya habang nakatitig sa mga mata kong lumuluha na ngayon.
"Ano?! Gagawin ko!" Sagot ko.
"Actually, hindi dapat 'gagawin ko', dapat 'gagawin namin'." Misteryoso niyang sabi habang nakangiti.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Rham.
"Gusto kong bumalik kayo sa subdivision upang ipagpatuloy ang laro namin." Kinilabutan ako sa kundisyon na gusto niya. Sigurado akong hindi ito magugustuhan ng mga kaklase ko at alam kong hindi rin sila papayag. This is my end.
Ilang segundo kaming nakatahimik. Parang nagpapakiramdaman. Hindi ko rin alam kung ano na ang susunod na mga mangyayari.
Nagsimula na akong umiyak nang paunti-unti. Ramdam ko na rin ang pamamanhid ng mga kamay ko. Natatakot ako.
"Deal..." Isang salitang nagpapitlag sa akin. Nakakabigla ang mga narinig ko sa kanilang apat. Bigla tuloy akong kinilabutan.
"Sa isang kundisyon..." Habol ni Arron.
"Oh, sige. Ano yon?" Pagsang-ayon nito habang naka-pamewang.
"Ipapangako mo sa amin na tutupad ka sa kasunduan." Habol ni Arron.
"And what if I don't?" Mataray na sabi ni Gretel at saka inilapit nang diretso ang mukha niya sa mukha ni Arron.
"Simple lang ang kasunduan, huwag kang masyadong demanding. Ang gusto lang namb ay tumupad ka." Sabat naman ni Chris.
"Okay, fine. Huwag na huwag niyong sasabihin 'to sa ibang tao bukod sa inyong magkakaklase, kundi, malilintikan talaga sakin 'yang buwisit mong kapatid."
"Gusto kong bukas na bukas, sa harap ng main gate ng St. Rochinston, 7:00 ng umaga. Kayo lamang magkakaklase. Nothing but yourselves." Habol nito.
"Ipinapangako naming magkakaklase na bukas ng alas-siyete ng umaga ay pupunta kami sa tapat ng school na kami lamang, walang mga pulis at kahit anong armas. Malinaw ba?" Sambit ni Alfi habang naka-poker face.
"Oo, klarong klaro." Sagot ni Gretel.
Nakatulala na lamang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Kung matutuwa ba ako o malulungkot.
End of Irish's POV
End of Flashback
"What?! Pumayag kayo na bumalik don sa hell na iyon?!" Sabi ni Jhulyen na tila hindi nagugustuhan ang mga salitang pumapasok sa kanyang tenga.
"Sabi ko na eh." Bulong ni Irish saka kumawala sa yakap ni Arron pagkatapos ay naglakad papunta sa gate at doon umiyak nang umiyak.
Nakatitig lamang siya sa mga halaman na nakatanim sa labas ng bahay nina Tamashi habang patuloy sa pag-iyak.
Sampung minuto ang lumipas ay biglang lumapit sa kanya si Jhulyen habang nakatalikod siya.
"And you believed in everything that I've said?" Sabi nito habang nakahalukipkip at nakangiti.
Agad na napalingon si Irish at gumuhit ang isang malaking ngiti. Mabilis niyang sinalubong ng malaking yakap ang kaklase at ginantihan din naman siya nito ng yakap.
"What are friends for nga di ba? Sa dinami-rami ba naman ng mga pagsubok natin, eh ngayon pa tayo mag-iiwanan? Siyempre, gaganti pa ako sa ginawa niya sa erpats ko 'no!" Sabi ni Jhulyen habang nakangiti.
"Tatanawin ko 'to nang pang-habambuhay, pangako!" Wika naman ni Irish.
__________________________________
January 1, 20**
6:59 am
St. Rochinston High, Main Gate
Kakasinag pa lamang araw. Tahimik ang paligid at tanging mga huni lamang ng mga ibon ang maririnig. Dahil nga sarado na ang eskuwelahan ay wala nang tao na narito bukod sa kanilang magkakaklase.
Lahat sila ay nakasuot ng makakapal na jacket marahil dahil sa lamig ng temperatura.
Maya-maya pa'y dalawang kulay pulang van ang pumarada sa kinaroroonan nila. Tinted ang mga salamin nito kaya't hindi nila malaman kung sino ang nasakay rito.
Apat na lalaki ang bumaba mula sa unang van at tatlo naman ang sa ikalawa. Pawang nakaitim na damit at pantalon ang mga ito para hindi sila makilala ng mga estudyante.
Kasunod nito ang pagbaba rin ng isang nakamaong at longsleeves na babae. Nakapixie cut ito at puno ng kolorete ang mukha.
"Kapkapan niyo." Utos nito habang tinititigan ang bawat estudyanteng makikita niya. Mabilis na nagsisunod ang mga tauhan nito at isa-isang kinapkapan ang mga estudyante.
Galit ang emosyon na makikita sa mga mukha ng mga estudyante. Ngunit kahit anong gawin nila ay mukhang hindi na sila titigilan pa ng babae.
"Cleared." Sambit ng isang tauhan na nangangahulugang walang dalang kahit na anong armas ang mga ito.
"Sakay na. Baka nilalamig na kayong lahat diyan." Sabi nito bago muling bumalik sa loob ng van. Agad na sumunod ang mga estudyante habang maluha-luha.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
