This chapter is dedicated to my cover maker slash ka-leo slash bespren na si @iyuzukii! Thanks sa mga cover!
Mula sa isang mahimbing na pagkakatulog ay nagising na lamang si Aisyah na nakahiga sa isang napakalaking aquarium. Napuno ng kaba at pagpapanik ang dalaga nang maimulat niya ang kanyang dalawang mata. Alisto siyang tumayo upang subukang basagin ang salaming humaharang sa kanyang kalayaan. Pinukpok niya ito nang pinukpok pero hindi ito nababasak. Tumingala siya para makita kung bukas ang itaas na bahagi nito at hindi siya nagkamali, ang problema nga lang ay higit na mataas ito kaysa sa kanya kaya naman imposibleng maakyat niya ito.
"N-nasa'n tayo?" Nauutal na tanong ni Mirriam. Ngayon na lamang napansin ni Aisyah na may kasama pala siya sa loob ng malaking aquarium na iyon.
"Nasa laro tayo... Tayo na ang susunod. Pero bakit magkakasama tayo dito?" Nakisabat na rin si Lorena sa usapan ng mga kasama.
"I'm not yet ready to die! Kailangan ko pang mag-graduate! Kailangan ako nina mama't papa!" Naluluhang sabi ni Stephanie pero pinatahan din ito ni Lorena.
Apat silang nasa loob ng aquarium na iyon. Maihahalintulad ang lawak nito sa kalahati ng isang volleyball court. May taas itong twelve feet kaya naman imposible para sa kanila ang makatakas. Hindi rin nila matukoy kung nasa anong lugar sila dahil sa hindi transparent ang salamin nito 'di gaya ng mga tipikal na aquarium na nilalagyan ng mga alagang isda.
"Sa tingin ko, nasa isang open na area tayo. Tingnan niyo ang kalangitan, tapos yung mga nakapaligid sa atin, kahit puno, wala." Wika ni Aisyah.
"Oo, obvious nga eh." Pamimilosopong bulong ni Lorena.
"Huwag tayong maghihiwalay, guys. Alam ko 'tong mga ganitong scene sa mga horror movies!" Suwestiyon ni Aisyah.
Sigurado sila na tanghali pa lamang sa oras na iyon. Nasa tuktok nila ang araw at dama nila ang init na dulot nito. Lahat sila ay pawis na pawis na ngunit wala silang magawa dahil sa sitwasyon nila ngayon.
"Guys, nahihilo na 'ko. 'Di ko na kaya. Ang init!" Napaupo na lang si Stephanie dahil sa pagod. Lahat sila ay naghihintay lamang sa loob ng aquarium. Ilang minuto na rin silang naghihintay para sa kung anong pagpapahiram ang kanilang mararanasan.
"Tulong! Tulong!" Paulit-ulit sa pagsigaw ni Mirriam ngunit wala pa ring dumarating na tulong. Lahat sila'y nakaupo na lamang bukod kay Mirriam.
"What do you expect? May darating na mga tao para iligtas tayo dito sa impyernong 'to?" Mataray na sabi ni Stephanie.
"Mamamatay yata ako dito sa inip eh, hindi sa dahil sa torture." Biro ni Aisyah pero walang pumansin sa kanya. Dahil sa pagod ay hindi na nila napansin ang paglabas ng isang speaker na mula sa labas ng aquarium. Maya-maya pa'y may nagsalita mula sa speaker.
"Magandang tanghali sa inyo apat! Siguro naman ay alam niyo na kung anong magaganap ngayon, pero ano nga ba ang mechanics ng larong ito? Sa larong 'to, wala akong pake kung may mabubuhay bang isa, dalawa, tatlo o apat, ang importante, maghihirap kayo ngayon sa impyernong 'to. Ang aquarium na kinalalagyan niyo ngayon ay mapupuno ng isang katerbang buhangin! Hindi lang ito simpleng buhangin, siyempre may suspense pa rin! Magpapakawala ako ng mga iba't-ibang "pets" na sasabay sa buhangin. Hulaan niyo na lang kung ano. Hahaha! Do your best to survive! 'Yun lang!" Sabi ng kakaibang boses sa speaker na halatang edited din gaya ng kumausap kina Mourse at Rham.
"Sh*t!" Sabay-sabay silang napasigaw nang biglang bumuhos ang masaganang buhangin mula sa malaking hose na mula sa itaas ng aquarium. Lahat sila ay napuwing dahil sa alikabok at buhangin na pumasok sa kanilang mga mata. Hindi na nila namalayan na umabot na pala ang buhangin sa kanilang tuhod.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...