#42.5 In The End

1.3K 33 2
                                        

What?! You killed Hansel last night?! Hindi makapaniwala ang lahat sa nalaman nila. Natagpuan na lamang nila na wala nang buhay si  Hansel sa upuan na pinagtalian nila rito.
          
            
             
Ngayon hindi na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaklase natin! Galit na sabi ni Casey.
              
             
                
Eh kase naman eh. Nalaman kong sinunog niya ang kapatid ko sa kwarto niya. Nadala ako ng emosyon ko kaya, napatay ko siya... Nahihiyang sabi ni Irish.
           
              
              
Sige. Tutal wala na rin naman tayong magagawa, magsibalik na lang tayo sa mga buhay natin, tutal tapos na naman 'tong delubyong 'to eh. Sabat ni Trayver.
                
                 
                  
Tama. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Pagsang-ayon ni Maia.
          
          
                
Gusto na namin yung dati naming buhay. Sagot din ni Christofer.
                   
                   
                 
It'll be a risk kung papayag kami sa gusto niyong iyan. Tandaan niyo, may isa pang killer na nasa klase natin. Tapos yung babaeng kumidnap sa atin, I'm sure, babalik at babalik pa 'yun. Kontra ni Arron. Nadismaya tuloy ang mga kaklase niya.
                  
                 
                  
We can handle ourselves na naman. Katwiran ni Casey.
             
             
              
O, sige. Kung anong makakapagpaligaya sa inyo! Nagsigawan silang lahat nang marinig ang mga salitang iyon sa bibig ni Arron. Daig pa nila ang grumaduate!
            
             
             
__________________________________
           
               
            
Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang mapatay ni Irish si Hansel. Nagsibalikan sila sa mga pamilya nila ngunit karamihan sa kanila ang nangulila nang malaman nilang ang ilan sa mga mahal nila sa buhay ay dinamay rin pala nina Hansel. May mga namatayan ng mga kapatid, ama at ina. Napag-alaman din nila na kaya pala nagsilbi ang ina ni Shaymee kina Hansel ay pinagbantaan nila ito na papatayin nila ang buong pamilya San Miguel kapag hindi siya pumayag.
         
       
        
Ang ilan naman sa kanila ay nawawalan ng mga mahal sa buhay kagaya ni Irish, nalaman niya na hindi raw natagpuan ang bangkay ng nakababata niyang kapatid sa nasunog nilang bahay kaya't may posibilidad pa na buhay ito at nakaligtas pa.
         
      
         
Agad naman nilang ibinalita ang mga ito sa pamilya ng mga namatay na nilang kaklase at naitigil ang klase noong katapusan ng Disyembre. Naipasara ang eskuwelahan dahil sa pagsasawalang-bahala nito sa mga nangyaring patayan sa loob nito at dahil na rin sa patung-patong na kasong ihinatol sa kanila ng mga pamilya ng mga estudyante ng Class 666.
              
              
               
Na-rescue rin ang mga kaklase nila na nasa loob nito na sina Lorena, Tamashi, Stephanie, Jhulyen at Miley.
            
            
            
Nakakakilabot ang mga news report na nakuha mula sa mga naiwang gamit sa dormitoryo ng mga estudyante ng section na ito. May mga sulat daw na naiwan ang ilan sa mga namatay nang estudyante ng section na ito.
                  
                  
                  
Nakulong din ang principal ng St. Rochinston dahil sa isinampang kaso sa kanya ng lahat ng mga magulang ng mga estudyante ng Class 666.
              
             
                 
Ngayon ay tuloy pa rin ang pagkakaibigan nila at nagko-communicate pa rin sila.
            
           
            
__________________________________
               
                 
                
The story is not yet over...

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon