#38 Death Agenda

1.4K 50 1
                                    

Isang nakapangingilabot na pagpatay ang naganap sa isang branch ng SM sa ****** ngayon lamang alas otso ng gabi. Ayon sa aming source, ikinulob muna ng killer ang buong cr hanggang sa masaktuhan niyang pumasok sa cr ang biktima at doon na niya ito pinatayan ng ilaw at sinimulang magpakawala ng isang klase ng usok na mayroong kakaibang epekto sa tao, kung saan uubusin daw nito ang natitirang oxygen sa paligid hanggang sa wala ka nang mahinga pa. Nakilala ang dalaga bilang si Dredda Sheikselle Mirrenda, isang high school student sa isang sikat na school rito sa Pilipinas. Napagdesisyunan ng mga kasama niya na huwag na lamang itong pagbigyan pansin at ipagsawalang-bahala lamang. Ano kaya ang misteryong bumabalot sa-


Iniisa-isa na nila talaga tayo. Nakabusangot ang mukha ni Arron. Sa tingin niya kase ay hindi niya nagagampanan ang kanyang napiling desisyon. Pero kung sakaling mapunta na sila sa puntong wala na silang matakbuhan, ay alam niya na kung sino ang kanyang tatawagan.


A-arron, hindi ko talaga sinasadya... Akala ko talaga, siya y-yung lumabas! Lumingon pa nga yung babae para malaman niya kung sumusunod ako sa kanya. Kita ang pagsisisi sa kanyang mga mata. Pati na rin ang konsensiya niya ay kinukulit na rin siya. Nasa salas sila kasama ang ilan pa nilang mga kaklase. Sa gitna ng diskusyon ay biglang nakisali sa usapan si Aira.


Alam ko'ng hindi ka nagsasabi ng totoo. Nakikita ko sa mata mo ang kasinungalingan. Mas makabubuti sa'yo kung sasabihin mo ang katotohanan! Ito ba ang gusto mo? Ang mamatay ang lahat ng kaklase mo nang wala kang ginagawa?! Isang magaling na detective si Aira. Alam niya kung paani niya papaaminin ang isang sinungaling. 


Sasabihin ko na ang totoo... Bulong ni Maia habang nakayuko.


Maia: Nung time na paalis pa lang tayo ng camp, kakalabas ko lang ng cr nang makasalubong ko si Hansel na puno ng dugo ang damit. Pawis na pawis siya at hinihingal. Doon ako nagsimulang maghinala. Sinabi ko sa kanya,"Ikaw ba ang killer?", pagkatapos hindi siya nakasagot. Hindi nga siya tumtingin sa mga mata ko. Aalis na ako no'n nang bigla siyang magsalita.


Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon