After two and a half hours...
Ms. Lara: We've reached our destination! Pede niyo nang dalhin ang lahat ng gamit niyo sa labas at mamaya kaunti ay magaganap na ang inyong orientation.
Parang mga bata ang lahat at nag-unahan pa sa pagbaba ng bus. Pagbaba ng bus ay nakapilang naglakad ang mga estudyante. Mga responsable sila at bukod tangi na may pantay na linya. Dahil din don ay tiningala sila ng iba pang mga section sa school nila.
Ms. Marabas: Behave lang ah. Grosche, ikaw ang mag-distribute nitong mga papel na 'to sa kanila. Siguraduhin mong lahat kayo ay may tig-iisa. Dun muna ako sa kumpol ng mga estudyante. Parang nagkakagulo na naman ata eh.
Pagkatapos ay inabot na niya kay Jobbert ang isang kumpol na mga papel at pumunta na sa nagdudumugang mga estudyante. Unang nilapitan si Ms. Marabas ng isang teenager na lalaki.
Student 1: Ma'am. May natagpuan pong sunog na katawan ng tao dun sa malapit sa may bangin. Di pa po ma-identify ang identity kase po sobrang sunog yung katawan.
Natakot si Ms. Marabas na baka maulit na naman ang mga nangyari. Kaya sinulyapan niya na lamang ang katawan ng nasunog. Sa una niyang tingin ay di niya mamukhaan kung kanino ang bangkay. Kaya nilapitan niya ito at nagimbal siya sa kanyang nakita. Ang kuwintas na may nakasulat na "Samby". Ito ang kuwintas na palaging suot ni Samby tuwing papasok siya na bigay sa kanya ng kanyang ina.
Napaatras na lamang si Ms. Lara at napatakip ng bibig saka umiyak. Pero panandalian lamang iyon kaya pinunasan niya ito at pumunta sa puwestong kinalalagyan ng kanyang mga estudyante. Inisa-isa niya ang mga mukha nila. Rham, Lorena, Maia, Kelly, Patrick, pero wala siyang nakitang Samby. Pero hindi siya pinanghinaan ng loob.
Ms. Lara: Where's Deborra? Samby Deborra! Sa-
Patrick: Ma'am hindi rin po namin siya makita eh. Nagbibilang nga kami kanina kung sino yung kulang, but unfortunately, siya lang talaga wala eh. Ma'am baka naggala lang po.
Ms. Lara: Hinde. Hinde!
Patrick: Ma'm bakit po ba?
Walang naisagot si Ms. Lara at dahan dahang tumulo ang kanyang mga luha pero nagawa niya pa ring ituro kay Patrick ang mga kumpol ng mga estudyante na malapit sa bangin. Nanginginig ang kanyang kamay habang itinataas niya ito.
Napakunot noo naman si Patrick sa sinabi ng guro kaya nagpasama na lamang siya sa ibang mga kaklase. Marami silang lumapit doon upang malaman kung bakit umiiyak ang guro.
Shocks! Let's tell the others! mahinang sabi ni Aisyah habang tinatakpan ang kanyang ilong dahil sa sangsang na dinudulot ng sunog na bangkay.
I thought tapos na ang lahat? B-bakit may namatay na naman? naiiyak na sabi ni Lorena.
Hindi talaga sila titigil hanggang hindi niya tayo nauubos. Nagpapahinga lang pala, hinintay lang nila na dumating ang camping para maisa-isa nila tayo. misteryosong sabi ni Miley na kararating pa lamang.
Tama na. Let's just pray for her soul. We need to move on. Huwag kayong magpapatalo sa takot. Kaya nila tayo naiisa-isa dahil sa alam nila na natatakot tayo. Be strong and God will help us. seryosong sabi naman ni Kelly.
Maya-maya pa ay may dumating nang sasakyan na kumuha sa katawan ng kanilang kaklase. Bumalik na sina Patrick sa mga kaklase at ikinuwento na ang masamang balita.
What?!? Hindi pa tapos?!? I'm outta here! maarteng sabi ni Stephanie pagkatapos ay nag-walk out. Hindi naman makapaniwala ang ibang estudyante at ang iba naman ay nagsimula na naman kabahan.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...