Sa gitna ng pagtakbo ni Giselle sa kakahuyan ay hindi sinasadyang matapilok siya sa isang malaking bato. Sa sobrang lakas ng impact ay natumba siya sa lupa at doon niya napansin ang isang imahe ng nakahigang katawan ng tao.
Sa sobrang dilim ay hindi niya makilala ang may-ari ng katawan na iyon. Nahiwagaan siya. Dahan-dahan siyang tumayo upang alamin kung sino ang may-ari nito.
Oh, shit! Bulalas niya habang umaatras dahil sa gulat. Hindi maipinta ang mukha niya.
Duguan ang mukha ni Justin. Maaaring hindi niya nga kilala ang lahat ng estudyante pero hindi niya makakalimutan ang mga mukhang nakasabay niya sa van kanina.
Nakita rin niya ang isang maliit na papel na nakasukbit sa bulsa ni Justin na agad niyang kinuha. Mayroong mensahe na nakasulat dito:
Sorry, pero pinatay ko na si Justin. Pakialamero kase siya. Biruin mo, patayin ba naman si Jim? Pero anyway, dahil sa katangahan niyo, lalo niyo lang pinabilis ang mga plano ko, namin pala. Akala niyo mag-isa na lang ako? No way, marami pa kami sa section natin. All you have to do is to choose, between life or death. Papatay ka o mamamatay ka. Kung sakali mang iisang tao lang ang makababasa dito, pakisabi na lang sa iba! Hihihi!
.
.
By: Secret! Ano 'ko tanga?
Giselle's POV
Aba! Tengene pala nitong batang 'to eh. Ang gulo kausap. Kala mo talaga eh no. Pero kailangan 'tong malaman nina Arron. Siguradong mapapahamak ang lahat kung maghihiwa-hiwalay pa kami.
End of Giselle's POV
______________________________________
Gising! Guys, gising! Alam ni Dredda na nasa panganib ang buhay nila kung hindi pa sila aaksyon. Marami na rin kase ang tumatagas na gas at kumakalat na ito sa buong paligid. Kahit anong oras ay maaari na itong sumabog.
Nagising sina Mourse, Kraven, Irish, Trayver, Patrick, Gray at Rham. Ang mga natitira namang sina Kaye at Ingrid ay unconscious pa rin, dahil dito ay nagmadaling nagsilabasan ang lahat maliban kina Patrick, Gray at Kraven.
I don't want to lose any of our classmates anymore. Help me wake them up! Anyaya ni Patrick. Marahil ay tinutukoy niya si Kelly, isa kase ito sa mga pinakamatatalik niyang kaibigan.
Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon at dali-dali nang gumapang papunta sa back seat kung saan nakaupo ang dalawa. Duguan ang ulo ni Ingrid samantalang wala namang bahid ng kahit na anong sugat si Kaye.
Gumising na kayo! Dali! Sigaw ni Gray habang niyuyugyog ang mga binti ng mga dalaga. Ngunit kahit na anong panggigising ang gawin niya ay ayaw nitong mag-respond. Hinawakan niya ang pulso nilang dalawa upang malaman kung buhay pa ito.
Gray's POV
Putek! Patay na si Kaye, tsaka si Ingrid? Hindeee. Hindi pwedeng mangyari 'to. Paano na si Kraven? Paano kung hindi niya kayanin? Ano'ng sasabihin ko kay Kraven? Papasabog na 'tong van pero hindi pa rin sila nagigising!
End of Gray's POV
Ano? Kumusta ang lagay nila? Buhay pa ba sila? Sunud-sunod na tanong ni Kraven na sobra na ang pag-aalala.
Hindi, Kraven. W-wala na sila! W-wala na sila! Natorete si Kraven sa narinig. Para siyang naparalisa.
(I-play niyo po yung bestfriend by Jason Chen)
Lumabas na kayo! Sasabog na ang van anytime! Sigaw ni Irish mula sa labas.
Tara na, kailangan na nating lumabas! Anyaya ni Patrick sa dalawa pang kaklase. Hindi umiimik si Kraven at nakatingin lamang sa mukha ni Ingrid.
Dude, ano na? Mahinang tanong ni Gray.
Hindi ako makapapayag. Kung mamamatay si Ingrid, mamamatay din ako. Alam mong marami na kaming moments together pero, hindi lang bestfriend ang tingin ko sa kanya. Mahal ko siya, Gray. At alam mo iyan. Kung aalis ka, sige lumabas ka na. Pero dito lang ako. Wika ni Kraven, maya-maya'y tumulo na ang kanina pang namumuong luha sa kanyang mga mata.
Gray: Huwag mong gawin 'to, dude. Alam mong mali 'to.
Kraven: Parang awa mo na, Gray! Lumabas ka na! Iligtas mo na ang sarili mo!
Gray: Dude, this is not the right time for this!
Patrick: Lumabas na kayo! Ano ba?!?
Gray: Putspa naman, Kraves! Tara na Kraves! Bahala ka, pero sorry!
Ilang saglit pa ay sumabog na nga ang van at nakalabas ang ilan sa kanila maliban kina Kraven at Gray.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
