Nakaupo si Sushine sa gitna ng kalsada. Tila wala siyang pakialam kahit na madumihan ang damit na suot niya.
Sunshine, minsan, sa buhay, may mga tungkulin tayo na hindi nagagampanan ng tama. Pero, bibigyan tayo ng Diyos ng oras para itama yung mga pagkakamaling yon. Kaya ikaw, tumayo ka na at sama-sama natin 'tong haharapin. sabi ni Kelly na halatang ine-encourage si Sunshine.
Pero... Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Gusto ko nang mamatay... Hindi ko na kayang makita na isa-isang namamatay ang mga kaklase ko... sabi ni Sunshine habang pinupunasan ang mga bakas ng luha sa pisngi.
Kaya nga ehh. Tumayo ka na diyan at tulungan mo kaming alamin ang daan para makalabas na tayo dito. dagdag naman ni Jobbert.
Inalalayan naman ni Jobbert si Sunshine sa pagtayo. Pinagpag ni Sunshine ang puwetan niya at muling nagsalita.
Tara na nga. Buset kang killer ka! Magkakaharap din tayo... bulong ni Sunshine habang nakangiti.
Kinagabihan, sa bahay nina Kelly, Merle, Tamashi, Aisyah at Patrick...
Nahihilo pa talaga ko. Nakakadiri yung mga nangyare kanina. Pre, may mouthwash pa ba diyan sa cr? tanong ni Patrick sa naliligong si Merle habang kinakatok ang pinto ng cr.
Dude eto ohh. sagot ni Merle na hawak ang mouthwash at braso lamang ang nakalabas sa pinto.
Thanks. pagkatapos ay dumeretso siya sa kusina at doon nag-mouth wash.
Sa itaas naman ng bahay ay nagkukuwentuhan sina Aisyah at Kelly.
Sa tingin mo makakaalis pa tayo dito sa subdivision na 'to? Ang ganda pa naman dito. Kung wala lang sanang nam-bubu££$h!÷ sa atin dito, mas pipiliin ko na tumira dito. Unlimited supplies of food and water. Ano pang hahanapin mo? sabi ni Kelly na nakadapa sa kama at nagbabasa ng magazine.
Ah? O-oo, ang ganda dito... Pero bukas, sabi nina Jobbert hahanap daw tayo dito ng labasan. pautal-utal na sagot ni Aisyah na nakatingin sa bintana.
Hah? Tatakas tayo? Dito? Nagbibiro ba kayo? Matataas ang mga pader, triple ng laki ng mga bahay dito? sagot agad ni Kelly, pagkatapos, nilapag niya ang magazine na hawak niya nang padabog.
Sa kabilang kuwarto naman ay si Tamashi na nakahiga mag-isa pero nakadilat pa rin. Tila mayroon siyang malalim na iniisip.
I am still confused. I don't know if it was just me, or it's really the ambience of our section that freaks me out. But I need to know the secrets of this section. F√¢[<! Curiosity kills me! bulong ni Tamashi sa sarili. Isa siya sa pinakamatatalinong estudyante ni Ms. Marabas. Fluent din siya magsalita ng English. Kaya madali silang nagkakaintindihan ng mga kaklase niya. Kung tutuusin ay hindi naman talaga siya misteryoso, hindi lang talaga siya napapansin ng iba niyang kaklase na nagri-reach-out siya para maging ka-close sila.
Samantalang sina Jobbert, Sunshine, Maia, Samby, Justin at Ingrid naman ay napiling lumabas at maghanap ng daan palabas ng subdivision.
Bakit ba kase natin to ginagawa ngayon, eh pede pa naman 'to bukas? tanong ni Justin habang tinuturo-turo ang flashlight sa dinaraanan.
Bukas? Bukas kung kelan may mamamatay na naman na isa sa aten? sagot ni Sunshine nang may pagka-O.A.
Naglalakad sila sa mga gilid ng mga pader. May posibilities daw kase na may pintuan rito.
Walang mga street lights sa subdivision kaya madilim ang kalsada at tanging ang mga flashlights lang nila ang nagsisilbing ilaw sa gabi. Tanging ang mga tunog lang kuliglig ang maririnig dahil sa sobrang tahimik.
Nahuhuli naman ang magkasintahan na sina Ingrid at Justin sa paglalakad na tila naglalambingan. Alam mo, kahit yang mga bituin sa langit, kukunin ko, mapangiti lang kita. sabi ni Justin sa malumanay na boses habang nakatingala.
Mukha mu! Brief mo nga pinapalaba mo pa sa katulong niyo eh yung bituin pa kaya! sabi ni Ingrid na nakangiti pagkatapos ay pinisil ang ilong ng binata.
Wala eh. Bagsak talaga ako sa'yo eh. sabi ni Justin habang naka-pout. Inakbayan niya si Ingrid pagkatapos ay ipinulupot naman ni Ingrid ang kanan niyang braso sa kaliwang braso ni Justin.
Walang forever! sigaw ng kaklase nilang si Maia. Natawa naman silang dalawa at sabay na sinabi ang salitang bitter, tapos tumawa ulit.
Wala talaga guys. Planadong-planado ang pagdakip nila sa atin dito. There's no way in and no way out. sabi ni Sunshine habang naka-kibit balikat.
Ano yun, helicopter naghatid sa atin dito? biro naman ni Samby. Hindi naman natawa si Sunshine sa narinig. Tinitigan niya na lang si Samby nang masama.
Sorna. matipid na sagot ni Samby habang naka-peace sign. Pero baka naman dun tayo idinaan nun sa may gitna ng subdivision. Yung lugar kung saan naglaro si Jhulye- hindi na natapos ang sinasabi ni Jobbert nang biglang nagsalita si Sunshine.
Imposible... Masyado namang obvious... Remember, matalino yung bruha- kontra ni Sushine na may malalim na iniisip. Natigil ang sinasabi niya nang marinig ang isang kaluskos mula sa likod ng isang puno.
A-ano yun? natatakot na tanong ni Ingrid.
Tara na. Bilisan niyo. sabi ni Jobbert pagkatapos ay naglakad na siya pabalik. Sinundan naman siya ng kanyang mga kaklase. Mabilis silang naglakad pabalik sa kani-kanilang bahay na hindi inaalam kung ano o sino ang lumikha ng kaluskos na iyon. Ang alam lang nila ay ligtas na sila. Sa ngayon...
Mga classmates! Thank you muna sa pagbabasa niyo sa story ko na to! Sorry rin kung may mga bad words ahh. Sorry din kase ang ikli ng bawat chapter, pero sana nasasayahan kayo! Votes and comments lang naman ang hinihingi kong kapalit! Hahaha!
![](https://img.wattpad.com/cover/41546093-288-k101242.jpg)
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...