Ngayon, balikan naman natin ang mga estudyanteng naiwan sa St. Rochinston. Hindi na naghabol pa ang mga staff ng school ng mga estudyanteng ililipat sa Section 6. Tumatanggi kasi ang lahat ng mga estudyante at wala ni isa ang may lakas ng loob upang sumama sa section na ito. Natira ang siyam na estudyante at ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral sa kabila ng lahat ng nangyari.
Naging strikto ang mga guro nila dahil pinagsisikapan ng lahat ng kanilang subject teachers na maipasa nila ang lahat ng kanilang mga subjects.
Inakala nilang sumama kina Arron ang killer, pero ang hindi nila alam, ay nasa paligid lamang nila si Hansel...
______________________________________
Sa canteen, kung saan nakaupo sa isang mahabang lamesa ang lahat ng estudyante ng Section 6, ay may isang diskusyong nagaganap. Tungkol ito sa isa nilang subject, ang T.L.E., tuwang-tuwa kase sila dahil puro handicrafts ang ginagawa nila rito. Artistic kase ang karamihan sa kanila kaya't hindi na malabong magustuhan nila ang asignaturang ito.
Lorena: Ang astig nung nagawa kong basket kanina, meron na ngang poster paint, binalutan ko pa ulet ng barnis para mas tumibay!
Miley: Mapapabilib ka dun sa sa'ken. Ang ayos ayos ng pagkakagawa ko dun sa basket pero waley dun sa pagko-color! Pa'no ba naman kase, wala akong talent sa pagko-color eh.
Oliver: Wait lang ah. Cr lang ako.
Shaymee: Tss. Kaya pala ang bantot bantot na dito!
Oliver: Bye!
Agad siyang pumunta sa cr at sinenyasan ang mga kasama na nakabuka ang kamay bilang senyales na hintayin siya. Pumili siya ng cubicle kung saan komportable siya makakaihi. Mag-isa lamang siya sa banyo dahil nagbalikan na siguro ang mga estudyante sa classroom nila dahil tapos na ang break time. Sumisipol-sipol pa siya hanggang sa siya ay matapos.
Oliver's POV
Magsasalamin muna ako bago pumasok para magmukha naman akong presentable sa mga kaklase ko. Maglalagay na rin ako ng wax kase parang magulo na yata yung buhok ko. Pero habang tumatagal ako sa cr na 'to, lalo akong nangingilabot. Parang tumataas ang mga balahibo ko sa batok. Hanggang sa mar-
End of POV
Hi classmate! Miss me? Tanong ng isang pamilyar na boses na mula sa isang lalaki at pagkatapos magsalita ay hinampas niya ng isang matigas na bagay sa ulo ang binata. Natumba ito at nawalan ng malay.
______________________________________
Loko talaga 'to si Oliver! Kahit kelan mang-iiwan talaga eh. Natatawang sabi ni Shaymee habang isinusuot ang kanyang shoulder bag.
Tamashi: Lagot sa'ken 'yon pag-akyat natin sa fourth floor! Pipitikin ko yung tonsils nun.
Jerome: Wow! And can make tagalog speaking na ah!
Tamashi: Yeah, bro! And you make english english na rin! Hahaha!
Matatawa ka na lang talaga sa pinag-uusapan ng hindi marunong mag-english at mag-tagalog! Hahaha! Sabi ni Jhulyen at naghalak-halak ang lahat.
Tara na nga. Sa taas na natin awayin si Oliver! Hihihi! Mamaya ma-late pa tayo. Kontra ni Stephanie.
______________________________________
Welcome to my secret lair, Oliver! Masayang bati ni Hansel sa kanyang natutulog na dating kaklase na si Oliver.
Nakahiga siya sa isang mahabang lamesa at may kakaibang istraktura na nakalagay sa kanyang itaas. Nakakadena ang kanyang mga paa, kamay at pati na rin ang kanyang leeg.
Pinagmasdan niya ang paligid at natakot siya lalo nang makita ang isang plantsa sa itaas ng kanyang ulo. Mabuti na lamang at nakatali ito at hindi ito mahuhulog sa kanya. Napansin niya ang aparatong nakalagay sa parteng ng tiyan niya at in-analyze kung ano ang maaaring mangyari dito.
Mayroong isang kulay pulang pindutan na malapit sa kanyang tiyan na siguro ay kasinghaba lamang ng lapis ang layo sa tiyan niya. Mayroong taling manipis na kadikit pala ng tali sa plantsa na kapag naputol ay maaaring pumatay sa kanya.
Nasa likod niya si Hansel na naka-pamewang habang pinagmamasdan siya nang nakangiti.
Hindi ba't napakalupet nito? Pang-aasar ni Hansel. Mangiyak-ngiyak naman si Oliver sa mga sinasabi ng kaklase.
Please, Hansel! Huwag mong gawin sa'ken 'to! Wala akong ginagawang masama sa'yo! Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong pahirapan! Pagmamakaawa niya. Iba si Oliver sa mga kaklase niyang nakaranas na ng ganito. Marami ang nanglalaban pa at ang iba naman ay pinagmumumura pa siya sa sobrang galit.
Hansel: Madali lang 'to tanga! Huwag ka ngang O.A.! Ayoko nang iniiyakan ako! At saka alam mo bang nagmumukha kang tanga sa mga pinaggagagawa mo?! Tumahimik ka nga!
Oliver: Please, Hansel! Alam ko na darating din ang time na 'to, na ako naman ang susunod na malalapit sa kamatayan ko, pero sana huwag mong gawin 'to lalo pa't wala kang dahilan sa pagpatay sa aming lahat!
Hansel: Sorry! Napag-utusan lang! Let the games begin! Hahaha! So, kita naman siguro ang ginawa kong game para sa'yo, at ang pinaka-mechanics ng game ay huwag kang huminga. Tama, pero for thirty seconds lang naman, kase kapag huminga ka, 'yang pindutan sa tiyan mo ay easy-push button 'yan. So, kapag napindot 'yan ng tiyan mong may abs, joke! Boom! Basag ang bungo mo at deadski ka na.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
