Eleven o'clock na pero wala pa rin siya. San na ba nagpunta yun? nag-aalalang tanong ni Mourse sa kaklaseng si Casey. Mag-aalas onse na pero hindi pa rin nakakabalik sa dorm si Jasmin.
Matagal-tagal na rin silang magkaibigan. Mula first year high school ay magkakaklase na sila. Kaya ganun na lang kung mag-alala sila sa isa't-isa.
Casey: Footspa naman eh! Pinapakaba talaga tayo nung babaitang yun!
Wala silang mga cellphone kaya hindi nila nagagawang makipag-usap sa isa't-isa. Naisip na lamang nilang dalawa na baka nasa dorm ito ng ibang mga kaklase. Natatakot na rin sila na baka mawala rin si Jasmin kagaya ng nangyari kay Evan, na isa rin sa pinakamalalapit nilang kaibigan.
Casey: Tara na. Baka nandun lang yun kila Sunshine! Pag wala, tanong na lang natin sa iba.
Lumabas sila ng dorm at sinubukang katukin ang ibang pintuan ng dorm.
Guys! Extra Facts muna tayo para di kayo nalilito ahh!
-Pede magsama ang lalaki at babae sa mga dorm nila.
-Walang mga cellphone sa school nila, yung iba, patago lang ang paggamit.
-Bawal silang lumabas ng school kase yung mga pangangailangan nila, nabebenta na dun sa loob ng school.
-Pede kang umabsent kahit na kelan mo gustuhin.
-Iisang teacher lang ang meron kayo sa isang subject at yun ay ang inyong adviser.
-Kapag nakalabas ka na ng school, mas pipiliin mo pa na huwag nang pumasok pa kase di ka makakalabas hanggang hindi pa natatapos ang school year.
-Fully paid na ang lahat ng gastusin sa school kaya yung mga parents nila, allowance na lang ang ibinibigay sa mga anak nila.
-Di pede na makita ng parents ang anak nila. Sa office nila ibinibigay ang pera ng anak nila at ang office naman ang mag-aabot nito sa anak nila.
Oh yan! Para di kayo malito! May sarili akong school no! Kaya rules ko yung nasusunod! Heto na yun ha! Ito na yung pinakahihintay kong chapter! Read, Vote and Comment!
Tok! Tok! Tok!
Nang marinig ay agad itong binuksan ni Sunshine. Bumungad sa kanya ang dalawang kaklase na nakapang-tulog pa.
Ano yun? Ba't di pa kayo natutulog? tanong ni Sunshine na inaantok na.
Wala po ba diyan si Jasmin? tanong ni Casey na halatang kinakabahan na. Nilingon-lingon niya pa ang loob ng dorm nila Sunshine pero wala siyang nakitang gising pa bukod kay Sunshine.
Sunshine: Wala eh. Bakit? Di pa ba nakakauwi?
Mourse: Wala pa po eh. Baka po nagawi diyan kanina.
Sunshine: Pasensya na guys, pero wala eh. Baka naman-
Casey: Huwag naman po sana.
Sunshine: Sige, sasamahan ko na lang kayo sa iba nating kaklase. Tulog na rin naman sila eh.
Mourse & Casey: Sige po.
Nilakad na nila ang mga katabi pa nilang dorm. Inuna nila ang dorm nina Kraven.
Nakaangat na ang kanang kamay ni Mourse para kumatok nang biglang bumukas ang pinto. Ang kaklase pala nila na si Stephanie. Pare-pareho silang nagulat.
Stephanie: Oh, ba't gising pa kayo?
Sunshine: Kami nga dapat magtanong niyan sa'yo eh!
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Misterio / SuspensoKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
