#18 New Students

2.5K 69 5
                                    

Kaya ayun! Naghanap ng mga late enrollees! Mahirap man para sa aten, pero kailangan natin silang pakisamahan. Guys, I present to you, the newest students of our class!

Pagkatapos ay itinaas niya nang bahagya ang kanyang dalawang kamay pagkatapos ay shinake ang mga ito.

Pumasok naman ang anim na mga teenager na naka-uniform. Dala-dala nila ang mga bag nilang lahat. Pumunta ang anim sa harapan ng classroom at isa-isang nagpakilala. Unang nagpakilala ang isang babaeng may suot na headband at may bangs na tumatakip sa mga mata nito. Nakangiti lang ito at masayang nagsalita.

Hello. My name is Irish Mikken Dimaalog. Gusto ko po kayong lahat makilala at maging friends! sabi ni Irish na habang nangiti-ngiti.

Ako naman po si Trayver Kent Bundalian. Mahilig po akong mag-basketball at masayahin po akong tao at inaamin ko po, mababaw lang ang kaligayahan- hahaha! hindi na natapos ni Trayver ang kanyang sinasabi dahil bigla na lamang siyang tumawa nang walang dahilan. Natawa rin ang ilan sa mga estudyante dahil sa nakita. Nagtakip naman ng bibig ang binata. Natigil ang tawanan nang sumigaw si Ms. Marabas.

Quieeetttt!!!!!! mahinhin na sabi ni Ms. Marabas. Natigil silang lahat at muling nagsalita si Ms. Marabas nang makitang tahimik na ang lahat. Continue... utos ni Ms. Marabas.

Uhhmm. My name is Dredda Sheikselle Mirrenda... My hobbies are reading books, painting and watching movie... Uhhmm... Yun lang... sabi ni Sheikselle na hindi pa rin kumbinsido sa kakaunting nasabi.

My turn... Im Yen Natalie Fulenjo. Mahilig akong mag-selfie at kumuha ng pictures ng mga bagay-bagay. Medyo naiilang man ako pero, pipilitin ko pa ring makipagplastikan sa inyo. sabi ni Yen na pabulong na sinabi ang huling pangungusap. Kahit na mahina ay nagawa pa rin itong marinig ng ilan sa mga estudyante. Tumayo naman si Mirriam habang nakapamewang.

What did you just say? mataray na sabi ni Mirriam. Napanganga naman si Yen at sinagot ang sinabi ni Mirriam.

Ha? Di mo narinig? Sabi ko, PIPILITIN KONG MAKIPAGPLASTIKAN SA INYO! Gets mo na teh? mataray din na sagot ni Yen. Napansin naman ng Class President na si Sunshine ang mga nangyayare kaya tinuldukan niya na ito.

Hey... Tama na yan... Mas maganda kung magiging magkakakampi tayo kesa sa maging magkakaaway. Awat na ah. Oh ikaw naman, kuya. sabi ni Sunshine, pagkatapos ay sinenyasan niya na ang katabi ni Yen na lalaki para magsalita.

Ako nga po pala si Hansel Brilton Cinco. Marunong po ako magsayaw at mahilig rin po akong mag-gitara. Hindi man po ako maging mabuting estudyante para sa mga teachers, ipapangako ko na magiging mabuting kaklase at kaibigan ako para sa inyong lahat. sabi ni Hansel na may seryosong mukha.

And I'm Christofer Alfonso Lubang. But you can call me Alfi. I'll try my very best para maging ka-close ko kayong lahat. Kung may mga problems po kayo, just call my name and I'll be there. sabi ni Alfi na nakangiti.

Hah?!? Kanta yun ah. Just call my name and I'll be there? Hahaha! sabi ni Mourse. Natawa naman ang ilan sa kanila.

Umm. Guys, umupo na kayo... Our lesson for today is all about quadratic function and quadratic equations. In order to find the value of x, first you need to substitute... tuluy-tuloy na sabi ni Ms. Marabas.

Kitang-kita sa mga mukha ng mga estudyante ang pagkamuhi sa math. Para kase sa kanila, walang saysay ang pag-aaral ng math dahil wala naman daw "x" na hahanapin kapag nagtrabaho sila, unless na lang daw kung pirata ka. Yan ang mga birong palaging sinasabi ng mga estudyante.

Tuwang-tuwa naman si Stephanie sa pagkopya ng mga formula na sinusulat ng adviser. Nagse-cellphone naman nang palihim ang ilan sa mga estudyante.

Makalipas ang fifty minutes...

Okay class, take your break...

Nagtatayuan na ang mga estudyante at nagliligpit ng mga notebook at libro nang muling magsalita ang teacher.

Oh! By the way, class, meron nga pala akong gustong sabihin sa inyo. May camping tayo next month. Yung mga gustong sumama, magpalista lang kayo kay Sunshine. Three day camp siya at aasahan ko na lahat kayo makakasama. At isa pa, makakatulong ito sa inyong lahat na na-traumatize sa pagkamatay ng ilan sa mga kaklase niyo. sabi ng guro na nakangiti.

Nagsimula namang magbulung-bulungan ang mga estudyante tungkol sa camping.

Pre, ano, sasama ka ba? sabi ni Jerome kay Rham habang ipinapasok ang mga librong nakapatong sa desk niya sa loob ng bag.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon