#7 Poor Papa

4.8K 132 11
                                        

Hindi gaya nang mga napatay niya kanina...

Walang wire na nagkikislapan...

Walang mga durug-durog na salamin...

Kundi dugong matingkad ang pagkapula...

Sa sobrang takot ay hinubad niya ang maskara...

Di maipaliwanag ni Jhulyen ang kanyang nakita...

Ang tatay niyang nag-aagaw-buhay...

Putol ang dila nito kaya hindi nakapagsalita...

Napaupo siya sa sahig...

At sinabing...

Pa, di ko po sinasadya... Wala po akong alam na kayo po pala ang nasa loob ng costume na yan...

Iyak nang iyak si Jhulyen. Di siya makapaniwala sa ginawa niya sa sariling ama. Wala nang buhay ang tatay niya.

Palakpakan niyo naman ang ating kampeon na si Jhulyen! Ang galing mo naman! Ang lakas ng fighting spirits mo! Ikaw na talaga! Ikaw na! Pasok ka na sa Level 2! Hahaha! sabi ng babae sa speaker.

Buwiset ka! Magpakita ka! Lumabas ka diyan! Papatayin kita! Mapunta ka sana sa impyerno! pagkatapos ay binato niya ang lahat ng gamit na mahahawakan niya.

Nagkaroon naman ng panandaliang katahimikan ang lahat ng estudyante.

Di ba natin siya tutulungan? tanong ni Samby. Di naman siya sinagot ni Stephanie. Nakatingin lang siya sa malaking T.V.

Napakatalino niya... bulong ni Stephanie. Nakatitig pa rin sila sa T.V.

Tumayo si Jhulyen na may galit na mukha. Nakatingin ito sa camera. Dumeretso siya sa elevator. Galit na galit. Sinalubong siya ng mga kaklaseng nag-aalala. Niyakap siya nila Chris, Jobert at Trisha.

Magiging ok din ang lahat. Mapaparusahan rin ang babaeng yun. Maghihintay lang tayo ng tyempo. pagpapakalma ni Trisha.

Oo nga, tama si Trisha, mapaparusahan din yan. Huwag ka nang umiyak.. pahabol naman ni Jobbert.

Nagyakapan ang lahat ng estudyante. Kahit na ang magkakaaway ay nagyakap din. Bukod kay Ingrid at Kraven. Nagkatinginan lang sila at nag-iwasan. Nakabantay naman sa girlfriend niya si Justin. Kahit na sina Nikki at ang mga miyembro ng Pop Up ay nagyakapan.

Sorry guys ahh. sabi ni Nikki habang yumayakap sa mga miyembro ng Pop Up.

Tinitignan naman siya ng lahat. Agaw eksena... bulong ni Danica.

Pero tinuloy nila ang pagso-sorry sa isa't-isa. Naging masaya ang lahat.

Para ring nakalimutan ni Jhulyen ang lahat ng nangyari.

Naglakad silang lahat papunta sa gitna ng subdivision. Mayroong pader doon na nakalagay ang lahat ng letrato nila. May mga ekis na ang mukha ni Marissa at Fritz.

Bat-bat may ekis ang mukha nilang da-dalawa? tanong ni Jhulyen na nahikbi.

Patay na silang dalawa. Si Marissa, naglaro, nanalo, pero bago siya makaalis ay pumutok ang baril na nasa peep hole ng pintuan kaya tinamaan siya sa ulo. Si Fritz naman, natagpuan namin kahapon dun sa bahay na napili niyang tulugan. Takang-taka kami kahapon kase walang nangyaring laro, yun pala siya na yung target nung babaeng yun. Matalino siya. sagot naman sa kanya ni Stephanie.

Di na muli pang nagtanong si Jhulyen at nanahimik na lamang.

Nakaupo naman si Miley sa isang sulok na walang kasama. Sabi ko na nga ba eh. Mananalo si Jhulyen... bulong niya sa sarili na nasundan ng isang ngiti.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon