#33 His Danger Zone

1.7K 47 2
                                        

Hi guys! Sorry talaga kung ngayon na lang ako ulit nag-update! Tapos na kase ang lahat, as in lahat. Camping na, yiee! Sana trip niyo 'tong update na 'to.

Makapal na usok ang bumalot sa buong paligid kaya't halos hindi magkakitaan ang mga magkakaklase. Hindi pa rin nila tiyak kung nakalabas nga nang buhay sina Kraven at Gray. Nang mawala ang kaunti sa maitim na usok ay agad nilang nilapitan ang wasak na van.

Hindi ko sila makita, wala silang dalawa dito. Sabi ni Patrick na umubo-ubo pa nang makaalis sa kinatatayuan niya.

So, nasan nga sila? Maarteng ngunit nag-aalalang tanong ni Irish. Masyado na kase silang napalapit sa isa't-isa matapos ang lahat ng insidenteng nangyari. Kahit pa sabihin na marami nang nagbubuwis ng buhay ay mas pipiliin pa rin ng lahat na makasama ang isa't-isa kaysa sa maging isang killer.

Hala kang bata ka... Ani Trayver na nakatulala sa kawalan. Napatingin tuloy ang lahat sa direksyon ni Trayver at laking gulat nila nang makita ika-ikang naglalakad si Gray papalapit sa kanila.

Hindi pa man ito nakakalapit nang gaano sa kanila ay itinanong na nila rito ang pinakaimportanteng tanong.

Nasa'n si Kraven? Hindi ito agad nakasagot bagkus ay umupo ito sa lupa, pumikit-pikit tsaka tumulo ang mga luha. Alam man nila ang ibig sabihin ng pagluha niyang ito ay tinanong pa rin nila ito sa ikalawang beses.

Nasa'n si Kraven?! Tanong nilang lahat na may halong sigaw. Lahat sila ay nakabilog kay Gray at naghihintay ng sagot. Pero bigo sila na pagsalitain ito.

Nasa'n nga si Kraven?! ¶vt@n6!n@ naman! Galit na galit na si Rham dahil dito. Nabigla tuloy si Gray at tumingin sa mga mata ni Rham.

T@n6!n@ naman! Nandun sa likod ng puno at nakasandal! Nahihilo pa raw siya! Di ba pedeng magpahinga muna ako?! Putek kayo! Nagtawanan ang lahat at nagtakbuhan papunta sa likodng puno at iniwanang mag-isa si Gray na hilong-hilo pa dahil sa impact ng pagsabog. Nagsaya silang lahat at nagtawanan.

______________________________________

Ishi: Nasan na ba yung mga 'yon? Natawagan mo na ba si Aira?

Arron: Oo, kanina ko pa nga silang dalawa ni Giselle kino-contact pero walang kahit na anong sagot.

Ishi: Ano na kayang nangyare dun?

Arron: There's only one way to find out.

Lumabas ng magarang mansiyonsi Arron at sumakay sa van na nagmamadali. Sinundan naman siya ni Ishi sumakay na rin sa tabi ni Arron upang balikan ang kalsadang kanilang tinahak.

What if hindi natin sila makita? Hindi sumagot si Arron at nag-focus lamang sa pagda-drive. Seryoso ang mukha nito at mukhang galit na galit.

Arron: Hindi pwedeng mangyari 'to! Dapat maligtas ko sila bago pa mahuli ang lahat!

______________________________________

Sa'n pumunta sina Arron? Tanong ni Christofer pagkatapos ay humigop sa mainit na tsokolate na hawak niya. Kasama niya sa kusina sina Maia at Casey. Kumakain ng cake sina Maia at Casey samantalang siya naman ay nakasandal lamang malapit sa lababo.

Maia: Ambot. Babalikan yata nila yung nahuling van. Sana nga walang nangyaring masama sa kanila.

Casey: Sana nga. Nandun pa naman si Mourse.

Maia: Grabe ka 'no. Si Mourse na lang talaga 'no? Di talaga kasama yung iba pa?

Casey: Siyempre kasama pa rin. Joke lang yun 6@6@!

Christofer: Pero girls, bakit di na lang tayo tumulong?

Casey: Masyadong mapanganib. Mas makakatulong tayo kung mananatili tayo dito at magsasama-sama.

Maia: Check na check ka diyan ate!

Aisyah: Oo! 'Yan yung sinasabi nila sa mga horror movies na, Split up and die! Yung sa wrong Turn 5!

Nakisabat na lamang siya kahit na kukuha lamang siya ng maiinom sa refrigerator.

Maia: Nasa'n na yung iba nating classmate?

Aisyah: Nandun sa salas. Nanonood kami ng Death Bell! Maganda promise! Tara nood din kayo!

All: Tara, habang naghihintay tayo sa kanila.

______________________________________

Sa'n na tayo pupunta ngayon? Nagugutom na ko! Pagod na rin ako at ang sakit-sakit na ng mga binti ko! Reklamo ni Dredda. Halos magdadalawang oras na rin kase silang naglalakad sa gubat dahil imposible naman kase na maakyat nila ang matarik na banging iyon.

Siguro magpahinga na lang muna tayo para hindi natin ma-conserve nang masyado ang natitira pa natin lakas. Magtabi-tabi na lang tayo para sa kaligtasan ng lahat. Sabi ni Patrick. Siya na kase ang nanguna sa paglalakad at siya na rin ang tumayong leader nila ngayon.

Ganoon nga ang ginawa nila. Wala silang kaarte-arteng humiga sa lupa na puno ng mga tuyong dahon. Maaliwalas naman kase ang paligid at hindi gaanong madilim dahil sa natatapatan sila ng sinag ng bilog na buwan.

Kraves, Kraves! Samahan mo ko! Naje-jebs na talaga ko, ang sakit na ng tiyan ko. Pagmamakaawa ni Gray kay Kraven. Niyuyugyog niya ang katawan nito para ito magising.

Ipagpabukas mo na iyan. Inaantok na ko. Sagot ni Kraven pagkatapos ay humikab pa.

Gray: Hindi na kaya ng tiyan ko eh. Lalabas na talaga 'tong bomba ko.

Kraven: Ano ba naman 'to! Kahit na naiinis ay tumayo pa rin si Kraven upang tulungan ang kaibigan. Naglakad sila nang kaunti at pumunta si Gray sa likod ng isang puno upang ilabas na ang kanyang "bomba". Tumingin-tingin pa siya sa paligid upang malaman kung may tao ba dito.

Madilim at puro tunog lamang ng mga kuliglig ang maririnig dito, walang dapat ipangamba si Gray. Maya-maya pa'y natapos na siya at nagpunas na ng tissue paper dahil wala silang dalang toilet paper. Pero bago pa niya marating ang puwesto ni Kraven ay may biglang nagtakip sa kanyang bunganga ng isang panyo na may kakaibang amoy na naging dahilan ng kanyang pagkahilo. Hindi rin nagtagal ay nakatulog siya.

Bwahaha! Ang sarap talaga kapag nakikita mong magpa-publish ka na naman ng isa pang chapter! Hello sa inyo! Sana matapos na po ito kase iyon lang naman ang goal ko eh, ang makatapos ng isang story.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon