#29.3 Camping

1.5K 42 0
                                    

Itinapon muna niya sa malayo ang pinakaunang loaf ng Gardenia at sinubo kaagad ang sumunod na loaf.

Sarap na sarap siya sa lasa nito kahit walang palaman. Pero ang hindi niya alam ay may nakatayo na pala na lalaki sa kanyang likuran. May hood ang jacket na suot nito at may dala itong isang maliit na kutsilyo. Tuloy pa rin sa pagkain ang walang kaalam-alam na si Yen. Hanggang sa...

Aaaahhh! mahinang sigaw ni Yen na pumipiyok-piyok pa dahil sa sakit na nadarama. Bumaon sa kanyang noo ang dulo ng kutsilyo na agad naman niyang ikinamatay.

Tsk. Hok. Huhh. Tsk. mahinang sabi ni Yen. Tumutulo na kase sa kanyang mukha ang mga dugong nanggaling sa kanyang ulo.

Sabi ko kase sa'yo, huwag ka nang makialam. Pero ano'ng ginawa mo? Binalewala mo ang babala ko sa'yo. sabi ng naka-jacket na killer habang may nakakurbang maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

Samantala...

Hindi makapagsalita ang dalawang magkaklase na sina Jerome at Justin. Pilit na pinapaliwanag ni Justin na si Jim ang may kasalanan sa kanyang pagkamatay. Nakasandal lang silang dalawa sa magkatapat na puno at nagtitinginan.

Hindi 'to makakarating sa kanila, maliwanag ba!?! naghihimutok sa galit at kaba si Justin. Hindi niya alam kung nalulungkot lang siya o nagi-guilty talaga siya sa mga nangyari. Pero kung tutuusin ay wala talaga siyang kasalanan.

Kinalaunan ay nalaman din ito ng lahat. Hindi makapagpaliwanag ang magkaibigang Justin at Jerome ukol sa nangyari. Nagdesisyunan rin ng kanilang adviser na ituloy ang camping kahit na may nangyari na naman na patayan. Para kase sa kanila ay normal na ang mga ganitong pangyayari. Ang ilan rin kase sa kanila ay tanggap na ang kanilang hinaharap. Nawalan na rin sila ng pag-asa na makaligtas pa sa sitwasyon na kanilang kinatatayuan.

Ilang oras matapos ang insidente ay napagkasunduan na nila na magtipon-tipon upang bumuo ng isang plano.

As the Vice President of this class, I would like to call this meeting as IATKAILI Meeting. I know that all of you was confused about it, but thanks for our classmate, Maia Francine Salangit, who planned this event.

Maia's POV

Napangiti na lang ako nang marinig ko ang pangalan ko. Tumayo ako pagkatapos ay dahan-dahang naglakad papunta sa harapan. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay narinig na lamang namin ang isang malakas na putok ng baril. Napalingon pa kaming lahat hanggang sa malaman namin na si Jobbert ang tinamaan ng baril! Agad na nagmantsa sa damit niya ang kulay pulang dugo at mabilis rin siyang bumagsak.

Ako naman, nakatayo lang sa harapan na parang estatwa at hindi gumagalaw. Samantalang sila, nagkakagulo na. Ang ilan sa kanila ay tumakbo palayo at ang iba nama'y nakikiusyoso sa katawan ni Jobbert.

Gusto talaga nila kaming ubusin. Bakit ba sa dinami-rami ng tao sa mundo, ba't kami pa?!?

Pero mas lalo akong nagimbal nang makita ko si Arron na nasa likuran ni Jobbert na ibinababa pa lamang ang kanyang baril na ginamit niya sa pagpatay kay Jobbert. Totoo kaya na si Arron ang pumatay kay Jobbert?

Sa sobrang tulala ko kay Arron, di ko na napansin na nakatingin na pala siya sa akin. Yung iba naming kaklase, nagkahiwa-hiwalay na. Ako lang siguro ang nakapansin na naroon rin si Arron at kasama rin namin. So ayun nga, nung napansin kong nakatingin na siya sa aken, iniba ko na lang ang direksyon ng mata ko. Tumingin ako sa kanan ko na para kunwari, di ko siya nakita.

Ang dami na ng mga taong nagkukumpulan sa harap ng katawan ni Jobbert. May mga estudyante, teachers at iba pang mga tao na hindi naman namin kilala pero nakikiusyoso lang.

Naglakad ako palayo sa mga taong iyon kase hindi na ako makahinga. Pero ang hindi ko pala alam ay nasa likod ko rin pala si Arron. Nakasunod siya sa aken kasama ang tatlong babae sa likuran niya. Kaya binilisan ko ang paglalakad. Kaya lang, sa kasamaang palad, naabutan nila ako at hinalbot nang bigla ang braso ko.

Bitawan mo ang kamay ko! Arron, pinagkatiwalaan kita, ayun pala ikaw pa ang killer?!? Bakit niyo ba kase 'to ginagawa? sigaw ko sa kanila habang nagpupumiglas. Para na nga akong naghihisterical eh.

Shh. Everything's gonna be alright. bulong ng babaeng kasama ni Arron na parang pixie yata yung buhok nun.

B-ba't mo binaril si J-jobbert?!? tanong ko ulit sa kanya. Hawak-hawak na nila ngayon ang dalawang braso ko nang mahigpit na parang ayaw nila akong makawala.

Hindi ka maniniwala kapag sinabi ko sa'yo. sagot niya. Pero gusto ko talagang malaman kung bakit kaya kinulit ko ulit sila.

Bakit nga! Hindi ako sasama sa inyo hanggang hindi niyo sinasabi sa akin kung bakit! pagmamatigas ko. Napatigil kami sa paglalakad. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin habang nakapoker face.

Siya ang killer. bulong niya na agad kong ikinagulat.



















Woow! After one month! Natapos din ang chapter na to! Gusto ko na talaga gumawa ng next chapters kaya lang, busy talaga ako eh. Masyadong maraming projects tsaka exams! Tsaka guys, yung mga gusto sumama sa mga students ng class 666, i-pm niyo lang ako. Tsaka yung iba diyan, iniisip na satanic raw ako, guys, hindi ah! Eto lang yung napili kong title para horror na horror! Sabi rin kase nila, nakakapukaw raw ng atensyon. Kaya niyo nga binabasa eh.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon