$|-|!+, ano'ng pumasok sa isip nito ni Jerome at tumalon siya diyan? At yung masaklap pa don, dinamay niya pa si Shaymee! Bulalas ni Jhulyen. Nakatayo sila sa gilid ng ambulansiya habang tinitignan ang mga itong kunin ang katawan ng dalawa nilang kaklase. Pinagkakaguluhan ng maraming estudyante ang nangyaring pagtalon nina Jerome at Shaymee mula sa tuktok ng Building 3.
Miley: Pa'no na 'yan? Walo na nga lang tayo, naging pito pa, tapos ngayon, lima na lang? What if nandito na pala yung killer na 'yun at nag-iisip na siya ng plano para isa-isahin tayo?
Stephanie: We need to stick together. Tutal wala na naman yung iba nating mga kaklase, bakit di na lang tayo magsama-sama sa iisang dormitoryo?
Lorena: May lalaki po sa'ten, Tamashi? Remember?
Stephanie: Ako okay lang naman sa'ken. Buhay mo na naman yung nakasalalay dito eh. Kung gusto mo na mamatay, lipat ka ibang dorm para masaya.
Tamashi: I-I don't wanna die either. Don't worry, privacy won't be a problem.
Lorena: S-sige na! Mamaya lilipat tayo dun sa dorm nina Miley. Dun tayong lima para safe!
Sa ganitong sitwasyon, sa isa't-isa lamang sila maaaring sumandal. Sila-sila rin ang magtutulungan. Nang matapos ang klase nila ay nag-impake na sina Tamashi, Lorena at Stephanie ng kanilang mga gamit at nagpunta na sa dorm nina Miley at Jhulyen.
______________________________________
Kinagabihan, sa lihim na bahay nina Arron, naghahapunan ang lahat nang mapanood nila ang balita tungkol sa pagkamatay ng tatlong estudyante ng St. Rochinston.
Newscaster: Nakilala ang tatlong estudyante bilang sina Oliver Thomas Oais, Shaymee San Miguel at Jerome Larsen Calda. Ayon sa aming source, ang una ay natagpuan sa Storage Room ng eskwelahan na pinamumugaran na ng mga puting uod. Ang pangalawa at pangatlo naman ay tumalon umano sa rooftop ng Building 3. Wala namang statement na makuha sa management ng school at piniling magsawalang-bahala. Hindi rin mahanap ang mga magulang ng mga estudyante dahil sa hindi malamang dahilan. Ano kaya ang kababalaghang bumabalot sa St. Rochinston? Ito po si Cara Dela Vera, nag-uulat.
Nang matapos ang balitang iyon ay napatingin silang lahat kay Rham, na ngayon ay tanging miyembro ng Pop Up na buhay pa. Tahimik lang itong nakaupo sa sofa at nakikiramdam.
Rham: Ano ngayon? I'm on my own now. Pop Up's gone. Tsaka alam ko rin namang na baka humantong sa ganito, kaya inihanda ko na ang sarili ko. Don't worry about me, I'll be fine.
Sa kabilang banda, hindi pa rin maiwasan ng mga kaklase niya na mangamba para sa kanya.
Kinabukasan...
Ishi: Guys, kailangan kong lumabas for thirty minutes. Wala nang "sandwich" sa bahay na 'to.
Giselle: Ano'ng sandwich? Eh ang dami-daming tasty dun sa kusina ah. (Tinitigan siya ni Ishi sa mata at doon niya nakuha ang sinasabi nito. Napkin pala ang tinutukoy niya.)
Walang tindahan sa loob ng village na iyon kaya't kailangan pa niyang lumabas ng village at doon bumili sa isang minimart.
Change po. Sabi ng cashier ng minimart saka ibinigay ang tatlong pisong sukli ni Ishi sa kanyang biniling isang pack ng napkin at ng mga pagkaing kanya ring nabili. Halos mapuno niya ang isang malaking paper bag dahil sa mga chips na pinamili niya. Paglabas niya ng minimart ay nabangga niya ang isang lalaking naka-hoody na jacket na naging dahilan upang magkalat ang lahat ng kanyang pinamili. Napunit ang paper bag at naglaglagan ang lahat ng mga chips pati na rin ang napkin na binili niya.
S-sorry... Sabi ng lalaking naka-hoody habang isa-isang pinulot ang mga pinamili ni Ishi.
O-okay lang. Pakibilis na lang kase nagmamadali rin ako eh. Nang mapulot na nila ang lahat ay tumayo sila ng sabay saka nakita ni Ishi ang maamo nitong mukha.
Sorry ulit ha... Ako nga pala si Brilton... Nakangiti pa ito at itinapat ang kanyang kamay kay Ishi upang makipagkamay.
Ishi... Ishi Escosura ang pangalan ko. S-sige, mauna na ako ha. T-thank you. Kumakaway-kaway pa ang lalaki habang naglalakad papalayo si Ishi.
Nice meeting you, Ishi Escosura. Maganda ka rin pala... Bulong ni Hansel nang makitang nakalayo na si Ishi.
Kailangan na naming magmadali. Papalapit na ang kapaskuhan ngunit kalahati pa lang ang napapatay namin sa kanila. Sabi ulit ni Hansel.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
