#58 Maze, Amazed and Amanda

1.4K 37 0
                                        

     Nilibot nila ang buong school upang hanapin pa ang iba pa nilang kaklase. Mabuti na lamang at hindi naka-lock ang mga pintuan sa buong school.

     "We've been looking for them for so long. But there's no sign of them here. Maybe we should go out and get help so that this demon here reaches her destination." Hingal na sabi ni Jhulyen habang nakatitig sa matanda. Tiningnan lamang siya nito saka tinawanan nang mahina. May mga sugat na ito sa mukha at putok na rin ang labi nito dahil sa bugbog na inabot.

     "May alam akong ako lang at ang isa sa inyo ang nakakaalam. Pero hindi muna ako magsasalita, ayoko pa munang pasabugin ang mga sikreto niya. Traydor ka, pero pagbibigyan kita." Misteryosong sabi ng matanda ngunit nakatingin lamang sa kawalan. Hindi tuloy nila malaman kung kanino nito pinaparating ang kanyang sinasabi. Nagkatinginan lamang silang anim. Nawala na nga yata sa katinuan ang matanda dahil nagsasalita na ito nang mag-isa at paminsan-minsa'y tatawa.

     "Pagod na 'ko." Wika ni Suzette.

     "Wait, guys. I had this feeling that we might find something in our classroom." Wika naman ni Miley na sinang-ayunan ng lahat. Marahil ay may punto ito, sa classroom nila nagsimula ang lahat kaya't siguro'y sa classroom rin nila magtatapos ang lahat.

      "Oh, yeah. The room number 666." Sambit pa ni Irish.

     Mabilis nilang inakyat ang Building 6 at dumeretso sa sixth floor kung saan makikita nila ang kanilang classroom. Ganoon pa rin ito, gaya ng dati. Naroon pa rin ang nakakatakot nitong aura at ang makaluma nitong pintura. Maalikabok na ang pintuan nito gaya ng mga bintana, kaya hindi nila masilip ang kung anong meron sa loob nito.

     Dahan-dahan ipinihit ni Trayver ang pintuan nito. Mabuti na lamang at hindi ito naka-lock.

     "Oh... My... God..." Gulat na gulat na wika ni Jhulyen pagpasok niya sa loob ng classroom nila.

     Punung-puno ng mga litrato. Litrato ng mga kaklase nilang sumakabilang-buhay na. Ang ibang nakadikit sa pader, meron ding nasa kisame at ang iba nama'y nakakalat sa sahig. Lahat ng mga ito ay karumal-dumal tingnan. Naroon din ang mga larawan nina Maia, meron itong natuyong gluestick sa kanyang dalawang mata, si Rham na may laslas sa leeg at duguan ang bibig, si Lorena naman at Stephanie ay namumutla at dilat na namatay. Maraming mga larawan ang muling nagbalik sa kanila sa nakaraan. Ang mga pagpapahirap na naranasan ng mga ito at ang mga sakripisyong ginawa nila para lang mabuhay. Ngunit lahat sila ay nabigo.

     "Guys! You have to see these!" Pasigaw na sabi ni Suzette na nasa labas ng classroom at nakatingin sa terrace. Agad silang naglabasan upang makita ang tinutukoy nito. Ganoon na lamang ang gulat ng mga ito nang makarating sa terrace.

     Kitang-kita nila ang kaklase nilang sina Tamashi, Patrick, Arron at Chris na nasa loob ng classroom sa fifth floor. Wala itong bubong 'di gaya ng karamihan ng mga classroom dito kaya nakita kaagad ito ni Suzette. Nakapabilog ang lima at parehong mga walang malay. Nakatali pa ang mga katawan nito sa armchair kaya't malabong makaalis ang mga ito kung saka-sakali.

     "Tara! Tulungan na natin!" Wika ni Jhulyen. Sama-samang nagtakbuhan paibaba ang mga magkakaklase habang hawak-hawak pa rin si Aling Amanda.

     Pagkababa nila ay agad nilang pinasok ang abandonadong classroom. Mabuti na lamang at hindi ito naka-lock. Tinanggal nila ang mga tali nito saka ginising isa-isa tsaka umalis doon. Mabuti na lamang at walang pumigil sa kanila.

     "Once na makumpleto tayo, aalis at aalis agad tayo dito sa impyernong lugar na 'to!" Natatarantang wika ni Irish.

     "Teka. Sino na lang ba ang nawawala sa'ten?" Napatigil tuloy sila sa paglalakad dahil sa tanong na ito ni Suzette.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon