#11 Ghostface On The Run

3.1K 76 0
                                    

Magkakasabay na pumasok ng bahay sina Maia, Samby at Sunshine. Ni-lock nila ang pinto. Hingal na hingal sila at naghahabol ng hininga. Nagulat naman ang mga kasama nila na sina Chris at Jensen. Nabitawan pa ni Chris ang hawak niyang kutsara sa sobrang gulat.

Ohh? Anong nangyare? Bat hingal na hingal at pawis na pawis kayo? Nakahanap ba kayo ng daan palabas? sabi ni Jensen pagkatapos ay tumingin sa relo na suot niya.

Oh? 12:35 na ahh. Tara matulog na tayo. Kayo lang naman ang hinihintay namin ehh. habol pa ni Jensen. Pinulot muna ni Chris ang nalaglag niyang kutsara.

Putek naman kayo ehh. Kala ko naman kung ano na. Kayo lang pala. sabi ni Chris.

May kaluskos kase kaming narinig. Kaya di na namin natuloy yung paghahanap. sagot ni Samby.

Kaluskos? Nagtakbuhan kayo dahil sa isang kaluskos? galit na sabi ni Chris.

Bigla namang may kumatok sa pintuan na naging dahilan para itigil nila ang kanilang pagtatalo.

Tumingin si Maia sa peephole. Gulat na gulat si Maia sa nakita. May isang babae na nakasako ang mukha. Nakatali rin ang kamay at paa nito. Sigaw ito nang sigaw pero walang lumalabas na boses dahil nakabusal ang bibig nito. Naka-t-shirt ito at maikling short.

Natulala si Maia, pero tinanong kaagad siya ni Jensen na nakahiga sa sofa.

Sino yun? Hindi naman siya nakasagot at nanatiling nakatulala. Kaya tumingin na lang si Maia sa peephole.

Guys, kailangan niyong makita to. sabi ni Maia na napaatras na lamang.

Naglapitan silang lahat sa peephole. Naguguluhan silang lahat. Bubuksan ba nila ang pinto o hindi.

Tinignan muna nila ang babae. Tuloy pa rin ito sa pagsigaw at tuloy pa rin sa pagkalas ng tali sa kamay at paa niya.

Tara, buksan na natin sabi ni Chris, pero bago pa niya iikot ang door knob ay may lumabas na mula sa kung saan at nakacostume na kagaya ng kay Ghostface (killer sa Scream na nakamaskara na parang si Kamatayan). May dala rin itong kutsilyo at tumatakbo papalapit sa babaeng nasa harap ng pintuan.

Ahhh!! napasigaw silang lahat. Nakatingin sila ngayon sa bintana na katabi ng pintuan. Kaya kita nilang lahat ang mga nangyayare. Tinanggal muna ng naka-costume ang tali nito sa kamay na tila nagmamadali.

Rinig na rinig nila ang sinabi ng naka-costume. Pagkatapos ay sumunod naman niyang tinanggal ang tali nito sa paa.

Nalilito sila sa mga nakikita. Bubuksan pa ba nila ang pinto, kung tinutulungan naman pala siya ng mismong killer?

Ang sumunod na aksyon ng dalawang tao sa labas ang lalong nagpagimbal sa kanila.

Hinubad ng naka-costume ang sako sa ulo ng babae.

Si Kelly... Si Kelly ang babaeng nakasako ang ulo. Hinubad rin ng naka-costume ang maskara. Si Merle. Nagyakap silang dalawa. Itinaas ni Merle ang braso niya. Ang kutsilyo ay nakatahi sa kamay niya. Kitang-kita ang mga kulay puting sinulid na ginamit sa pagtatahi ng kutsilyo. Wala na ang handle ng kutsilyo. Nakabaon ang dulo nito sa palad ng binata. Tulo nang tulo ang dugo sa kamay niya.

Natumba si Merle sa sahig. Kaya agad na nabahala sa Chris. Tulungan na natin sila! pagkatapos ay binuksan na nila ang pinto at lumapit kay Kelly at Merle.

Ano bang nangyare?!? galit na tanong ni Sunshine habang tinignan ang sugat ni Merle.

Kukunin ko yung first aid kit sa taas. tumayo si Maia pero bago pa siya makahakbang ay pinigilan siya ni Merle.

Huwag na. Bago mo pa makuha yun ay patay na ako nun. Hemophiliac ako. Ibig sabihin kapag nagkasugat ako, dadanak lang nang dadanak ang dugo ko! angal ni Merle.

Hindi bae, mahal kita. At alam mo yun. Wag mo muna akong iwan. Please bae. Dito ka lang please... umiiyak na sabi ni Kelly habang ipinapatong ang ulo ni Merle sa hita niya. Hinihimas-himas niya ang buhok ni Merle. Pagkatapos ay hinalikan niya ang noo nito.

Lumakas ang pagtagas ng dugo sa palad niya. Lalo ring lumakas ang pagtulo ng luha ni Kelly.

Hindi na nagpapigil si Maia. Pumasok siya sa bahay at umakyat sa taas at kinuha ang first aid kit. Humarurot siya sa pagtakbo. Halos magkadulas-dulas na siya sa pagmamadali.

Oh, oh, eto na dali. Ibalot niyo ng gauze yung kamay niya. Hindi ako marunong pero alam ko, eto yung ginagawa ng mommy ko pag may sugat ako. This will stop the bleeding. suggest ni Maia.

Ginawa nga nila ang sinabi ni Maia. Pero ayaw pa rin tumigil ng pagdudugo.

Hilain kaya natin yung kutsilyo? tanong ni Jensen.

Hah?!? Huwag... Baka kung ano pang mangyare sa kanya... angal ni Kelly.

Pero tama si Jensen. Baka lumala lang to kung hindi natin tatanggalin. sambit ni Samby.

In 3... 1... 2... 3!

Aahhhh!!!!! sigaw ni Merle na namimilipit sa sakit. Natanggal nila ang kutsilyo. Napakahaba ng dulo nito. Siguro ay nasa 2 inches yung haba.

Nirolyo agad ni Maia ang gauze at muling ipinulupot sa palad ni Merle. Maya-maya pa ay nakahinga na sila nang maluwang dahil tumigil ang pagdudugo ng sugat niya. Nawalan naman ng malay si Merle.

Ibinalita nila ito sa iba pang mga kaklase. Naglabasan naman silang lahat sa kani-kanilang bahay. Ipinasok naman nina Chris at Jensen si Merle sa loob ng bahay nila. Inihiga nila ito sa sofa at nang makitang tapos na ang lahat ay sinimulan na nilang tanungin si Kelly sa mga nangyari.

Kelly... Ano ba talagang nangyare sa inyong dalawa ni Merle? Di ba dapat natutulog na kayo? Tsaka, sino bang may gawa nito sa inyo? sunud-sunod na tanong ni Chris kay Kelly.

Napatingin naman sa kanya si Kelly at nagsimulang magkuwento.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon