Uy di ako nagmumura ahh. Naisip ko lang yan para medyo realistic! Sorry kung wala pang pinapatay na iba. Basta ! Pakatutukan niyo!
Pagkatapos ng klase...
Magkakasabay na lumabas ng classroom sina Lhyca, Mirriam, Nikki at Suzette. Nagkakatinginan na silang apat na senyales ng kanilang pagsasagawa sa plano. Hinintay nila na makalabas ang lahat ng estudyante at saka nag-usap-usap tungkol sa plano.
Suzette: Oh? Ano na?
Mirriam: Ganito ang plano ah. Mamayang twelve pm, kapag wala nang tao sa labas, isasagawa natin yung plano. Tatlo lang ang security guard sa labas kaya medyo madadalian tayo, hahampasin natin sila ng kahoy sa likod at dederetso na tayo sa labas.
Nikki: Girl!!! Hindi ko kayang gawin yun! Masyado akong clumsy para gawin yon!
Lhyca: Eh di ibahin na lang natin! Kase kahet ako ayoko gawin yun eh. Tutal mighty and brave naman kayo ni Suzette, bat di na lang tayo magkita sa labas ng school? Haha!
Suzette: Ha? Iiwan mo kami ni Mimi sa gitna ng pagtakas! Oh my G! Nakakainis ka!
Lhyca: Eh di naman namin kaya yung kaya niyo eh! Basta, kapag napalo niyo na sila at wala na silang malay, text mo na lang kami.
Nikki: Oo nga! May mga cp naman tayo di ba? Patago nga lang! Hahaha!
Mirriam: Oo na! Basta makaalis lang tayo dito sa hellish school na to!
Kinagabihan...
Natuloy ang plano na binabalak ng apat na magkakaibigan. Unang lumabas sina Mirriam at Suzette. Gising pa ang tatlong guard at malawak ang daanan palabas ng school kaya malayo pa lang ay kita na sila nito. Tinutukan silang dalawa ng flashlight ng mga guard. Napatakip naman ng mukha and dalawa dahil sa pagkasilaw.
Guard 1: Hoy! Alam niyo naman di ba na bawal lumabas pag ganitong oras na? Bumalik na kayo sa mga dorm niyo!
Mirriam: Ay, kuya! Grabe kenemen! Makikipagkwentuhan lang naman eh!
Pagkatapos ay siniko ni Mirriam si Suzette at bumulong.
Mirriam: Pano na yan girl?
Agad namang sumagot si Suzette nang pabulong. Nakangiti siya habang nakalabas ang mga ngipin at hindi bumubuka ang bibig.
Suzette: Sundan mo lang ako...
Medyo malayo rin kase ang distansya nila sa mga guwardiya kaya hindi nito narinig ang usapan nila.
Suzette: Kuya naman eh. Kuya, may girlfriend po ba kayo?
Sabi ni Suzette na may seducing voice. Pagkatapos ay tinabihan niya ang lalaki sa kinauupuan nito at sabay akbay. Nagulat naman ang lalaki sa ginawa ni Suzette. Hindi ito makagalaw at tila pinagpapawisan. Maganda at seksing babae kase si Suzette.
Suzette: Kuya, do you believe in forever?
Seryosong tanong ni Suzette na nakatingin nang diretso sa mga mata nang lalaki. Malaki ang pangangatawan ng lalaki at maputi rin. Gwapo at mukhang nasa twenty plus pa lang. Nagsimulang pagpawisan ang lalaki at hindi makatingin sa mga mata ni Suzette.
Guard 2: Hoy, tigil-tigilan niyo kami sa mga ganyan niyo ah. Hindi niyo kam-
Hindi natapos ang sinasabi ng guwardiya dahil bigla siya nilapitan ni Mirriam.
Mirriam: Bakit kuya?
Mahinang sabi ni Mirriam sa lalaki. Hindi naman nakasagot ang lalaki. Ang pangatlong guwardiya naman ay kasabwat na nila at nabayaran na nila sa simula pa lang kaya nakatingin lamang ito sa mga nangyayari sa paligid. Madilim na rin ng mga oras na iyon at wala nang nakakita sa mga nangyayari.
Guard 3: Tara mga pre. Inuman muna tayo. Wala na rin namang lalabas na estudyante at nakaalis na rin naman ang mga staff ng school.
Nakakandong ang dalawang estudyante sa dalawang guard at tila naiilang sa mga nangyayari. Wala namang nangyayaring masama dahil alam nang ikatlong guard ang plano nila.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakatulog din sa sobrang lasing ang dalawang guard.
Dahan-dahang tumayo sina Suzutte at Mirriam mula sa pagkakakandong sa mga guwardiya. Marahan rin nilang inangat ang mga braso nito na nakapatong sa mga balikat nila.
Mirriam: Cute ka sana kuya eh. Uto-uto ka nga lang.
Bulong ni Mirriam. Tumawa naman nang mahina si Suzette.
O kuya, alam mo na ah. Wala namang nakakita eh. Tapos eto na pala yung kabuuang bayad. sabi ni Suzette, pagkatapos ay iniabot sa naninigarilyong guwardiya ang isang one thousand peso bill.
Guard: Maraming salamat. Bukas naman yang gate eh. Mamaya ako nang bahala diyan sa dalawa niyo pang kaibigan.
Kinuha na nina Suzette at Mirriam ang mga dala-dalang bag at dahan-dahang naglakad papunta sa main gate ng school. Hindi naman sila nahalata ng iba pang estudyante dahil tahimik na sa paligid at ang mga tunog na nililikha na lamang ng mga kuliglig ang maririnig.
Maya-maya pa'y nakalabas na nang matiwasay sina Mirriam at Suzette. Naglakad sila papalayo sa school na bangungot para sa kanila. Sumakay sila ng tricycle at bumaba sa isang sikat na restaurant. Humanap muna sila ng table at umorder muna ng makakain.
Hue! Medyo mahirap din pala no? Ngayon narealize ko na na dapat pinag-iisipan nang mabuti ang bawat chapter! Kakabaliw na yung mga naiisip ko! Putek! Medyo madrama na po ako, nais ko lang pong malaman niyo na gusto ko ang votes at comments niyo!
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
