#37 Dredda's Edge

1.5K 40 0
                                    

Ho-woww! Pa'no ba 'yan? Dahil nakikita ko na dumarami ata yung reads ng Class 666 kahit na meron akong kailangang solohin na meaning, mag-uupdate ako! Yehey ako lang masaya! Enjoy sa short update na ito! Meron nga palang imbentong word dito ah. Isa lang! Sorry...



Trayver's POV



Pagkatapos naming maghapunan, sinabi ko kay Arron na gusto ko ring sumama,mabuti at pumayag siya agad. Umakyat na ako sa kuwarto naming mga lalaki at nagpalit ng t-shirt saka nag-ayos nang kaunti. Bumaba agad ako kase baka mainip sila sa baba. Nandun na yung ibang mga kaklase namin na gusto ring sumama at yung iba naman, nasa taas pa at nag-aayos ng mga sarili nila.



Pagkatapos makababa ng lahat ng sasama ay inihanda na ni Ate Steph yung van na ginamit nila papunta rito. Naiwan sa bahay sina Aira at Giselle para maging in-charge sa lahat at dahil na rin sa hindi pa tuluyang magaling ang mga sugat nila sa katawan. Bale twelve nga pala kaming lahat. Sina Arron, Ishi, Steph, Merle, Patrick, Kraven, Aisyah, Dredda, Irish, Rham, Jensen, Maia at ako.



Pagdating namin doon, kaunti na lang ang tao kase nga gabi na. Siguro 9:00 na ngayon. Wala nang kuskos balungos at pinuntahan na namin ang supermarket. Ang hindi namin alam, mas marami palang tao sa loob ng supermarket!



Ayan tuloy, naalala ko na naman ang pamilya ko. Miss na miss ko na sila. Kaya lang, kung uuwi naman kami, buhay nila ang manganganib. Kaya mas mabuting ako na lang ang mawala, huwag lang sila.



Yung iba tuloy sa'men, nagdecide na na hindi sumama sa loob at nagsabi na lamang ng kung anong gustong ipabili. Nakakapagtaka lang, paano kaya yumaman 'tung si Arron for that very short time?



Ako, nagpabili ako ng Smart C+ tsaka ng Pringles. Sila naman, mga imported na chocolates at nagpabili rin sila ng mga snacks para sa mga classmates namen na naiwan sa bahay.



By the way, may dalaw nga pala kami ni Aisyah ngayon, alam mo na yun girl ah? Narinig ko na bulong ni Irish kay Dredda. Agad naman niya itong naintindihan kaya tumango ito.



Wait lang, magsi-cr lang ako ah. Baka kase kung kelan nasa loob tayo ng supermarket saka ako maihi. Samahan mo naman ako Maia oh. Narinig ko na sabi ni Dredda kay Maia. Grabe naman 'tong mga babaeng 'to. Daig pa ang nasalanta ng bagyong hindi nabibigyan ng relief goods kung magreklamo.



Kami nina Kraven, Jensen, Maia, Patrick at Ate Ishi, naiwan sa food court at doon na lamang sila hinintay.



End of Trayver's POV



Pagpasok ng palikuran ay tumambad sa kanila ang isang nakasusulasok na amoy. Halu-halong amoy ng suka, dumi at ihi ng tao. Walang ibang tao sa loob ng cr kundi silang dalawa lamang.



Kaya siguro walang nagsi-cr dito. Eww. Grabe! Akala ko ba may janitor ang SM?! Naiiritang sabi ni Dredda.



I'll wait for you here. Be quick! Maarteng sabi ni Maia habang hinahawi ang kanyang buhok sa harap ng salamin. Nag-sign lamang ito ng thumbs-up bilang pagtugon.



Isa-isa niyang binuksan ang mga cubicle na dinaraan niya ngunit bawat cubicle ay may pandidiring lumalabas sa kanyang mukha. Ngunit nang buksan niya naman ang pintuan ng pinakadulong cubicle ay medyo maayos-ayos ito kaysa sa mga naunang cubicle kaya't ito na lamang ang pinasok niya.



Sa gitna ng pag-ihi niya ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Ibig sabihin ay maaaring mayroong pumasok o lumabas.



M-maia? Nagtataka niyang tanong. Ngunit wala siyang narinig na sagot mula rito.



Ha. Ha. Ha. Nakakatawa. Hey! Kinikilabutan na si Dredda lalo pa't nakakatakot ang ambiance ng cr. Parang pang-horror movies.



At kagaya nga rin ng mga nasa horror movies, namatay din ang mga ilaw na nagpatayo sa mga balahibo niya. Lumilinga-linga na lamang siya upang mapanatiling kalmado sa dilim.



Nang matapos siya sa pag-ihi ay madali niyang inangat ang kanyang shorts at lumabas sa naturang cubicle. Sinimulan na niya ang pangangapa.

Nasa kalagitnaan na siya ng mga cubicle nang makapa niya sa sahig ang isang bagay.



A-ano 'to? Pautal-utal niyang tanong. Hanggang sa mapindot niya ang isang buton na nakakabit dito at doon niya lamang napagtanto na isa pala itong recorder. Hindi man makita ang mga pangyayari sa loob ay ramdam na ramdam ang takot na kanyang nararamdaman.



Miss me? Hahaha! Mula sa recorder ay narinig niya ang pinaka hindi niya makakalimutang boses. Ang boses na pagmamay-ari ni Hansel.



Kakarmahin ka rin sa lahat ng ginagawa mo! Hayop ka! Lakas-loob niyang sigaw. Tuluy-tuloy lamang ang paglabas ng boses ni Hansel sa recorder.



Ano ka ba naman, Dredda? Naaalala mo pa ba ang memories natin together? Pero sorry, hindi iyan ang gusto kong itanong sa'yo. Ang gusto ko talagang itanong sa'yo ay "kaya mo ba ang laro ko para sa'yo?", there's no way out of that comfort room, the only way out is death. So, get going and let yourself die! Hahahaha! Pero ito nga pala ang mechanics ng game. Ngayon, nasa isang cr ka that has ten cubicles.



Ang kailangan mo lang gawin ay halukayin ang bawat toilet bowls na nandiyan at hanapin ang serum na may terroxidants na magpo-provide sa'yo ng enough oxygen and at the same time, a vaccine, for the chemical that I am about to release in that room. Good luck Dredda, don't let yourself die. Bwahaha!



Nangilabot siya sa kanyang mga narinig. Alam niyang si Hansel ang nagsasalita ngunit ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit niya iyon nagawa sa kanila lalo pa't hindi naman sila nagkulang dito.



Imbes na magsimulang maghanap ay nakaluhod niyang tinahak ang daan papunta sa pintuan at kinalabog ito nang paulit-ulit.



______________________________________



Ba't di mo kasama si Maia? Nalilitong tanong ni Trayver. Mag-isa lamang kase si Maia nang makabalik siya sa food court. Kita sa mukha ni Maia ang pagiging tuliro sa sinabi ni Trayver.



A-akala ko siya yung babaeng lumabas ng cr kanina, nauna pa nga siyang lumabas kanina eh. Sumunod na lang ako. Teka, babalikan ko siya! Baka kung ano na namang kabaliwan 'to! Hanggang ngayon ay tuliro pa rin siya at bumalik nga siya sa cr ng mall.



______________________________________



T-tulong! T-t-tulong... Sa sobrang panghihina at kapos sa paghinga ay hindi na mabigkas ni Dredda ang kanyang nais sabihin. Namamanhid na rin ang kanyang mga braso't paa at hindi rin nagtagal ay natumba siya. Tapos na kase ang dalawang minuto at hindi niya pa rin nahahanap ang serum. Napakawalan na sa buong cr ang gas na naging sanhi naman ng kanyang agarang pagkamatay.



N-naka-lock! Kahit na itodo pa niya ang kanyang pagpihit sa door knob ng cr ay hindi niya pa rin ito mabuksan. Kaya naman minabuti niya nang humingi ng tulong sa kinauukulan.



Hindi nagtagal at nabuksan ang mabahong banyo. Nangangalingasaw na ang bangkay ni Dredda na namumutla ang buong katawan. Nakahandusay ito sa maputik na tiles ng banyo at wala nang buhay. Agad naman itong ipinaalam ni Maia sa mga kaklaseng naiwan sa food court.



Hayyy. Tapos na rin sa wakas! Vote and comment kung nagustuhan niyo! Sana i-share niyo rin 'to sa mga kakilala niyo na may wattpad! @ishi , @giselle at @aira hello!

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon