Papalapit na nang papalapit ang lalaking iyon sa cabinet na pinagtataguan ni Kraven. Halos hindi na siya humihinga dahil sa mga maaaring mangyari. Papalapit ito nang papalapit sa kanya hanggang sa...
Tara na, pare! Nakatakas na yung mga 'yun! Sigaw ng isa. Mabuti na lamang at sumunod ito sa sinabi ng kasamahan.
Nakahinga na nang maluwang si Kraven. At nang mapansing nag-alisan na ang armadong lalaki ay naglabasan na rin sina Kraven at ang iba pang naiwan sa bahay.
Sakto namang nagbukas rin ang pintuan ng banyo at sumalubong sa kanila si Giselle.
Tara na! Babalik pa yung mga iyon kaya't sumama na kayo sa akin! Nasa baba na rin ang lahat! Yaya ni Giselle.
Paano na po sina Kuya Arron? Tanong ni Trayver.
Kaya na nilang depensahan ang mga sarili nila. Armado din sila. Sumunod na kayo! Utos ni Giselle, kaya't hindi na umangal pa ang mga ito at sumunod na lamang kay Giselle.
__________________________________
Buti na lang at ligtas kayo! Mangiyak-ngiyak si Aisyah habang nakayakap kay Patrick. Ligtas na sila... Sa ngayon.
Nagkita ba kayo doon nina Arron? Nag-aalalang tanong ni Giselle. Hindi niya pa kase alam kung nasa anong kundisyon na sina Arron sa taas.
Hindi po eh. Sagot ni Merle.
Tulungan po kaya natin sila doon, baka kase nasa panganib na sila eh. Pati si Mourse ay nag-aalala na rin para sa kaibigan.
Wow, ha. Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan ah. Biro ni Patrick. Nagtawanan tuloy silang lahat nang wala sa oras.
Hindi pwede, Mourse. Kailangan nating manatili dito dahil wala tayong maitutulong doon. Kontra ni Giselle.
__________________________________
No time, no see, Steph the pakialamera. Kahindik-hindik ang senaryong dinaranas nila ngayon. Nasa sala sila ng bahay. Nakaluhod si Steph habang sa tapat niya naman ay may isang malaking palanggana na may lamang muriatic acid sa loob.
Nakapalibot sa kanila ang mga tauhan ni Hansel na may nakatututok na baril sa bawat isa sa kanila. Nakatali ang mga kamay at paa nilang lahat.
Puwersadong sinabutan ni Hansel si Steph nang marahas. Halos matanggal na ang iba niyang buhok dahil sa lakas nito. Napapapikit na lamang ang dalaga sa ginagawa sa kanya. Pagkatapos ay itinulak ni Hansel ang ulo ni Steph papunta sa palanggana.
Pag-ahon nito sa tubig ay bigla itong sumigaw dahil sa sakit na kanyang naramdaman. Halos matanggal ang lahat ng mga buhok nito na malapit sa noo dahil ito ang parte na napuruhan.
Lapnos na rin ang balat niya sa mukha at nawala na rin ang kanyang kilay at pilikmata. Pumutok din ang kanyang labi dahil tumama ito sa palanggana.
How was it? Pang-aasar ni Hansel. Umiiyak-iyak na rin kasi si Steph dahil sa hapdi ng kanyang mukha.
Hinila niya pataas ang dalaga na naging dahilan ng pagtayo nito. Hinarap niya ito kina Arron upang makita nila ang kalunos-lunos nitong hitsura.
Sayang, hindi makikita ni Giselle 'tong mga nangyayari. Sabi ni Hansel. Hindi na nakapagpigil pa si Arron at nagsimula na siyang magwala. Sinusubukan niyang maalis ang tali ngunit mahigpit ito.
Nakakapikon ba, Arron? Yung tipong gustung-gusto mong patayin yung taong nasa harapan mo? Kaso hindi mo magawa kase nakatali ka? Nanggigil na si Arron. Lumalabas na ang mga ugat niya sa leeg at balak niyang patayin si Hansel.
Iyan ang napapala ng mga taong pakialamera! Sigaw ni Hansel. Pagkatapos noon ay sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan niya at itinabi na rin si Steph sa puwesto nina Arron.
Ngayon, sino'ng gustong sumunod? Isang tanong na nagpataas ng mga balahibo nila.
__________________________________
Hindi kaya ng konsensiya ko 'to! Hindi puwedeng nakatayo lang tayo rito at naghihintay! Nanggagalaiti na si Patrick. Malaki na rin kase ang utang na loob nila rito kaya't ito na ang oras para sila naman ang tumulong rito.
Hindi nga puwede! Hihintayin natin silang bumaba rito! Ayun ang plano! Kontra si Giselle sa sinasabi ni Patrick. Ngunit hindi nagpatinag si Patrick at naglakad papunta sa elevator at pinindot ang arrow na nakataas sa gilid.
Napatayo tuloy si Giselle upang awatin si Patrick. Nakatingin naman ang lahat sa ginagawa ni Patrick.
Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, ha? Tanong ni Giselle.
Yung part na huwag tayong aalis dito hangga't hindi dumarating dito sina Arron! Bulalas ni Patrick.
Kung sino yung mga gustong sumama para tumulong, tumayo kayo. Utos ni Patrick. Nagkatinginan ang bawat isa at hindi nila inaasahan na marami ang tatayo. Nagtayuan sina Irish, Merle, Mourse, Kraven at Aisyah.
Tara na, sumama na kayo sa akin! Wala tayong mapapala kung maghihintay lang tayo dito!
Nakapasok na silang lahat nang biglang mag-beep ang elevator. Anim kase silang nasa loob.
Sige na, mauna na kayo. Susunod na lang ako. Sabi ni Trayver. Pagkatapos noon ay sinabihan niya ang mga ito na mag-ingat. May dala-dala silang mahahabang kahoy na nakuha nila sa secret room.
Pag-akyat nila roon ay bumungad sa kanila ang sigawan na mula sa sala. Nagtago muna sila sa kusina at naghintay ng tiyempo.
Irish: Pa'nong gagawin natin? Armado sila ng mga baril pero tayo, kahoy lang.
Patrick: Lalaban tayo!
Walang anu-ano' tumakbo papunta sa kabilang poste si Patrick. Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo kaya't hindi siya napansin ng mga ito. Pupuntahan pala niya ang lalagyanan ng mga plato. Dahan-dahan niyang inilabas ang mga babasaging plato ay baso sa loob nito.
Sa hindi malamang dahilan ay ibinato ni Patrick ang isa sa mga ito. Agad na napalingon ang mga armadong lalaki at isa ang lumapit sa kusina. Hindi na nagawa pang makapagtago nina Merle kaya't sumandal na lamang siya sa poste upang salabungin ang lalaki habang nakaangat na ang kahoy na kanyang hawak.
Paakkk! Sapol sa ulo ang armadong lalaki. Dumugo ang ulo nito at agad din itong nawalan nang malay. Ngunit hindi yata ito isang magandang bagay dahil nakita rin ito ng grupo nina Hansel. Agad na nagtakbuhan ang mga ito at nataranta na rin sina Patrick kaya't Nagtakbuhan sila papasok sa cr. Ngunit nag-beep ito dahil sobra sila ng isa.
Mauna na kayo! Sigaw ni Merle. Nai-lock na nila ang pinto at naiwan sa labas si Merle.
Tinanggal ni Mourse ang flush tsaka pinindot ang pindutan sa likod nito. Mabilis silang nakabalik sa ibaba at naiwan si Merle sa baba.
__________________________________
Hohoho! Merry Christmas, Merle! Mukhang naiwan ka yatang mga kasama mo, ha.
Well, dahil magpapasko na, magiging mabait ako. Hindi kita papatayin, pero, sasabihin mo kung saan nagpunta ang mga kasamahan mo. Pagkatapos magsalita ni Hansel ay bigla itong tumawa ng pagkalakas-lakas.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Gizem / GerilimKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
