And dalawa pa nilang kaklase na sina Kaye at Gray. Matatandaan na dalawa sila sa walong estudyanteng nakatakas. At ngayon, nahuli na sila at kasama na nila ng iba pa nilang kaklase.
G-gray? pautal-utal na sabi ni Kraven. Nakatali ang mga kamay nilang dalawa sa likod. Tama rin ang hula ng mga estudyante na ang tanging daanan lamang ay ang elevator sa gitna ng subdivision.
Oh? Natulala kayo ngayon. Nung nakaraan lang, buwisit na buwisit kayo sa akin? Bakit di kayo ngayon makaimik? Sunshine? Ano? Magkaharap na tayo. Ano ba sasabihin mo? Na susuko ka na? Hahaha! At tsaka, I don't want to hurt you naman, I just wanted to kill you. Hahaha! tawa lang nang tawa ang babae. Hindi rin naman kase siya masasaktan ng mga estudyante. May dalawang lalaki sa likod niya na may dalang mga baril. Sila rin ang mga lalaking nasa video noong first day pa lang nila.
Sumabat naman si Shaymee nang makita niya na natameme lang si Sunshine.
Hoy! Bruha! Ang kapal din naman pala ng mukha mo? Tanga ka ba? Susugurin ka ni Sunshine na walang dalang armas tapos ikaw may dalawang bantay sa likod? Paalisin mo yang mga alalay mo at ako mismo ang makikipagpatayan sa'yo. nagulat ang lahat sa narinig. Ang dating di makabasag pinggan ay siya na ngayong tagabasag ng pinggan!
Na-challenge naman ang babae at napahalukipkip na lang at nag-isip. Tinaasan niya ng kilay si Shaymee at pagkatapos ay nagsalita.
Oh sige. Kapag sumuko ka, dala-dalawa ang papatayin ko this coming weekends. Pero kapag ikaw ang nanalo at ako ang sumuko, palalayain ko kayo at ibabalik sa dati niyong school.
Oh sige. Siguraduhin mo lang na wala kang nakatagong armas diyan sa katawan mo. sabi ni Shaymee.
Tinanggal naman ng babae ang iba't-ibang armas na nakatago sa damit niya. Pati ang sapatos na suot nito ay may pocket knife. Nang matapos ang babae ay itinaas niya ang dalawa niyang kamay.
Siguraduhin mo rin na hindi ka ba-back-up-an ng mga lalaking yan. pahabol pa ni Shaymee.
Oo na. Ang dami mo pang satsat! Let's get it on! sabi ng babae habang pinapatunog ang leeg niya sa pamamagitan ng pag-ikot nito.
Nagpatunog naman ng mga daliri si Shaymee at kinagat ang labi sa ibaba.
Ready, Set, Go! sigaw ng isang lalaki sa likod ng babae.
Kitang-kita naman ang kaba sa mukha ng mga estudyante. Bukod kay Sunshine at Nikki na tila nagkakasundo na.
Go Shaymee! Go Shaymee! cheer naman ni Nikki habang natalon.
Sige lang Shaymee! Pabagsakin mo yang ¶ut@n9-!n@n9 yan! sigaw naman ni Sunshine. Napatawa naman si Nikki sa pagkalutong ng mura ni Sunshine. Nagkatinginan sila at pagkatapos ay nag-apir.
Unang sumugod ang babae. Sinikmurahan niya si Shaymee. Makikita sa mga mata ni Shaymee ang sakit na naramdaman. Pero hindi ito pinansin ni Shaymee at siya naman ang sumugod.
Sinapak niya ito sa mukha at sa tiyan. Napayuko naman sa sakit ang babae at umubo-ubo. Pero bago pa man uli makasuntok si Shaymee ay tumayo ang babae at hinila ang buhok ni Shaymee.
Halos matanggal na ang anit ng buhok niya. Nasasaktan na siya pero hindi pa pala tapos ang babae. Habang hila-hila ang buhok ni Shaymee ay bigla nitong tinuhod ang mukha ng dalaga.
Tumagas ang matingkad na dugo sa ilong niya. Pagkatapos nito ay binitawan niya ang buhok nito. Tinignan naman siya nang masama ni Shaymee.
Pagkatapos ay tinulak ni Shaymee ang babae na agad naman nitong ikinatumba. Mabilis na kumilos si Shaymee at hinila ang buhok nito. Kinaladkad niya ito sa mabatong kalsada. Tumigil siya sa tapat ng batong nakausli at doon inuntog ang ulo ng babae ng apat na beses.
Hilong-hilo ang babae at tila hindi na makatayo. Sa bandang noo niya ay may natagas na ring dugo.
Nakatayo lang si Shaymee sa harap ng babae na nakaluhod na lamang. Hindi pa nakuntento ang dalaga at kinuha ang kaliwang braso ng babae. Walang-awa niyang inikot nang inikot ang braso nito. Nagsisisigaw naman ang babae sa sakit.
Nag-smirk si Shaymee at inikot muli ang braso nito. Tumunog nang malakas ang mga buto ng babae. Napapikit naman ang lahat sa mga kaklase niyang babae bukod kay Sunshine at Nikki na tuloy pa rin sa pagchi-cheer sa kaklase. Sumasapak-sapak pa sila sa hangin at nagtititili tuwing si Shaymee na ang gagalaw.
Ito naman kayang kanan... sabi ni Shaymee pagkatapos ay inangat ang kanang braso ng babae. Pero bago niya pa ito iikot ay sumigaw ang babae.
Huwaaaaaggggg! sigaw ng babae. Tiningnan naman siya ni Shaymee.
Baket? Susuko ka na ba? mayabang na sabi ni Shaymee. Hindi naman agad nakasagot ang babae na agad kinainis ni Shaymee.
¶ut¢|-|@ ka ayaw mo sumagot ahh. Hu- naputol ang sinasabi ni Shaymee nang nagsalitang muli ang babae.
O-oo! Suko na ako! sigaw ng babae. Napangiti naman agad si Shaymee. Sa sobrang buwisit niya dito ay dumahak muna siya pagkatapos ay dinuraan niya ang mukha ng babae. Tumalikod siya at dumeretso sa mga kaklase. Pero pagkatapos ng tatlong hakbang ay lumingon uli siya.
Sayang. May dala pa naman ako ditong kutsilyo, baka kase matalo ako. Pero hindi na pala kailangan! Hahaha! Pero kung tutuusin nga kulang pa yan eh! Pweehh! pagmamayabang ni Shaymee pagkatapos ay dumura ulit sa babae.
Nanatili namang nakaupo sa sahig ang babae. Baluktot na ang isang braso nito. Para bang na-komang na.
Binuhat naman si Shaymee ng mga kaklase niya at sinigaw nang paulit-ulit ang pangalan niya.
Shaymee! Shaymee! natapos ang pagsasaya nila nang biglang nagsalita si Kaye.
Baka naman gusto niyong tanggalin tong tali namen? sarcastic na sabi ni Kaye.
Nagtawanan naman sila at sama-samang tinanggal ang tali ni Kaye at Gray.
Anu pang tinat@n6@-t@n6@ niyo dyan?!? Buhatin niyo na ako! inis na sabi ng babae. Nagmamadali namang lumapit ang dalawang lalaki at binuhat ang babae na di pa rin makagalaw.
Hindi nila alintana ang init ng araw noong tanghaling iyon. Sabay-sabay namang sumakay ang mga estudyante sa malawak na elevator. Para kase itong kuwarto sa laki. At kahit na medyo siksikan na ay nagsisisigaw at nagpapalakpakan pa rin sila.
Ang sarap pala nang sariwang hangin no? sabi ni Stephanie kay Kaye.
Oo nga eh. masayang namang sagot ni Kaye.
Hindi pa pala tapos ang sakayan nila. Meron pa silang sinakyan na para ring elevator peto pahalang ang galaw. Mas malawak ito kaysa sa unang elevator na nasakyan nila.
Nagsalita naman ang isa sa mga lalaki. Suotin niyo to.
Pinamigay nila ang mga blindfold sa lahat ng estudyante.
Eh pano kung ayaw ko? pilosopong sabi ni Mourse.
Injection o blindfold? tanong ng isang lalaki habang nakapamewang.
Blindfold... Sabi ko nga eh. Hehehe pagbibirong sabi ni Mourse.
Pinasakay sila ng mga lalaki sa isang mahabang limousine kaya nagkasya silang lahat. Hindi pa rin nila tinatanggal ang blindfold nila at sumusunod na lamang dahil sa tuwa. Maya-maya ay tumigil na ang sasakyan.
Dito na tayo sa school niyo. deklara ng isang lalaki. Natahimik naman ang ilan sa kanila. May mga naiyak dahil sa tuwa.
Weeww! sigaw nina Rham.
Oh sige, tanggalin niyo na yung blindfold niyo. sabi ng isang lalaki.
Nag-uunahan naman ang mga estudyante sa pagtanggal ng kanilang blindfold.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mistério / SuspenseKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
