Makalipas ang tatlong linggo...
Kataka-takang wala na muling namatay sa kanilang section. Naging mailap sila sa mga ibang estudyante ng eskwelahan nila. Nakalimutan na nila ang mga nangyari sa nakaraan at sinubukan na rin nilang mamuhay muli. Ang nasa isip kase nila ay wala na ang killer. Sa kabilang banda, ilang araw na lang ang lilipas at camping na nila.
Toothbrush, check! Tuwalya, check! First aid kit, che- hindi natapos ang sinasabi ni Ingrid nang biglang pumasok si Kaye. Iba-iba na ang magkakasama sa mga dorm at pare-pareho na ng kasarian ang magkakasama sa isang dorm.
Oh, Ingrid, tapos ka na bang mag-impake para sa camping? nakangiting tanong ni Kaye habang buhat-buhat ang isang malaking knapsack.
Matatapos na sana, kung di ka lang sana dumating! Joke lang! sabi ni Ingrid habang naka-peace sign.
Eh ikaw? Na-ready mo na ba lahat? pahabol pa na tanong ng dalaga.
Hindi pa eh. Medyo nalilito pa ko kung ano yung mga dadalin ko eh. sagot ni Kaye sabay kibit-balikat.
Habang nag-uusap ay biglang pumasok ang isa pa nilang ka-dorm na si Kelly. Nakangiti ito at taas noong nagsalita.
Kelly: May good news ako sa inyo!
Kaye: (masayang tono) Ano?
Kelly: Tapos na akong mag-impake!
Ingrid: Akala ko naman kung ano! Pero teka, nasan na si Aisyah? Di tuloy kumpleto ang mga "taken"! Hahaha!
Aisyah: Oy, oy, ba't ko naririnig ang pangalan ko diyan?
Sabi ni Aisyah na kakapasok pa la.ang at may dalang isang supot.
Kelly: Okeyyy,kumpleto na ang "taken"! Woohoo!
Nagsisisigaw ang mga babae sa loob. Sinagot na rin kase ni Aisyah ang matagal nang nanliligaw sa kanya na si Patrick. Masaya sila ngayon at magwa-one month na sila.
Sa dorm naman ng mga iba pang babae...
Lorena: Guys! Luto na ang hapunan!
Jhulyen: Let's eat!
Shaymee: Hoy! Respeto naman! 6@6@ng 'to! Dasal naman muna pede?
Stephanie: Okay. Ako magli-lead ng prayer. Angel of God, my guardian dear-
Pakk!
Shaymee: Sira! Ayusin mo naman! Ano yan? Nathaniel lang ang peg?
Naging ibang babae si Shaymee. Hindi na siya katulad ng dati na puro lamang katahimikan ang maririnig. Naging masayahin siya at mas matatag. Kaya niya na ring protektahan ang kanyang sarili laban sa mga taong balak siyang saktan. Maganda na at naging mas matatag ang kanilang pagkakaibigan.
Marami nang nagbago...
Naging mabubuting tao ang mga dating masasama...
Puro na lamang kasiyahan ang kanilang nararanasan at wala nang bumabagabag sa kanila...
Ayun ang akala nila...
Hindi pa sila tapos...
Hindi sila titigil hanggang may nabubuhay pa sa kanila...
Yeah! Camping na rin sa wakas! Di na kase ako makapagpigil kaya minadali ko na lang! Enjoy! (Vote before you move to the next chapter!)
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
