#54 Roulette Of Death

1.4K 35 0
                                    

     Isang katakot-takot na ngang panaginip ang nangyayari kay Kraven ngayon. Halos buong katawan niya ay hindi na makagalaw dahil sa helmet na kanyang suot-suot ngayon. Idagdag pa ang mga lubid na nakatali sa kanyang mga kamay. Ang kanya namang dalawang paa ay nakatali nang mahigpit sa isang mahabang barbed wire.

     Ang kanyang helmet na suot ang naging dahilan upang mag-lock ang kanyang panga. Ngayon ay nakabukas ang kanyang bibig. Takot na takot na siya. Pero wala siyang mahihingian ng tulong. Sa kanyang itaas ay may isang bumbilya na nagbibigay liwanag sa kanyang paligid. Wala siyang ibang makita kundi ang mga halimaw na madalas ay sa mga horror movies niya lang nakikita at ang mga katawan ng mga kaklase niyang sumakabilang-buhay na. Ang iba'y nakalawit ang dila, may mga dugo ang mga mata, sugat sa iba't-ibang parte ng katawan at minsan pa'y may mga lasug-lasog ang katawan. Lahat ay nakatingin sa kanya na tila galit na galit. Nagtatanong kung bakit hindi sila tinulungan.

     "Bakit 'di mo ko tinulungan?" Mahinang bulong ng tila multo ni Gray sa kanya. Pawis na pawis na ito at hindi na makagalaw nang maayos dahil sa takot. Dahan-dahang inilapit ni Gray ang kanyang sugat-sugat na mukha dahil sa plantsang bumagsak dito dati. Sumunod namang lumapit ang kaluluwa ni Ingrid na may dugo sa noo dahil sa pagkahulog ng sinasakyan nilang van noon sa bangin. Magkatabi sila ni Kaye na mayroon din dugo sa noo at sugat sa pisngi.

     "You had a choice! But you chose to save yourself! Now you're paying for your selfishness!" Bulong lamang ito ng mga dalaga pero sa pandinig ni Kraven ay isa itong nakakabinging ungol. Hindi na halos idilat ni Kraven ang kanyang mata dahil sa pandidiri. Inuuod na ang mga bangkay ng mga kaklase niya at langhap na langhap na rin niya ang masangsang na amoy ng mga bangkay. Lahat ng mga ito ay nakapalibot sa kanya at tila naglalagablab ang galit.

     "Tignan mo kami!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito sa kanya.

     Hindi iminulat ni Kraven ang kanyang dalawang mata at nagdasal na lamang sa kanyang isipan. Na sana ay mawala na ang mga ito sa kanyang harapan.

     Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nagkatotoo ang kanyang mga dasal. Nawala na nga ang mga ito. Nandoon pa rin siya habang nakabukas ang bibig. Tumutulo na nga ang kanyang laway dahil sa tagal ng kanyang pagnganga.

     Hindi niya inaasahan na mapipindot niya pala ang isang remote control sa kanyang kamay. Biglang bumukas ang isa pang ilaw sa kanyang harapan. Doon niya nakita ang kaibigang si Casey. Marahil ay kakagising lamang nito dahil dumilat lamang ito nang bumukas ang ilaw. Ganun din ang sitwasyon na kinalalagyan nito. May lubid na nakatali sa dalawang kamay at nakaupo sa upuang makikita sa mga dental clinic at nakatali din ang mga paa gamit ang barbed wire. Meron din itong helmet na katulad ng kanyang suot. Inaalimpungatan pa ito at tila wala pa sa sarili. Isang boses ang kanilang narinig isang minuto mula nang bumukas ang ilaw sa itaas ni Casey ngunit hindi nila alam kung saan nagmumula.

     "This game is especially made just for the two of you, Kraven and Casey. It would be a tough one for you, Cas. We all know that you're an arachnophobe, so, this game will be the worst nightmare of your life. Prepare yourselves because the game is about to start. A transparent upside down T-shaped tube will be placed between the two of you. In the middle of the tube, there will be a designated surprise box for each level. A certain kind of animal will fall in the middle of the tube. At that point, the game will start. To prevent that certain animal to flow to that tube towards you, you have to blow until the insect reach the other end. If you succeed, one point will be given to you. The first one to reach three wins. And the other one will die, depending to the Roulette of Death. Good luck to the both of you and may the best blower win." Boses ng isang lalaki ang nagsasalita rito na tila kalmado at galak na galak.

     Nagkatinginan ang dalawa saka napagtanto na kailangan nilang mabuhay para sa mga umaasa sa kanila. Si Kraven, para sa pamilya niya. Si Casey naman, para sa mga kaibigan at sa nanay niya. Masama ang tinginan nila sa isa't-isa na parang hayok na hayok mabuhay.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon