#25 Math Plus Love Is Equals To Complications

2.1K 58 13
                                    

Three o'clock na ng madaling araw pero gising pa rin si Jim. Hindi siya mapakali. Parang hindi siya panatag. Nararamdaman niyang may masama ngang nangyari sa kanyang kapatid. Nakahiga siya sa kanyang kama ngunit nakamulat ang kanyang mga mata at may malalim na iniisip.

Totoo nga kaya yung sinabi ng sulat na 'yon? ayan ang tanong na pumapasok sa kanyang isip. Gulung-gulo na siya.

Makalipas ang ilang oras ay panahon na para siya ay maghanda sa pagpasok. Pero wala pa rin siyang gana at mas pipiliin niyang matulog na lang muna.

Pre, ano, di ka ba papasok? seryosong tanong ni Kraven kay Jim habang nakalagay ang isang braso sa balikat ni Jim. Pero tinanggihan siya nito at tinanggal ang kamay ng kaibigan sa kanyang balikat.

Huwag ka munang maniwala dun sa sulat na 'yon. Gusto lang tayo non mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob. Kaya tara na, pumasok ka na 'tol! sabi ni Kraven sa mababang boses.

Jim: Hindi talaga pre eh, malakas ang kutob ko na may nangyaring masama sa ate ko. Malakas ang kutob ng kapatid tol.

Kraven: Ikaw bahala. Pero ang sabi ni Sunshine balak niya daw magpalit-palit na ng mga dorm. Kase may mga occupied daw tapos yung iba kulang. Kaya mamaya, kung di ka papasok, magligpit-ligpit ka na ng mga gamit.

Jim: (masaya) Oh sige. Hihintayin ko na lang, baka bumalik pa si Ate!

Nagulat naman si Kraven at parang naweirdohan sa sinabi ni Jim. Halatang hindi pa rin tanggap ni Jim ang pagkawala ng kanyang kapatid. Samantala, sa St. Rochinston, naging bulung-bulungan ang mga nangyari nung nakaraang gabi.

Student 1: Sabi nga daw, yung isa daw, nagbigti!

Student 2: Oo nga eh. Nakakatakot na talaga dito. Ayoko na mag-aral dito, baka madamay pa ako eh.

Student 3: Alam niyo, sasabihin ko na rin sa parents-

Biglang natapos ang bulungan ng tatlong estudyante dahil biglang nagdatingan ang ilan sa mga estudyante ng Class 666 (Patrick, Aisyah, Kelly, Merle).

Patrick: So! Kami pala ang topic niyo!

Nanatiling tahimik ang tatlong estudyante at naglakad na lamang palayo. Tinitigan naman sila ni Patrick sabay alis na rin.

Aisyah: Tara na. Wag na nating sayangin ang oras natin sa mga low profile na yun. Tsaka pwede ba, kalma lang! Kalma! Kalma!

Nakapulupot ang kamay ni Aisyah sa bisig ni Patrick. Sumunod naman si Patrick at dumeretso na sa classroom nila dahil male-late na sila. Pagdating nila doon ay nagkukuwentuhan pa rin ang mga kaklase nila at nagchichismisan. Pero may ilang estudyante na mas piniling manahimik na lamang kagaya nina Mourse at Casey. Kilala sila sa pagiging jolly at cheerful, pero dahil sa nangyari nung nakaraang araw ay naging kabaligtaran sila ng ugali nila noon. Maya-maya pa ay nagsimula nang magturo si Ms. Marabas.

Ms. Marabas: Class, Math muna tayo. Okay, how do we determine if the given terms are quadratic equation or qudratic function? Anyone?

Walang nagtataas ng kamay bukod kay Stephanie, na kilala bilang isang math wizard. Nakabusangot naman ang karamihan sa kanila.

Makalipas ang singkwenta minuto...

Sige. Take your break. Pero maiwan ka muna Ms. Feliciano.

sabi ni Ms. Marabas habang nakatitig kay Sunshine. Wala pang isang minuto ay wala nang tao sa classroom nila bukod kina Sunshine at Ms. Lara (A.k.a Ms. Marabas).

Huminga muna nang malalim si Sunshine pagkatapos ay tumayo na at pumunta sa table ng teacher.

Sunshine: Ma'am, ano po yun?

Ms. Lara: Sunshine, tingin mo, bilang presidente ng klaseng ito, ano ang dapat nating gawin para matigil ang mga patayang nagaganap sa klase natin?

Sunshine: Ma'am, siguro po pedena pagsama-samahin natin sila sa dorm para po medyo secured kami.

Ms. Lara: (seryoso) Sige. Mukha namang maganda yang "PLANO" mo na yan.

Madiin ang pagkakasabi ni Ms. Marabas sa salitang "plano", na alam naman ni Sunshine kung ano ang ibig sabihin.

Sunshine: Sige ma'am. Ako naman kase ang responsable rito eh. AKO ang nanay ng mga kaklase ko at hindi rin kase ako WALANG kuwenta! Bye ma'am! Thank you sa oras mo... PO!

Hindi na hinintay pa ni Sunshine ang sasabihin ng kanyang guro at dali-dali na lamang lumabas ng classroom. Alam niyang sa kanya isinisisi ng kanyang guro ang mga nangyayari sa kanila.

Nasa hallway na si Sunshine nang may mabangga siyang isang estudyante. Nalalag ang kanilang mga dalang notebook, libro at mga papeles. Naghalu-halo ito sa sahig at si Sunshine naman ay natumba. Nadagdagan tuloy ang galit na nararamdaman niya.

Sunshine: Watch where you're goin' b!t¢|-|!

Pagkatapos ay ibinato niya sa lalaki ang isang notebook na nadampot niya na malapit sa kanya. Hindi niya naman mamukhaan ang lalaki dahil nakayuko ito at busy sa pagpulot ng mga nalaglag niyang gamit. Tinamaan siya sa bandang ulo na agad niya namang ikinagulat.

Ouccch! Ano ka ba?!? sabi ng lalaking nabangga niya. Napakapit na lamang siya sa kanyang batok dahil sa sakit. Nagulat naman si Sunshine dahil nabosesan niya ang lalaking bumangga sa kanya.

K-kraven? gulat na tanong ni Sunshine sa lalaki. Narinig niya na bigla itong tumawa nang mahina kaya sinigawan niya ito.

£€ts€ ka Kraven ah! Ikaw lang pala! Kala ko kung sino na! Itayo mo nga ko! Kundi itutumba kita! natatawang sabi ni Sunshine sa kaklase. Magaan ang kalooban ni Sunshine kapag si Kraven na ang kanyang kausap. Pakiramdam niya kase ay ligtas siya kapag kasama niya ito dahil sa medyo malaki ang pangangatawan nito at masarap din daw siya kausap.

Ano? Tumba mo na lang ako tinatamad ako eh! nang-aasar na sabi ni Kraven. Pero hindi niya pa rin natiis ang dalaga kaya ibinigay niya rito ang isa niyang palad na agad namang inabot ni Sunshine. Nang makatayo ay binigyan niya ito ng isang malutong na batok.

Tok! sa sobrang lutong ay napasigaw ng mahina si Kraven.

Para san yun? nagtatakang tanong ni Kraven.

Wala lang! Trip kita eh, bakit ba? sagot naman ni Sunshine.

Narinig kita kanina! Talo ka kay Ma'am! Nye, nye, nye, nye, nye! asar ni Kraven sa kaklase na parang isang bata na nakalabas pa ang isang dila.

Sunshine: Tara na. Samahan mo na lang ako sa canteen. Gutom na 'ko eh!

Kraven: Ayoko nga.

Sunshine: May sinasabi ka?

Kraven: W-wala.

Para silang magkasintahan na nagbibiruan, nag-aasaran at nagkukulitan. Nang nagkaroon ng di pagkakaunawaan sina Kraven at Ingrid ay kay Sunshine at Gray niya nakita ang pagkalinga ng isang tunay na kaibigan.





































Pede na ba 'to? Pede na ba yung onting love story? Kalma muna tayo. Wala na rin kase akong maisip na twist eh. Geh! Para sa mga gustong magrequest kung sino yung ayaw niyong mamatay sa story o kaya yung gusto niyo nang mamatay sa story, i-comment niyo lang at ako na ang bahala! Pero bago ang lahat, vote ka muna, please?

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon