"A-anong ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ni Jhulyen.
"Isa kang mangmang, babae. Hindi mo ba ako naintindihan?" Tumawa muna ito bago magsalita sa hinarap muli si Casey.
"Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa. Anong between me and them?" Sabi ni Casey na nalilito na rin sa pinagsasasabi ng matanda.
"Pumili ka, Casey. Sinong mabubuhay? Ikaw o sila? Ang baril na iyan ay may isang bala lamang. Kung pinipili mong mabuhay ang sarili mo, just simply drop that gun back to that table next to you. At kung pinipili namang magsakripisyo para sa kanila, iputok mo lang 'yang baril sa ulo mo. Ano, gets niyo na?" Pabiro nitong sabi habang paikot-ikot sa apat na operating table.
"Pero..." Habol ni Casey.
"Wala nang pero pero! Meron lamang kayong 60 seconds para mamili! Kung wala kayong napili at naubos na ang oras, lahat kayo, mamamatay! Hahaha!" Sabi nito saka naglakad papalayo sa limang dalaga.
Sa isang sulok ng silid ay biglang nag-appear ang isang timer. Isang minuto lamang ang oras nito na bigla namang nag-start. Agad na nataranta ang mga babae at nag-diskusyon na kung sino ang mabubuhay.
"Iputok mo na, Casey. Apat kaming nandito at isa ka lang!" Makasariling wika ni Jhulyen.
"Don't! Let us die!" Wika naman ni Miley.
"Don't pressure her. Let her decide! We don't have our fate in our hands!" Awat ni Suzette.
"Yeah. I think she's right." Sabi naman ni Irish.
"Meron na lamang kayong forty seconds..." Nang-iinis pa si Aling Amanda habang itinuturo ang malaking timer na nasa pader.
"I c-can't..." Ginulo-gulo pa ni Casey ang kanyang buhok. Hindi niya alam ang magiging desisyon niya. Ayaw pa niyang mamatay ngunit ayaw niya ring mawala ang mga kaklase niya. Nag-isip siyang mabuti at hinayaan ang mga kaklaseng mag-away-away. Twenty seconds na lamang ang natitira ngunit nakatayo lamang siya habang nakayuko at nakatakip ang dalawang tainga.
"Stooop!" Ubod lakas na turan ng dalaga na buo na ang desisyon. Umiiyak at pawis na pawis.
"I choose..." Pabitin niyang sabi. Naghihintay ang lahat pati na rin ang tuwang-tuwa na si Aling Amanda.
Baaang! Baaang! Baaang! Baaang! Apat na sunud-sunod na putok ang umalingawngaw sa buong lugar.
Dumilat ang mga mata nilang nakapikit. Pagmulat nila'y tumambad sa kanila ang mga nakabulagtang bangkay ng mga tauhan ni Aling Amanda. Naiwan si Aling Amanda sa gitna ng mga bangkay at wala nang iba pang matakasan.
Nilingon nila ang pintuan ng operating room at doon nakita si Trayver na may hawak na baril. Gulat na gulat ito sa nagawa niya. Hindi niya aakalaing makakapatay siya.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Casey at mabilis na pinuntahan ang apat na kaklaseng hubo't-hubad at nakatali. Mabuti na lamang at hindi siya nahirapan sa pagtatanggal ng mga tali nito. Naiwan naman si Trayver sa pintuan na nakatalikod bilang respeto sa mga kaklaseng babae.
"L-ligtas na tayo... Tahan na." Naiiyak na sabi ni Casey kay Jhulyen na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Pagtapos tanggalin ni Casey ang mga tali sa kamay at paa ng mga kaklase ay hinanapan niya ito ng mga damit na maaari nilang suotin. Agad nilang kinuha ang mga jacket ng mga armadong lalaki. Sa gilid nila ay ang takot na takot na si Aling Amanda. Hindi ito makalaban dahil alam niyang talo siya rito.
"Hayop kaaa!" Sabi ni Irish habang pasugod kay Aling Amanda. Nang masunggaban niya ito ay walang tigil niya itong pinagpapalo at pinaghahampas. Sinabunutan niya rin ito at walang awang kinaladkad. Hindi ito lumalaban dahil takot na takot na rin ito.
"Ano?! Ha? Sana naman natauhan ka nang gag* ka! Titigil ka na ba sa kahibangan mo?" Sabi ni Irish habang inaangat ang ulo ng matanda mula sa sahig. Duguan na ang mukha nito dahil paulit-ulit niya itong inuntog sa lupa. Hindi naman ito sumugat dahil sa takot.
"Muntik mo na kaming mapatay! Letse ka!" Sabi rin ni Jhulyen habang pinagmamasdan si Irish na bugbugin ang babae.
"Buti na lang at dumating ka. Salamat." Bungad ni Casey kay Trayver. Dismayado ang mukha nito at parang may masamang nangyari.
"Mabuti na lang at dumating ako bago mahuli ang lahat." Malungkot na sabi ni Trayver.
"Buti na lang at tinulungan mo kami. But-" Hindi na natapos ni Casey ang sinasabi niya nang biglang magsalita si Trayver.
"S-sorry..." Nauutal na sabi nito.
"Bakit ka naman nagso-sorry?" Masayang sabi ni Casey. Nag-isip ito kung sasabihin ba niya ang totoo, ngunit napag-isip-isip niya na hindi pa ito ang tamang panahon para dito.
"Sorry... Kase... Kase ngayon lang ako dumating." Palusot pa niya.
"Wala 'yun. Ano ka ba? Basta ikaw, Fafa Trayver. Hmp." Sabi ni Casey sabay yakap sa dibdib ni Trayver. Napayakap na lang din ito dahil hindi niya alam ang dapat niyang maramdaman. Siguro nga ay kakanyahin niya na lamang ang sasabihin niya sana noong mga oras na iyon.
"Nahanap na namin ang mga damit namin. Nandun lang din sa may tokador. Aamin din pala 'tong matandang 'to." Proud na sabi ni Jhulyen. Suot-suot na nila ang mga damit nila noong nasa tambayan pa sila.
"Pede ka nang humarap." Sabi ni Irish. Agad din namang humarap ito at nakitang hawak-hawak nina Jhulyen at Miley si Aling Amanda. Nakapulupot ang kanilang mga braso sa mga braso nito upang hindi ito makawala.
"Tara na." Sabi pa ni Jhulyen. Sama-sama silang lumabas upang puntahan pa ang iba pa nilang mga kaklase. Paglabas ay nagulat sila nang malaman nilang nasa loob sila ng St. Rochinston. Nasa loob pala sila ng clinic ngunit inayos ito kaya't nagmukhang operating room.
"Teka. Nasa'n ba sila? Sila Mourse, Maia, yung iba? Si Chris?" Tanong ni Miley.
"G*ga! Umiiral na naman ang kalandian mo, Miley!" Sabi ni Casey sabay palo sa braso ni Miley. Tiningnan naman siya nito nang masama kaya lumipat siya ng puwesto. Pagkalabas na pagkalabas nila ay inisa-isa nila ang kuwarto ng school at doon hinanap ang mga kaklase pa nila.
Oh my glob. 1,000 words din ito at sakto rin. Di kasama 'tong author's note, ha. Sorry at ang panget talaga ng mga chapters ko. Gusto ko na lang talagang tapusin. Please hit vote and comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
