#48 Happy Thoughts

1.3K 31 0
                                    

Aisyah's POV

     Hay nako. Buhay nga naman. Kung sino pa yung alam mong magkabaliktad ng ugali, sila pa yata yung magkakatuluyan sa ending! Grabe na 'to ha.

     Ngayon ay nakayakap na si Chris kay Miley nang walang nakakaalam na buhay pa 'tong babaeng 'to. Teka, check ko nga sahig, baka nilalanggam na kami.

     "Tama na ang drama! Ngayon, sino naman ang susunod?" Mariin akong napalunok sa sinabing iyon ni Gretel. Ayoko pang mamatay! Jusko! Kung kelan nasa sweet part na kami ng mga buhay namin eh.

     Isa-isa kaming tiningnan sa mata ni Gretel habang nakangiti. Dahan-dahan. Walang paliguy-ligoy ay itinutok niya kay Patrick ang baril na hawak niya.

     "T*ngina! Huwag naman yung boyfriend ko! Ako na lang!" Sabi ko na parang bida sa isang teleserye kung ipagtanggol ang boyfriend niya.

     "Ouu. Sacrifice, huh?" At walang anu-ano'y itinutok niya sa akin ang baril. Napapikit na lamang ako at nagdasal na sana'y wala na iyong bala.

     "Huwag! Ako na lang!" Sigaw naman ni Patrick. Wow, ha? Ano 'to? I save you, you save me? Gretel, suntukan na lang tayo, please?

     "Ano ba?! Ang gulo niyong dalawa, ha! Eh pa'no kaya kung pagsabayin ko na lang kaya kayo? Tutal, may spare na baril pa naman ako dito." Sabi ni Gretel tapos inilabas niya ang isa pang baril mula sa likuran niya.

     Pero mukhang nasa amin yata ngayon ang suwerte. Hindi alam ni Gretel na may plano talaga kami bago pa man kami pumasok sa St. Rochinston...

End of Aisyah's POV

     Blaag! Isang malakas na kalabog ang nalikha dahil sa malakas na pagkakabukas ng pintuan. Hindi na nakalingon pa si Gretel nang salubungin siya nina Mirriam at Suzette! Ang mga estudyanteng nakatakas mula sa section nila! Buhay pa ang mga ito at marami itong dalang mga armas sa katawan nila!

     Agad na pinagbabaril ni Suzette ang tauhan ni Gretel hanggang sa matumba ito sa sahig. Tinamaan ito sa iba't-ibang parte ng katawan pero mas napuruhan ito sa ulo.

     Di rin nagpatalo si Mirriam at gamit ang kanyang baril ay sinunud-sunod din niya si Gretel ng putok hanggang sa dahan-dahan itong bumagsak. Unti-unting lumabas ang dugo sa bibig nito at namatay itong nakadilat ang mga mata.

     Nakatulala naman sa dalawa sina Aisyah, Patrick, Chris at Miley. Maya-maya ay nagtatatalon ang mga ito saka niyakap ang mga nawalay na kaklase.

     "Yeesss! Panalo na naman tayo! Woooh!" Sigaw ni Miley na may kasama pang sayaw na ala-Dawn Chang.

     "Ang galing niyo talaga, Mirriam, Suzette! You're the men!" Sigaw din ni Aisyah.

     "G*ga! Babae kami tanga!" Paliwanag din nina Suzette at Mirriam. Sabay na sabay pa nila talaga itong sinabi.

     "I never thought na meron talagang happy ending!" Banggit din ni Miley.

     "Pero siyempre, may ipapaliwanag ka pa rin sa akin. Akala mo ligtas ka na, ha." Mahinang sabi ni Miley na nakalapit pa sa tenga ni Chris. Napatingin naman ito sa kanya na parang natatawa.

     "Opo, alam ko." Sagot naman ni Chris. Maya-maya ay naglabasan na rin ang iba pang mga estudyante na nagtago rin sa St. Rochinston. Nagkita-kita sila sa labas ng paaralan.

     Maraming tao ang mga naki-tsismis sa mga narinig nilang putukan sa loob ng paaralan. Nagdatingan na rin ang mga kapulisan at dinakip na ang mga tauhang ni Gretel na nahuli ng mga lalaki.

     "Sabi niya di ba, mga estudyante lang raw ng section natin, eh di kasama nga kami." Sarkastikong sabi ni Mirriam na nakahalukipkip pa habang pinagmamasdang isakay sa ambulansiya ang wala nang buhay na katawan ni Gretel.

     "Pero kung tutuusin, hindi pa sapat 'yan na kabayaran sa lahat ng mga ginawa nila sa section natin." Sabi naman ni Suzette.

     Nasa labas sila ngayong magkakaklase at kausap nila ang mga pulis upang ma-trace ang kinaroroonan ng kapatid ni Irish. Mabuti na lamang at magaling ang mga ito at napaamin agad nito ang mga tauhan ni Gretel kapalit ang pagpapababa ng sintensya nila. Napag-alaman na rin nila na nakatago ito sa isang probinsya sa Ilocos.

     "Ma'am, kung gusto niyo po, puntahan na po namin yung address right away." Suhestiyon ng isang pulis.

     "Mabuti nga po. Sige po. Maraming salamat." Wika naman ni Irish.

     "Sabi ko na nga ba't magiging successful 'tong plano na 'to eh. Iba talaga kapag si Mourse ang nagpaplano." Biro ni Jhulyen sabay batok sa kaklase at nagtawanan naman ang lahat.

     "Huwag muna tayong magsaya... Wala na si Alfi. Paano natin 'to sasabihin sa mga magulang niya?" Tanong ni Arron. Natahimik ang lahat dahil sa narinig. Hindi pa pala tapos ang lahat dahil kakaharapin pa nila ang mga magulang ni Alfi.

     "Pa'no natin sila ngayon haharapin?" Tanong naman ni Mourse.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon