Mirriam's POV
ITO na yata ang araw na pinakahihintay ko. Napakasaya ko. Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon ng kakaibang closeness sa pagitan naming dalawa ni Kraven. Kakaiba. Sobrang nakatutuwang balikan ang lahat ng mga nangyari sa nakalipas na tatlong taon na iyon.
Magmula nang matapos ang nakatatakot na experience naming magkakaklase ay naging mas close kami sa isa't-isa. Halos magkakapatid na ang turingan namin. Pero iba ang naging tingin ko kay Kraven. Sobrang special niya para sa 'ken.
Dumating sa punto na magkapantay na silang dalawa ni Suzette sa buhay ko at kailangan ko nang mamili sa pagitan nilang dalawa. Si bestfriend ba o si special friend? Pero sa dulo ay napagtanto ko rin na hindi ko naman kailangang mamili sa kanilang dalawa dahil pareho ko silang mahal.
Maya-maya ay isang katok ang narinig ko mula sa pinto. Nilingon ko iyon at nakita ko si Suzette. Suot-suot niya ang isang napakagandang kulay puting gown na napalalamutian ng mga glitters. Lalo pa itong gumanda dahil sa simple ngunit elegante niyang make up at ayos ng buhok.
"Are you ready, sis?" Nakangiting tanong niya sa akin. Napaisip tuloy ako kung handa na ba akong maging Mrs. Schwartz. Tumango ako sa kanya habang nakangiti. Paglabas niya ay tiningnan ko ang sarili ko sa napakalaking salamin sa aking harapan.
Handa na nga ba ako? Tanong ko sa aking sarili. Sa palagay ko'y ito na ang tamang oras upang lumabas ako sa silid na ito at harapin si Kraven. Kumusta na kaya siya? Sobrang gwapo niya pa rin kaya?
Isang paraan na lang ang naiisip ko. At iyon ay ang lumabas ako sa silid na ito at pumunta na sa simbahan kung saan kami mag-iisang dibdib ng lalaking pinakamamahal ko. Handa na akong maglakad sa altar habang naroon ang mga taong pinahahalagahan namin at nakangiti habang pinanonood kaming magpalitan ng mga pangako ng pag-ibig na dadalhin namin hanggang sa pagtanda.
Siguro'y hanggang dito na lang muna ang pagkukuwento ko tungkol sa buhay naming dalawa. Dahil ayaw kong mahuli sa kasal ko! Pak na pak pa naman ang kagandahan ko ngayon. Mukha akong babaeng marangal at hindi nanlalabam. Sayang lang kung pahahabain ko pa 'yung storytelling ko 'no. At isa pa, nahirapan ako sa mga mabubulaklak na salitang ginamit ko! Sige na, babush!
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Misterio / SuspensoKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...