#43 Starting Over Again

1.4K 29 1
                                    

Aisyah's POV

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang matapos ang isyu tungkol sa klase namin, pero hindi pa rin natatahimik ang mga mahal sa buhay ng mga namatay naming kaklase.

Sina Ate Ishi, Ate Giselle, Ate Aira at Ate Steph ay nagsibalik na sa mga dati nilang buhay. Pero hindi nawala ang communication namin sa isa't-isa. Malaki ang utang na loob namin sa kanila lalo na kay Arron. Siya ang nagsilbing guardian namin nung nasa mansyon pa kami kaya naman malaki ang pasasalamat namin sa kanya. Lalung-lalo na ang mga magulang ko.

Ang dami ring lamay ang pinuntahan naming magkakaklase nitong mga nakaraang araw dahil sa sunud-sunod na pagpapalibing sa mga kaklase naming namatay at sa mga mahal namin na pinatay rin nina Hansel. Mabuti na lamang at death threats lamang ang natanggap ng pamilya ko at walang kinuha sa kanila.

Ngayon ay nandito kami sa bahay nina Merle, kakatapos lang kase ng libing niya kanina. Lahat ng naka-survive sa'men, nakipaglibing.

"Tara na, Aisyah. Uuwi na tayo." Napalingon ako kay Patrick. Nasa pintuan na sila ng bahay at hinihintay na lang pala ako.

"Nakatingin ka na naman sa kawalan!" Bumungad sa pintuan si Mourse.

"A-ahh, oo." Tumayo ako saka nagpaalam sa nanay ni Merle.

"Bukas nga pala, may party dun sa bahay nina Tamashi. Dapat sumama ka, ha. Dun daw tayo mag-me-media noche." Kasunod nito ang pag-akbay niya sa akin.

"Pupunta naman talaga ako, adik!" Sigaw ko sabay palo sa balikat niya. Nakakaasar kase. Para akong bine-baby.

"Achuchu. Tama na ang landian, Romeo and Juliet, aalis na po yung sasakyan namin, gusto niyo mag-commute?" Inip na inip na sina Miley sa loob ng van na pagmamay-ari din nila. Dalawang van, actually. Kase hindi kami kasya sa isa.

"He, leche!" Sigaw ko pero lumakad din kami pasakay sa van. Magkakatabi kami nina Miley at Patrick. Nasa gitna kase nila ako.

Tahimik lang kami sa loob, lahat siguro ay pagod na pagod na sa kakabiyahe namin pero that's the least we can do for them. Ang makipaglamay at makipaglibing.

__________________________________

December 31, 20**
8:57 pm
Yanagawa's Residence

Maia's POV

Kararating pa lang namin dito. Medyo marami na rin, pero sure ako na may kulang pa sa amin.

Mukhang napakagarbo ng handaan dahil may mga waiter pa na nagse-serve at siguro ay nagpa-cater pa ang mga magulang ni Tamashi dahil maraming dekorasyon at mga lamesa at upuan ang nakaayos sa malaking espasyo sa harap ng bahay nina Tamashi. Bukod dito ay meron din music na ewan kung pang-new year ba talaga o pang-night club.

Nakatira sila sa isang napaka-exclusive na village at talagang malalaki ang mga bahay dito. Meron din mga kapamilya dito si Tamashi at mukhang dito rin sila magme-media noche. Mga singkit din sila.

Medyo nahiya pa nga ako kase napakadisente ng mhga suot akala mo pupunta sa grand ball. Kasabay kong pumunta dito sina Trayver at Miley kase nagpasundo pa kami sa kanya para sosyal. Hehehe.

Nung makita namin ang grupo nina Patrick ay agad kaming lumapit sa napakahabang mesa na kapansin-pansin naman na naiiba sa lahat ng mga lamesang naroon. Pinakaespesyal yata yung amin eh. May mga bulaklak pa sa gitna.

"Mga leshe kayo. Sabi niyo 8:30 kayo darating!" Bungad samin ni Mourse kahit hindi pa kami nakakaupo.

"Leshe? Leshe talaga? O pabebe ka na rin? Animal ka! Akala mo madaling magsundo ng dalawang babae? Gusto mo bang paghalikin ko kayo ng p*wet ko?" Biro ni Trayver na beast mode na beast mode. Totoo naman na napakatagal naming dalawa eh. Buti nga minadali kami ni Trayver eh.

"Hay, nako. Kanina pa nagsimula yung party. Late na nga kami, kung tutuusin eh. Na-badtrip tuloy samin 'tong si Tams." Paliwanag pa ni Kraven.

Umupo na kaming tatlo at dun ko napansin na may lima pa sa amin na nawawala dahil limang upuan ang blangko. Pagkatapos ay isa-isa ko silang tiningnan para malaman ko kung sino pa ang mga late na gaya namin. At dun ko napansin na wala pa sina Arron, Irish, Rham, Alfi at Chris.

"Ba't wala pa sina Arron? Natawagan niyo na ba?" Nag-aalala kong bulong kay Patrick kaya't inilapit niya ang ulo niya sa akin upang mas marinig niya ko.

"Di ko nga ma-contact eh. Bina-black mail na naman yata tayo nun eh. Di ba ayaw niya nga sa mga ganito-ganito?" Sagot niya.

"Eh, pano naman yung iba? Sina Irish, Rham, Alfi tsaka si Chris, nasaan na raw ba sila?"

Imbes na sumagot ay kinibit-balikatan niya lamang ako, simbolo na hindi niya rin alam. Dito na ako nagsimulang mangamba, dahil nga hindi pa rin nadadakip ang iba pang mga kasabwat ni Hansel at Jobbert.

__________________________________

9:27 pm.

Maia's POV

Nasa gitna kami ng tawanan nang mapansin namin nasa tabi na namin sina Arron. Magkakasabay silang nakarating ngunit may mga kakaiba sa mga hitsura nila. Lahat sila ay may halu-halong lungkot, takot at galit sa mukha. Puno rin ng mga mantsa ang mga kasuotan nila.

Nagkatinginan kaming lahat na mga nakaupo. Pagkatapos ay nagtanong na lamang ako.

"A-ano bang nangyari sa inyo?" Nauutal kong tanong.

Walang sumagot sa kanilang apat at bigla na lamang umiyak si Irish sa balikat ni Arron. Kinomfort naman siya nito at sinubukang patahanin.




Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon