Hey readers! A very very short update lang muna para sa enyo! Hahaha! Vote tsaka comment naman oh?
Ilang oras din nilang tinahak ang kakahuyan hanggang sa maabot nila ang main road. Pagod na pagod ang lahat at humihingal-hingal pa nang marating ang kalsada. Mayroon din silang mga putik at iba't-ibang dumi sa katawan.
Help is coming... Misteryosong sabi ni Rham pagkatapos ay itinuro ang isang sasakyan na paparating. Nasa loob pala nito sina Arron at Ishi.
Ano'ng nangyare? Nasa'n sina Aira at Giselle? Pambungad na tanong ni Arron. Nagkatinginan sina Patrick at Kraven pagkatapos ay sabay na nagsalita.
Mahabang kuwento. Isinakay na sila ni Arron sa van at bumalik na sa lihim na bahay nila.
______________________________________
Magpahinga na kayo. Utos ni Arron sa mga kaklaseng mukhang pagod na pagod. Nakapalibot sa kanila ang mga kaklaseng nag-aalala rin.
Kraven's POV
Parang binugbog ng isang daang katao ang katawan ko, hindi ko maibanat nang maayos ang mga binti ko sa sobrang tagal naming naglakad kagabi. Wala naman kaming choice kundi ang maglakad.
Ngayon, nandito kaming mga nasa nahuling van, sa loob ng isang malawak na kuwarto sa loob ng mansiyon. Ginagamot kami nina Ishi at Steph at nakauwi na rin sina Aira at Giselle na wala namang naitulong sa'men. May pilay si Giselle tapos may sugat naman sa noo si Aira. Nagiging awkward nga kapag nagkakatinginan kami kase alam nilang mayroon silang part na hindi nila ginawa.
Magkakatabi kami ng kama at pare-pareho kaming may benda at tapal ng bulak sa iba't-ibang mga parte ng katawan namin.
I just can't believe na ang dalawa sa pinakamalalapit kong kaibigan ang magkasunod na nawala. Sina Ingrid at Gray. Hindi pa man nade-determine kung nandun pa sa gubat na iyon si Gray ay in-embrace ko na lang ang lahat.
Nung matapos na kaming magamot nina Ishi at Steph ay iniwan na nila kami sa loob. Napaka-relaxing ng mga huni ng ibon na naririnig namin sa bintana na sa tingin ko ay ang malawak na hardin.
Kailangan na namin mabigyan ng hustisya ang mga nangyari sa mga kaklase namin kundi ay magiging useless lamang ang pagkamatay nila. Dapat na agad naming maipadakip sa mga pulis si Hansel bago pa man malaman ng school na tumakas kami. Strikto pa naman ang mga administrators ng St. Rochinston.
Ishi: Makakatulong sa agaran niyong paggaling ang pagpapahinga. Matulog na kayo dahil paniguradong kulang ang tulog niyo.
Magkakalapit lamang ang aming mga kama kaya't nakakadaldalan ko pa rin sila. Bagaman ganito na ang nangyari sa amin ay puro lamang kami tawanan sa loob ng silid dahil kay Mourse. May poknat na nga siya sa noo pero puno pa rin siya ng mga nakakatawang jokes.
End of Kraven's POV
Muli ay nabuo na naman ang grupo nila, pero ngayon, ay nabawasan na naman sila ng lima. Malayo na ang nararating nila ngunit ang tanong, "Mabigyan pa kaya nila ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaklase nila? O pati rin sila ay sumunod na sa mga yapak ng mga naunang kaklase?"
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
