"Kanina ko pa kayo tinatanong dalawa, ha. Saan niyo ba talaga ako dadalhin? Kanina pa tayo pasok nang pasok sa mga pinto, nasan ba tayo?!" Naiiritang turan ni Casey na kanina pa nayayamot dahil sa mahaba nilang paglalakad. Nakatakip pa rin ang mga mata nito ngunit rinig niya ang pagbukas ng bawat pintong nadaraanan nila. Sa bilang niya ay nakaka-anim na silang pintong pinapasukan ngunit hindi pa rin nila nararating ang kanilang destinasyon.
Agad na bumagsak sa lupa ang dalaga nang marahas siyang itulak ng dalawang lalaking nagdala sa kanya sa kung saan siya naroon. Napakapit na lamang siya sa kanyang puwitan at agad na tinanggal ang piring sa kanyang mata. Halos ipikit niyang muli ang kanyang mga mata nang makita niya ang lugar na kinalalagyan niya. Nasa isang operating room siya kung saan naroon din ang mga kaklase niyang sina Irish, Jhulyen, Miley at Suzette. Ang apat na ito ay nakapatong sa apat na operating table at pare-parehong hubo't-hubad. Hindi makalaban ang mga ito dahil lahat sila'y may mga tali ang kamay at paa. Umiiyak din ang mga ito nang malakas at nagmamakaawang pakawalan na sila.
"Cas... T-tulungan m-mo kami..." Sa kakaiyak ay nauutal-utal na si Irish. Ngunit nagbingi-bingihan lamang si Casey at pilit pa ring tinatakpan ang kanyang dalawang tainga habang nakapikit. Walang ibang maririnig sa kuwartong iyon kundi ang iyak at sigaw ng apat na dalaga. Nakapalibot ang apat na operating table kay Casey na lalong nagpataas ng kanyang mga balahibo. Sa tabi niya ay may isang munting mesa na may baril sa ibabaw. Nakapalibot din sa kanila ang mga armadong lalaki na higit na malakas kaysa sa kanila. Habang nakapikit ay hindi napansin ni Casey ang pagdating ng isang babae na may suot na maskara.
"Hello, Casey..." Maaari mang isa itong bulong ngunit nagulat pa rin si Casey. Kilala niya ang boses na ito ngunit hindi niya masyadong maalala. Napadilat siya nang bahagya, saka tiningnan ang pinagmulan ng boses. Nakamaskara itong pula at purong itim na kasuotan.
"S-sino ka? Ano'ng ginawa mo sa aming lahat?! Nasa'n na ang iba naming kaklase?! Hayop kaaa-" Bago pa man niya sugurin ang babae ay pinalibutan na kaagad siya ng apat na lalaking armado at itinutok sa kanya ang mga baril na hawak ng mga ito. Muli siyang umatras at bumalik sa kanyang kinatatayuan.
"Sana pinag-isipan niyo 'yan, bago niyo patayin ang anak ko." Galit nitong turan saka nagpaikot-ikot sa apat na dalaga.
"A-aling Amanda?!" Hindi siya maaaring magkamali. Tandang-tanda niya ang boses ng babaeng nagpaalis sa kanila sa bahay nina Alfi.
"Oo, ako nga! Simula nang mamatay si Alfi ay wala na akong ibang inatupag kundi ang umisip ng mga paraan kung paano ko kayo mapapatay lahat! Maayos na sana ang lahat! Ligtas na siya sa mga ka-demonyohan ng klase niyo! Kung alam ko lang sana na may mga ganyang nangyayari sa school na 'yan, e di sana, inilayo ko na si Alf-" Hindi na siya pinatapos ni Casey dahil bigla siya nitong kinontra.
"Wala po kaming kasalanan sa pagkamatay ng anak niyo! Hindi po namin alam na mamatay siya nung araw na 'yon! Kaya pakawalan niyo na kaming lahat!"
"Hindeee! Kung kailan matatapos ko na ang buhay niyong lahat? Kung kailan perpekto na ang plano ko sa mga miserable ninyong buhay? Ha? Ano kayo, sinusuwerte? Bwahahaha!" Para itong isang baliw na tumawa pa pagkatapos habang nakatingin sa kisame.
"At least, mararamdaman ng mga magulang niyo ang pakiramdam ng mawalan ng anak." Habol pa nito.
"Itigil mo na 'to! Demonyo ka! Mabubulok ka sa kulungan!" Sabat pa ni Suzette habang pilit na tinatanggal ang mga tali sa kanyang braso.
"Itigil mo na 'to. Bago pa mahuli ang lahat!" Dagdag pa ni Casey. Unti-unti siyang lumakad palapit kay Aling Amanda. Nakayuko lamang ito at tila nagsisisi.
"Tama po 'yan. Hindi pa po huli para magsisi. Mapapatawad po kayo ng Panginoon..." Sabi pa ni Casey na patuloy pa rin sa paghakbang papalapit sa babae.
Pero nang makalapit siya rito ay bigla itong tumingin sa kanya habang nakangiti saka siya itinulak papalayo.
"Hahaha! Ano'ng palagay mo sa'ken? Uto-uto? Panginoon? Simula nang patayin niyo si Alfi ay wala na akong kinilalang Panginoon! Wala akong ibang sinandalan kundi ang sarili ko!" Sambit nito habang lumalapit kay Casey.
"Ang gusto ko... Maglaro tayo." Sabi pa nito nang tuluyang makalapit kay Casey.
"Madali lang ang mechanics nito, actually, ito ang pinakamadali sa lahat, e." Sabi niya habang pinaiikutan ang apat na babae na takot na takot pa rin at patuloy sa pag-iyak.
"Kunin mo ang baril na nasa tabi mo." Utos nito kay Casey na agad namang sinunod ng dalaga.
"Ganyan nga. Nagsisimula na kitang magustuhan! Hahaha!" Sabi pa nito.
"Now, all you have to do is choose... Choose between you, and them." Misteryoso nitong sabi saka tiningnan nang seryoso ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Misteri / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
