HINDI mapakali si Miley. Nakaupo siya sa sofa habang pinagmamasdan ang mga gamit sa loob ng bahay nila ng kanyang asawa. Ayaw niyang malaman ito ng anak dahil baka bumalik pa ito sa Cavite kung saan sila ngayon nakatira. Sa Maynila pa kasi nag-aaral ang kanilang anak na si Luke kaya naman nagre-rent lang ito sa isang apartment na malapit sa eskwelahang pinapasukan nito.
Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan. Bumungad sa kanya ang mga nag-aalalang kaibigan na sina Jhulyen, Irish at Tamashi. Labindalawang taon na rin ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente sa eskwelahan nila pero hindi nila kinalimutan ang isa't-isa kahit pa nagkaroon na ang ilan sa kanila ng kanya-kanya nilang pamilya.
"Miley, ano na ang balita? Saan ba kasi nagpupupunta itong si Chris? Baka naman may problema kayo? Ayusin niyo na ito habang maaga pa, dahil baka maapektuhan pa si Luke dito." Maganda at maayos pa rin sa sarili niya si Irish. Isa siya sa kanilang magkakaibigan na hindi pa nakakahanap ng makakasama niya sa pagtanda.
"Hindi, Irish, e. Hindi ganoong klase ng asawa si Chris. Kung may problema man kami, siya ang unang nakikipag-usap sa'kin para maayos namin kaagad 'yun. Masama ang kutob ko, baka may nangyari nang hindi maganda sa kanya." Depensa niya pa. Umupo sa tabi niya sina Jhulyen at Irish. Samantalang kumuha naman ng monobloc chair si Tamashi at ipinuwesto ito sa harapan ng namomroblemang kaibigan at doon umupo.
"Sa palagay niyo ba ay hindi pa tapos ang lahat ng nangyari sa nakaraan?" Sabi ni Tamashi na bihasang-bihasa na sa pagsasalita sa wikang Filipino. Hindi na siya bumalik sa Japan pagkatapos ng lahat at napag-isipang dito na manirahan.
"Hindi imposible, pero sana hindi. Alam nating lahat na hindi makatarungan ang nangyari sa lahat ng mga ka-section natin pero sana naman, wala nang maghanap pa ng gulo. Kalimutan na lang sana natin ang lahat ng nangyari sa nakaraan." Pinagpatuloy na ni Jhulyen ang kanyang pangarap na maging isang sikat na pastry chef. Lahat ng mga binake niya ay pino-post niya sa social media at may mga nagbabayad sa kanya para magturong mag-bake.
"Kailangan na nating mahanap si Chris, isang araw na siyang nawawala." Puno ng pag-aalala ang asawang si Miley.
"Pero hindi siya maiko-confirm na nawawala. Forty-eight hours ang kailangan nating hintayin para ma-consider siya as a missing person. Doon lang tayo makakahingi ng tulong sa mga pulis na mahanap siya." Paliwanag ni Irish.
"Nako, paparating pa naman ang camping nina Ian. Nagpaalam na ba sa'yo si Luke, Miley?" Pag-iiba ni Jhulyen sa paksa. Epektibo naman ito dahil doon napunta ang atensyon ni Miley.
"Oo, nakapag-alam na siya sa akin. Ikaw, Jhulyen, hindi ba kaklase rin nila ang pinsan mong si Sky?" Tanong ni Miley.
"Oo naman. Mabait ang pinsan ko na iyon kaya nakapagpaalam na iyon. Ikaw Tamashi, 'di ba sabi mo noong nagpunta tayo sa eskwelahan nila, nakita mo rin doon 'yung kapatid mo sa ama?" Ipinasa niya naman ang tanong kay Tamashi.
"Si Violet? Hindi ko alam, e. Hindi niya nga alam na nahanap ko na siya. At may kapatid pa siyang mas matanda sa kanya." Tila napag-isip din tuloy ang binata. Hindi lang pala ang nanay niya ang naanakan ng kanyang amang Japanese, katorse anyos siya nang may maanakan pang Pilipina ang kanyang ama. Sadyang malapit ito sa mga Pinay.
"Nako, mabuti pa't kausapin mo na siya pagkauwi nila galing camping. At least alam mo nang hindi ka only child." Payo ni Jhulyen pero nginitian lamang siya ng binata.
"Hindi ba't parang napaka-coincidental na magkakasama ang mga mahal natin sa buhay sa iisang klase? Napansin niyo ba iyon?" Sabi ni Irish na nagpaisip sa kanyang mga kaibigan.
"Hay nako. Sadyang maganda lang ang takbo ng tadhana at parang ayaw talaga tayong paghiwa-hiwalayin." Sagot ni Tamashi.
"Alam niyo, mabuti pa at lumabas muna tayo at pumunta sa mall. Baka kailangan lang natin magpalamig. Ililibre ko kayo ng hapunan." Galanteng wika ni Jhulyen saka tumayo. Sumunod na rin sa kanya sina Irish at Tamashi. Kinuha na rin ni Miley ang bag niya at sumama na sa mga kaibigan.
Author's Note:
Hello guys! Maraming salamat sa suporta at umabot na ng 100,000 reads ang story ko na 'to! Sana basahin niyo rin 'yung story kong Death Camp dahil karugtong iyon ng story ng 'to. Thank you sa lahat-lahat. 'Yun lang. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mistério / SuspenseKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
