#15 The Class Debate

2.8K 79 2
                                        

Naibalik na nga sila sa St. Rochinston. Nandoon ang mga estudyante at normal ang pagpapatakbo ng buong eskuwelahan.

Is it real? Is it real? kanta ni Mourse na nasa masayang tono.

Kitang-kita, real na real! sagot naman ng nasa likod niya na si Arron.

Nagsibaba ang mga estudyante dala ang mga bagay na nakuha nila sa subdivision. Sama-sama silang nagpunta sa classroom nila. Walang tao sa loob nito at magulo pa rin ang classroom. Hindi na raw kase ito nilinis mula nang kunin sila ng misteryosong babae. Napagdesisyunan muna nilang linisin ang classroom para rin sa ikabubuti nila. Hindi gaya ng dati, na nagtuturuan pa kung sino ang maglilinis ng classroom, ay nagawa pa nila na mag-agawan sa tatlong walis sa loob ng classroom.

Masaya silang naglinis at nag-decorate. Iba-ibang mga palamuti at dekorasyon ang inilagay nila sa classroom. May mga ginupit na colored paper sa taas ng blackboard, may mga nakabitin sa kisame na mga tau-tauhan, at meron din naka-lettering sa pintuan nila na, "Welcome to Room 666".

Pagkatapos noon ay ipinaalam na nila sa principal ang mga nangyari. Pero may nahalata silang kakaiba sa mga nangyayari.

Bakit parang wala lang si Principal Elejandro Palenciano? May mga namatay na sa aten pero wala pa rin silang ginagawang aksyon, ano ba yan? Makatawag lang talaga ako sa mommy ko, isusumbong namin yan sa mga pulis! naiiritang sabi ni Mirriam.

Hindi nga nila tayo tinutulungan di ba? Sila pa nga yata yung mga kasabwat dito eh. sabi ni Jhulyen na nagpapagpag ng palda, pagkatapos ay umupo na.

Huy.. Tama na nga yang usapan na yan. Ang mahalaga ay ang malaman ng mga magulang nina Evan, Marissa at Fritz yung mga nangyare sa kanil- hindi na natapos ang sinasabi ni Sunshine dahil biglang dumating si Ms. Marabas.

Maaaaaam!!!! sigawan ng mga estudyante habang pumapasok ang kanilang adviser. Naluluha naman ang teacher habang natutuwa.

Tears of joy, Maam! sigaw naman ni Aisyah. Napangiti naman ang teacher at maya-maya pa ay nagsalita na.

Class, sorry kung hindi ako kaagad umaksyon nung mga panahong kinukuha kayo nung mga taong yun. Kakatapos ko lang mag-lunch nun at papunta na ako rito nang makita ko kayong nagkakagulo mula sa malayo. Kaya ayun, sa sobrang kat@n6@|-|@n ko ay nagawa ko na lang na magtago sa loob ng library na parang walang alam sa mga nangyayare. Natakot ako na baka pati ako ay madamay sa paghihiganti ni Cherry sa section na to. Alam kong naging inutil ako, bilang adviser niyo, dapat ako ang may responsibilidad na alagaan at protektahan kayo pero... sabi ni Ms. Marabas na hindi mapakali. Pero agad namang tumayo si Sunshine para putulin ang sinasabi ng guro.

Maam, kung alam niyo lang. Kung alam niyo lang sana kung paano ko ginampanan ang mga responsibilidad ko bilang President ng section namin. Hindi niyo ba alam na halos mabaliw na ko kakaisip kung paano ko sosolusyunan ang mga nangyayare sa amin, na baka mamayang konti lang ay may mamamatay na naman sa amen? sigaw ni Sunshine. Agad namang napatingin sa kanya ang kanyang mga kaklase at nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Nabigla naman ang guro sa narinig kaya sinugod niya si Sunshine.

Ruby Sunshine Feliciano. I didn't expect to hear that from you. Akala ko ba kaya mo'ng lahat? Di ba bago ka nila i-elect bilang President ay isa-isa ko kayong pinatayo at binigyan ng pagkakataon para ipakilala ang sarili? And if I am not mistaken, sinabi mong kayang mong isakrisyo ang lahat para sa iny- hindi na natapos ang sinasabi ng guro nang bigla namang sumagot nang pabalang si Sunshine.

Woow! Ako pa pala ang hindi responsable! Maam, tanong ko lang, nasaan ba kayo nung mga oras na nasa bingit kami ng kamatayan? Di ba nan- hindi rin natapos ang pagsasalita ni Sunshine ng bigla siyang pinagbuhatan ng kamay ng guro. Napalakas ang sampal ng guro kaya nagmarka ito sa mukha ng dalaga.

I didn't expect to hear that from you, again. Oo may point ka pero sa tingin ko lumampas ka na sa limitations mo. That's not the proper way to treat your teacher! galit na sabi ng guro. Kita na ang mga ugat sa leeg ng guro sa sobrang galit.

Napatahimik naman si Sunshine. Malapit nang tumulo ang luha sa mata niya. Pero pinigilan niya itong makita ng guro kaya nag-walk-out na lang siya. Lumabas siya ng classroom at pinunasan ang mga luhang malapit nang bumagsak. Pagkalabas ni Sunshine ay agad na nagsalita si Jobbert.

Maam. Alam ko po na lumagpas na po siya sa limitations niya, pero Maam. Hindi niyo po talaga alam ang mga hirap na dinanas niya sa subdivision. May isang gabi po na sinubukan namin na maghanap ng daan palabas. Siya po ang naging leader nun. Kahit na alam niya na pede siyang mamatay sa mga oras na yun. Pero nagawa niya ang lahat ng yun para sa amin. At yung time po na patay na si Evan at walang kaming nagawa para tulungan siya, umupo po siya sa simento at dun umiyak nang umiyak. Naging mabuting President po siya sa amin. Kahit po tanungin niyo pa kaming lahat, "oo" ang mga magiging sagot nila. sabi ni Jobbert sa isang malumanay na boses. Napatulala naman ang teacher sa narinig. Lumabas naman si Jobbert at sinundan ang kaklase. Sinundan din ni Kelly si Jobbert.

Nakita naman nina Jobbert at Kelly si Sunshine na nakaupo sa isang bench sa school ground. Nakayuko ito at hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Umupo naman si Kelly sa kanan ni Sunshine at si Jobbert naman ang sa kaliwa. Hinahagod nina Kelly ang likod ni Sunshine.

Best, tigil na ohh. Nahihirapan na ako na makita ka na laging umiiyak. Palagi na lang bang ganito? Please. Sana naman magpakatatag ka oh. sabi ni Jobbert sa malumanay na boses.

Oo nga. Wala namang alam si Maam eh. Kaya wag ka na sanang maapektuhan ng mga sinasabi niya. Wala nga siya dun eh. sabi ni Kelly na nakatingin sa mga mata ni Sunshine. Nakasagot naman ng mabilis si Sunshine.

Eh pano ba naman kase, ginawa ko naman ang lahat pero parang hindi pa rin satisfied si Maam. Tao rin naman ako no? sabi ni Sunshine na sumisinghot-singhot pa.

Eh ayun nga eh. Huwag kang magpa-apekto. Tapos na naman ang lahat. Wala ka nang dapat na problemahin pa. sabi ni Kelly.

Umiiyak pa rin si Sunshine. Napagdesisyunan naman nina Kelly at Jobbert na samahan muna ang matalik na kaibigan.

Makalipas ang labing limang minuto...

Naka-kinse minuto na sila sa bench at medyo tumigil na sa pag-iyak si Sunshine. Naging kalmado na rin siya at nakapag-ayos na rin.

Oh? Ano? Balik na tayo sa room? suggest ni Kelly na nakangiti.

Oo naman... matipid na sagot ni Sunshine. Nakatayo na sila at nakakailang hakbang pa lang nang dumating si Arron na hingal na hingal.

G-galing ako sa classroom. Kailangan niyo tong makita... sabi ni Arron na nakalagay ang mga kamay sa tuhod habang nakayuko.

Napaisip naman ang tatlo sa narinig at agad na tinanong si Arron sa nangyari.

Bakit? Ano bang nangyare? tanong ni Jobbert.

Mahabang kuwento. Basta bilisan niyo na! sabi ni Arron habang humihingal.



Sorry ulet! Napagkatuwaan ko na kaseng bitinin kayo sa dulo ng bawat chapter! Pero don't worry kase mabilis lang to. Nawawalan lang kase ako ng gana kase wala man lang nag-vovote! Hala! Ang kapal ko na pala! Pero basta. May secret pa kayong malalaman sa Chapter 24! Yun kase yung chapter na gusto kong malaman niyo yun eh. Yung ano- Opps, tawag na pala ako ng nanay ko, bye!

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon