Sabay na nagising ang magkaibigang Mourse at Rham na pawang nasa isang malaking kuwarto na may salaming naghahati dito sa dalawa. Transparent ang salaming naghahati sa kuwarto ito kaya't nakikita nila ang isa't-isa. Sa sentro ng salamin ay may isang balancing scale na may tig-isang kamay para sa kanilang dalawa. May mga bubog, pako at thumbtacks ang bawat kamay nito at meron namang mga nakausling basag na mga salamin sa ilalim.
"Nasa'n tayo, dude?!" Nalilitong tanong ni Mourse habang nakahawak ang dalawang kamay sa salamin.
"Hindi ko alam, pero sa tingin ko, malapit na tayo sa kamatayan natin!" Sarkastikong sabi naman ni Rham.
Sinubukan nilang libutin ang silid ngunit wala sila mahanap na kahit anong exit. Sa itaas na sulok ng silid ay may apat na speaker na bigla na lamang tumunog.
"Isang masayang gabi sa inyong dalawa, Mourse at Rham! Narito kayo ngayon para sa isang dahilan... Ang mabuhay! Tama ang inyong narinig, ngunit may twist na nakahanda para sa inyong dalawa! Siguro naman ay napansin niyo ang balancing scale na nasa gitna ninyo, puno man 'yan ng mga patalim, hahawakan at hahawakan niyo pa rin 'yan, dahil sa isang dahilan! Isa lang ang maaaring mabuhay sa inyong dalawa. Ang kailangan niyo lang gawin ay ang mapindot ang button na nasa ilalim ng scale na iyan. Pero kailangan, gamit ang kamay ng scale at hindi ang mga kamay niyo. Ayoko nang madaya kaya't huwag niyong susubukan na pindutin iyan gamit ang inyong mga kamay o kahit na anong parte ng katawan niyo. Gamitin niyo ang kamay ng balancing scale at hindi ang kamay niyo. May mga camera na nagbabantay sa inyong dalawa at ayun lang! You have unlimited time to play this game, but remember, hangga't walang namamatay sa inyong dalawa ay lalong kakalat ang lason na nasa katawan niyong dalawa. Goodbye!" Nasa kakaibang boses ito na hindi pang-tao kaya naman masasabi mong edited ang boses nito upang hindi siya makilala.
Nagkatinginan silang dalawa nang biglang lumitaw ang tig-isang pintuan sa kuwarto nila. Pati na rin ang kapansin-pansing paglabas ng tig-isa ring susi sa sa pader na nakalagay sa likod ng transparent na salamin. Ang pinto ay pawang nakakandado kaya't wala silang choice kundi ang makipaglaro dito.
"What should we do?" Kalmadong tanong ni Rham. Si Mourse naman ay naglakad ng paikot-ikot na halatang hindi mo alam kung ano ang gagawin. Walang natanggap na sagot si Rham kundi ang paulit-ulit na bulong ni Mourse ng "I don't want to die." Pagdating kase sa mga ganitong sitwasyon ay takot na takot si Mourse dahil hindi siya sanay sa mga ganitong eksena. Puro lamang kase kasiyahan at tawanan ang nangyayari sa kanila sa bahay nila pati na rin sa classroom nila.
"Mourse, Mourse!" Biglang napatigil si Mourse nang biglang sumigaw si Rham.
"Makinig ka sa akin, kailangan may isang matira sa atin dito! At ikaw 'yun! Alam ng lahat na ikaw ang kailangan maligtas dito! Kaya halika rito... Itulak mo na pababa ang scale mo at umalis ka na rito!" Buo ang loob ni Rham na isakripisyo ang sarili para sa kaibigan. Napaisip nang saglit si Mourse saka sumagot.
"Hindi, Rham... Mas deserving kang mabuhay kaya ikaw na ang pumindot sa button. Wala naman akong naitulong sa klase natin simula't sapol." Depensa naman ni Mourse.
"Walang mangyayari sa atin kung magtuturuan tayo. Buhayin mo na ang sarili mo. Promise! Okay na ako dito, besides, gusto ko nang makapiling ang parents ko. Isa lang akong Pop Up na walang ibang ginawa kundi ang mambully! At isa pa wala na rin silang apat!" Sabi ni Chris habang nakaluhod.
"Parang gag* eh! Ikaw na nga lang! Sasapakin kita diyan eh. Mas matatag ka sa'kin kaya kung ako ang mabubuhay, I'm pretty sure na mamatay din ako kapag nagkaroon ng second game!" Biro ni Mourse.
"Sige, Mourse. Alam mo ba ang nangyayari sa mga patay? Ilalagay ang bangkay mo sa kabaong! Pagkatapos, ilalagay ka naman sa ilalim ng lupa! Sigurado ako, ma-o-OP ka 'dun! Sige ka, ang dami pa namang uod na nandun! Papasok 'yun sa katawan mo, sa mata mo, sa ilong mo, sa bibig mo! Hanggang sa mabulok ka!" Pananakot nito sa kaibigan. Natatawa-tawa pa si Rham habang may natulong luha sa kanyang mga mata. Pansin naman ang pandidiri sa mga mata ni Mourse. Dahan-dahan itong lumapit sa kamay na nasa harap niya at dahan-dahan ding itinaas ang kanang kamay niya.
"Go, Mourse!" Cheer pa ni Rham habang pinapanood si Mourse na itulak pababa ang kamay nito. Unti-unting nagdugo ang kamay ni Mourse. Napapakit na lamang siya sa tuwing may babaong matulis na bagay sa kanyang palad. Diniinan pa niya lalo dahil may kabigatan ang balancing scale. Mas lalong bumaon sa mga palad niya ang mga bubog at pako na nakabaon roon. Unti-unting tumulo ang masaganang dugo sa kanyang kamay kaya't napakagat siya sa kanyang labi. Nakangiti si Rham habang pinagmamasdan si Mourse, tanggap na niya ang kamatayan na naghihintay sa kanya ngayon. Alam niya na makakasama niya na ang mga magulang niya na sumakabilang-buhay na apat na taon na ang nakalilipas. Maya-maya pa'y tumunog ang button na nasa ilalim ng scale ni Mourse. Napagtagumpayan niyang mapindot ang button kaya naman umangat ang salamin na naghaharang sa susi ng pintuan. Hindi ito agad kinuha ni Mourse bagkus ay lumapit ito sa salamin sa gitna nila upang kausapin ang kaibigan.
"Rham, p-pero pa'no ka?" Nauutal at naluluhang tanong ni Mourse.
"Gag*. Kanina ka pa nakilos diyan tapos ngayon mo lang naisip 'yan? 'De joke lang. Bilisan mo na at 'pag ako nainis, mumultuhin pa kita!" Biro ni Rham.
Mabilis na isinuksok ni Mourse ang susi sa pintuan dahil sa takot. Agad na sumalubong sa kanya ang nakakasilaw na liwanag. Tinakpan niya ang kanyang dalawang mata nang bahagya saka naglakad nang dahan-dahan. Nangangapa. Hanggang sa makasalubong niya ang dalawang lalaking may takip ang mukha na nagtakip ng panyong may nakakahilong amoy na nagpatulog sa kanya. Binuhat siya ng mga ito at dibala sa isang hindi malamang lugar.
__________________________________
Nakaupo lamang si Rham at nakasandal sa pader ng kuwarto kanina niya pa kinalulugmukan. Naging madilim ang paligid para sa kanya nang makaalis na si Mourse. Nakatulala siya habang nakangiti. Tila isang baliw na bigla na lamang tumawa nang pagkalakas-lakas. Maya-maya pa'y tumayo ito at lumapit sa balancing scale na naging dahilan para maiwan siya sa silid na iyon. Tinitigan niya lamang ang mga nagkikintaban na mga thumbtacks, pako at bubog na naroon. Ilang saglit pa'y...
"Urrggghhh. Urrggghhh!" Dinakot ni Rham ang mga nasa ibabaw ng balancing scale. Wala siyang pakialam kung masugatan man ang kamay niya. Ang mahalaga lamtang sa kanya ngayon ay ang mapatay niya ang sarili niya sa paraang alam niya... At iyon ay ang kainin ang mga ito! Naging marahas siya sa pagkagat sa mga ito, dakot kung dakot. Subo lang siya nang subo saka lulunukin ang kung anong naisubo niya. Halos tumulo na ang dugo sa kanyang bunganga at nagsimula na ring magdugo ang lalamunan niya. Sugat-sugat na ang mga parteng nadaan ng mga bubog, pako at thumbtacks na nakain niya. Sumunod naman niyang kinuha ang pinakamalaking bubog na naroon. Tinignan pa niya abng nagdurugo niyang mukha sa salamin na iyon at saka pinadaan sa kanyang lalamunan ang dulo ng bubog. Agad niya iyong nabitawan at kasabayan nito ang kanyang pagbagsak sa kanyang kinatatayuan.
Sorry sa hindi kagandahang update, wala ako sa mood ngayon eh. Ano'ng masasabi niyo sa update na 'to? At sino yung mga characters na ayaw niyong mamatay? Please, I need your suggestions!
![](https://img.wattpad.com/cover/41546093-288-k101242.jpg)
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...