Go Jhulyen! Go Jhulyen! Kaya mo yan! wala nang ibang nagawa ang mga kaklase niya kundi ang i-cheer siya. Nagdadasal naman ang iba sa kanila gaya ni Shaymee.
Lord, iligtas niyo po siya. Masyado pa po siyang bata para mamatay.
Tumigil ang elevator sa pag-akyat. Nakarating na sila sa tuktok. Nagbubutil-butil ang pawis ni Jhulyen. Hindi niya ma-imagine kung ano ang makakaharap niya sa pagbukas ng elevator. May limang tao na naghihintay sa kanya. Mga naka-costume na parang Power Rangers. Iba-iba ang kulay ng damit nila. Pula, dilaw, asul, berde at itim.
Lalo siyang kinabahan. Hindi niya kayang pumatay ng tao. Pero kailangan niya pa rin.
Bibigyan ko kayo ng 30 seconds para magtago... 30... 29... 28... nagsimulang magbilang paatras ang babae sa speaker. Naghiwa-hiwalay ang limang kalaban. Naiwan si Jhulyen na nakatayo sa harap ng elevator.
Medyo madilim sa floor na yun. Maraming liko-liko. May mga dividers sa bawat sulok.
19... 18... 17... tuluy-tuloy pa rin sa pagbibilang ang babae.
Dun na nga lang. Bahala na si Batman. pagkatapos ay nag-sign of the cross na siya.
Umupo siya sa likod ng isang malaking bato. Nakapikit lang siya at naghihintay ng kanyang nalalapit na kamatayan.
5... 4... 3... 2... 1... Okay! Simulan na natin ang laro. kasabay nito ang pagtunog ng isang suspense music.
Bumibilis nang bumibilis ang tibok nang puso niya. Dumilat siya at narinig ang isang putok na baril mula sa likod niya.
Ahhh! sigaw ni Jhulyen. Pero hinawakan niya ang samurai niya nang mahigpit at nagpakita ng galit na mukha.
Hindi niyo ko mapapatay nang basta-basta! Uuuhhhaaaa!!! pagkatapos ay tumayo siya at itinusok ang dulo ng samurai sa ulo ng nakapulang lalaki.
Gulat na gulat siya dahil imbes na dugo ang dumanak ay nag-i-spark na mga wires ang lumabas sa ulo nito. Tuwang-tuwa siya dahil hindi tao ang pinatay niya. Kundi robot na nakacostume.
Nabuhayan siya ng loob at nawala ang takot niya.
Sinalubong naman siya ng Blue Ranger na may dalang kutsilyong mahaba. Hinarap niya ito at ginilitan ng leeg. Ganun din ang lumabas sa leeg nito. Wires na nag-i-spark.
Tuwang-tuwa naman ang mga kapwa niya estudyante sa nakikita. Naghihiyawan silang lahat, may nagtatalunan at nagpapalakpakan.
Sunod namang sumugod ang nakaberdeng ranger. May dala itong baril. Nakatago ito sa likod ng isang makapal na kahoy. Dahan-dahan siyang lumihis ng daan at hinarap ang ranger nang walang takot. Tinalon niya ito at nahati ang katawan nito sa dalawa. Puro wires din ang nasa loob nito. May mga basag din na salamin sa loob nito.
Sunod niya namang kinalaban ang dilaw na ranger. May dala itong chainsaw. Naiwasan niya ang unang atake nito pagkatapos ay ginamit niya ang samurai sa pagputol ng binti nito. Sunod naman ang kamay at ang ulo. Mas maraming wires at komplikadong mga bakal ang lumabas mula sa katawan nito.
Nakita niya naman ang itim na ranger na may dalang mahabang stick pero tumakbo ito palayo.
Sige! Habulin mo yan para matapos na! cheer uli ni Lorena habang nagtatatalon. Tinarayan naman siya ni Mirriam.
Hinabol niya ito at na-corner sa sulok. Winagayway naman nito ang mahabang kahoy para sa depensa. Pero naputol ito dahil sa talas ng samurai na hawak ni Jhulyen.
Wala ka nang kawala! Haaayyyyyaaahh! pagkatapos ay itinusok niya ang dulo nito sa dibdib ng kalaban. Masayang-masaya siya.
Huh?!? naguguluhang tanong ni Jhulyen.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...