Hinde! Hindi ko sasabihin kung saan sila nagtago! Patayin mo na lang ako! Ubod-lakas na sigaw ni Merle. Susugurin niya sana si Hansel ngunit hinawakan siya ng mga tauhan nito.
Well, kung iyan ang gusto mo. Isang senyas ang ginawa ni Hansel sa kanyang mga tauhan, isa sa mga ito ang lumapit habang may hawak na syringe na may kulay puting likido sa loob.
A-anong gagawin niyo diyan?! Nagpupumiglas si Merle nang makita niyang papalapit ito sa kanya. Ngunit dahil malalakas ang mga ito ay agad siya nitong naturukan sa leeg at mabilis din siyang nawalan ng malay.
__________________________________
Merle... Merle... Merle... Rinig na rinig ni Merle ang papalakas nang papalakas na tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses. Isang boses na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan... Si Kelly! Si Kelly ang babaeng tumatawag sa kanya!
Kelly? Kelly, nasaan ka? Mangingiyak-ngiyak si Merle habang nagpapalinga-linga. Ngunit wala siyang makita kundi puti. Sinundan niya ang boses na iyon hanggang sa may makita siyang isang imahe ng babaeng nakatalikod na may mahabang buhok. Si Kelly ito! Hindi siya maaaring magkamali!
Nagmadali siyang puntahan ang kinaroroonan ni Kelly at nagulat siya nang humarap ito dahil naging nakakatakot ang hitsura nito. Matatalas ang mga pangil, nagdudugong mukha at walang itim sa mata.
Merle... Merle... Merle... Paulit-ulit na sabi nito sa kanya. Napapaatras na lamang siya sa tuwing aabante ito. Lalo pa siyang natakot nang maging kulay itim ang lahat ng kanyang nakikita.
Merle... Merle... Merle... Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakita niyang nakatali sina Arron, Steph at Ishi.
Merle, gumising ka! Binabangungot ka! Sigaw ni Arron. Nakatali pa rin ang tatlo at guwardiyado pa rin sila ng mga tauhan ni Hansel. Habang siya naman ay nasa gitna nilang tatlo habang nakahiga sa isang mahabang lamesa nang walang kahit na anong gapos.
Huwag ka namang ganyan, Merle. Gusto kong mamatay ka sa mga kamay at hindi dahil sa bangungot. Hahaha! Nasa likod pala niya ito at nanonood sa bawat galaw nila.
Here is my game for you, Merle. I'll give you the power to choose. Between life and death, between you and them and cha-cha-cha! Gets mo? Tanong ni Hansel. Hindi makapagsalita si Merle at nakatingin lamang ito kina Arron, Steph at Ishi.
Kung gusto mo sa 'a', makakalabas ka na at kahit kailan ay hindi na kita gagambalain pa, pero, mamamatay silang tatlo, kung gusto mo naman sa 'b', mamamatay ka at sila ang mabubuhay. At- Hindi na ito naituloy pa ni Hansel dahil agad na pumili si Merle.
'B', 'b' ang pipiliin ko! Nginitian siya ni Hansel saka nito inabot ang baril kay Merle. Dahan-dahan nitong inilagay ang dulo ng baril sa kanyang noo saka kinalabit ang trigger nito. Mabilis na bumagsak si Merle at nagsigawan sina Ishi at Steph. Bumagsak kase si Merle sa harap nilang dalawa habang dilat ang mga mata nito.
May lakad yata 'to si Merle eh. Di pa nga ako tapos eh. May letter 'c' pa kaya, which is pakakawalan ko ang lahat pero mamamatay siya, mas convenient kaya iyon. Hahaha! Tila nawawala sa katinuan si Hansel. Mahahalata mo sa kanya na gustung-gusto niyang tapusin ang mga kaklase niya.
Moving on, eighteen students left at kailangan, isa lang ang matira. At ako 'yon! Hahaha! Tuwang-tuwa siya sa mga sinasabi niya.
__________________________________
Guys! Wala na dun si Merle! Nahuli siya nina Hansel! Binalikan kase ni Patrick si Merle sa first floor upang saklolohan ito ngunit wala na ito doon.
Oh, $|-|!+... Bulong ni Chris na nakaupo sa sulok.
Kasalanan mo 'to, Patrick eh! Kung hindi ka sana nanguna kanina, eh di sana nandito pa si Merle! Bida-bida ka kase! Susugurin na sana nina Kraven at Patrick ang isa't-isa ngunit inawat sila nina Mourse at Aisyah.
Ano ba?! Nasa bingit na nga tayo ng kamatayan, nagawa niyo pang magpatayan? Tsaka magkakaibigan tayo, hindi ba? Natahimik silang dalawa sa sinabi ni Aisyah.
Alam niyo, mas mabuti pa kung mag-isip tayo ng plano para mailigtas natin sila dun sa taas! Suggest ni Irish sabay kuha sa ballpen at notebook na nasa isang mesa sa tabi niya.
Nagkumpul-kumpol sila sa sahig saka bumuo ng isang plano upang mailigtas sina Arron. Maraming naging opinyon at suggestions ang bawat isa kaya't nagkaroon sila ng tatlong plano...
__________________________________
In the count of three, one, two, three! Bulong ni Giselle, na ang ibig palang sabihin ay ang pagharap ni Patrick sa mga tauhan ni Hansel.
Hey! I'm here! Come and get me, |3!+(|-|€$! Lumabas si Patrick habang nagtatatalon, na pumukaw sa atensyon ng mga tauhan ni Hansel.
Habulin niyo, bilis! Nataranta ang lahat ng mga ito sa utos ni Hansel kaya't nag-unahan ito sa paghuli kaya Patrick.
Malapit na sila kay Patrick ngunit hindi nila napansin na marami palang mga holen sa sahig na ikinalat pala ni Mourse na nasa ilalim ng lamesa. Nadulas ang limang lalaki at sa sobrang sakit ng mga katawan nila ay hindi na nila pa nagawang gamitin ang kanilang mga baril.
It's our cue! Come on girls! Mabilis na sumulpot sina Aisyah, Irish, Maia, Casey at Giselle upang kunin ang mga armas ng mga ito.
Sugoooddd! Sigaw ni Kraven at nagtakbuhan ang mga lalaki papalapit sa mga natitira pang tauhan ni Hansel. May dala-dala silang mga mahahabang kahoy, bakal, payong at kutsilyo na mula sa secret room ng bahay. Mabuti na lamang at organisado ito kaya't marami silang gamit na napakinabangan roon.
Hindi na rin nakalaban pa ang apat na lalaki na nasa puder ni Hansel dahil sa bilis ng mga pangyayari. Pinagbubugbog nila ang mga ito hanggang sa mawalan ang mga ito ng malay. Tinanggal nila sa pagkakatali sina Arron, Ishi at Steph na tuwang-tuwang sa mga nangyari.
Hindi naman makagalaw si Hansel dahil nakapalibot sa kanya ang mga kababaihan na may hawak ng mga baril na nakatutok sa kanya.
Naging matagumpay ang kanilang plano at natalo pa nila ang mga tauhan ni Hansel na ngayon ay nakatali na ang mga kamay upang hindi na makatakas pa.
It looks like it's a game over for you, Hansel! Pang-aasar ni Kraven sabay hampas ng baseball bat sa ulo ni Hansel.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Misterio / SuspensoKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...