Ma? Pano mo to nagawa samen ng mga kaklase ko? Ma, bakit? May nagawa ba ako sayong di mo nagustuhan? sunud-sunod na tanong ni Shaymee na tila gulung-gulo pa rin sa kanyang natuklasan. Sarili niya pang ina na nag-aruga sa kanya mula nung sanggol pa lang siya.
Walang naisagot ang nanay niya at naluha na lamang. Hindi sila gumagalaw at nagtitinginan lamang.
Ba't mo pa ko binuhay nang ganto katagal kung papatayin mo lang rin pala ako? pahabol na tanong ni Shaymee. Habang lumuluha ay tumakbo na siya palabas ng classroom. Naiwan roon ang nanay niya na nakatayo habang hindi gumagalaw na tila isang estatwa. Hingal na hingal na lumabas ng classroom si Shaymee pero nagawa niya pa ring lumingon sa likuran niya.
May nakasunod sa kanya dalawang babae na hinahabol siya. Yung isa ay may dalang maliit na kutsilyo na handang sumaksak sa kahit na anong oras at ang isa naman ay may hawak na syringe na may transparent na liquid sa loob.
Mas lalo siya napatakbo, pero nagawa niya pa ring iligaw ang mga ito. Nakita niya pa rin ang kanyang kaklase na si Kaye kaya sinundan niya ito. Nakita niya na hinila ito ni Gray papasok sa loob ng bodega. Lumingon-lingon siya sa paligid at nang makita niyang wala nang nakasunod ay dali-dali na siyang tumakbo sa bodega.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Misterio / SuspensoKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
