"Excited na ba kayong lahat?" Isang nakapanlolokong tanong ang lumabas sa bibig ni Gretel na kumuha sa atensyon ng karamihan sa kanila.
Hindi naman siya pinansin ng mga ito at binigyan lamang siya ng isang nakasimangot na mukha.
Pasakay na ang lahat ng mga estudyante ng biglang isang putok ng baril ang narinig sa paligid. Tinamaan na pala sa noo ang isa sa mga tauhan ni Gretel na agad rin namang bumagsak.
"Oo, sobrang excited." Sagot ni Alfi sabay kuha ng isang bagay sa kanyang maikling medyas. Isa pala itong syringe. Mabilis niya itong itinarak sa leeg ng lalaking katabi niya sa loob ng van. Ilang saglit pa'y nawalan na ito ng malay.
Sinenyasan niya sina Irish, Arron at Tamashi na lumabas tutal wala na namang bantay sa loob ng van.
"Ano pang hinihintay niyo?! Hanapin niyo kung saan 'yun nanggaling!" Halos mag-histerikal na si Gretel sa sobrang galit. Isang perpektong plano ang mawawala na parang isang bula kung sakaling mayroong may balak na sumira sa kanyang plano.
Nagmadali ang lima pa niyang tauhan at sinundan ang mga estudyanteng nagtakbuhan papasok ng St. Rochinston.
__________________________________
"Maghiwa-hiwalay tayo!" Mahinang bulong ni Arron saka tumakbo habang nakayuko. Nasa loob sila ngayon ng school at magkakasama.
"Tara na!" Sigaw ni Patrick kay Aisyah.
"Sa'n tayo magtatago?" Tanong nito.
"Dun! Dun sa Building 2!" Sagot nito sabay hatak sa kamay ni Aisyah. Naghihiwa-hiwalay na rin ang iba pang estudyante at nagtago sa iba't-ibang parte ng school.
Miley's POV
Oh my shetenes! Sana umepekto 'tong plano namin! Gusto pa naming mabuhay. By the way, nandito nga pala ako ngayon sa second floor sa isa sa mga classrooms dito sa Building 2. Kasama ko sina Chris at Alfi at nakabantay sila sa pinto habang may hawak-hawak na mahahabang bakal.
"Shh..." Mahinang bulong ni Chris nang makarinig ng pag-creak ng pintuan. Hinanda na nilang dalawa ang kanilang mga sarili sa estrangherong papasok nang mapansin ko na sina Aisyah at Patrick pala yung nasa labas!
"Shemes! Huwaaag! Sina Patrick 'yan!" Mabuti na lamang at nakita ko sila sa salamin ng bintana kung hindi ay mapapalo pa silang dalawa nina Alfi at Chris.
"May nahuli ba sa atin?" Nag-aalalang tanong ni Aisyah.
"Kami nga dapat magtatanong sa inyo niyan eh." Sabi ni Chris.
"Shh. May paparating ulet!" Sigaw ni Alfi.
Natahimik kaming lahat at nagyukuan.
Isa ito sa mga tauhan ni Gretel! May dala itong baril at binubuksan ang bawat pintuan sa second floor! Lord tulungan niyo po kami!
End of Miley's POV
Paakkk! Sa sobrang lakas ng pagkakapalo nina Chris at Alfi sa ulo nito ay nawalan agad ito ng malay. Pumutok din ang labi nito ng tumama ito sa sahig.
"Hilain niyo na papasok!" Utos ni Miley.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mistério / SuspenseKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
