#17 Danica's What?

2.6K 71 1
                                    

Patay na si Danica. Butas na ang leeg niya at puno na ng dugo ang classroom nila. Nakalabas ang dila ni Danica. Pulang-pula ang mga mata niya.

Nanginginig na lumapit si Aiya sa katawan ng kaklase. Isa-isa na silang pinapatay ng killer. At ang isang tanong na hindi mawala sa isip nila ay ang...

Ano bang nagawa namin sa kanya?

Sa gitna ng iyakan nila ay biglang dumating ang principal nila. Gulat na gulat ito sa kanyang mga nakikita.

Principal Elejandro: My goodness! Anong nangyari dito? Everyone in this class! Go to my office!

Nagtakbuhan naman palayo ang mga estudyante na nakikiusyoso. Galit na galit ang principal pero nagawa pa rin nilang umangal.

Pero Sir?!? Wala po- hindi na pinatapos pa ng principal ang sinasabi ni Ingrid dahil bigla siya nitong kinontra.

Hep! Hep! Hep! Haven't you heard me? I said everyone! galit na sabi nito na parang isang demonyo.

But Sir! Ayoko pong masira ang maganda kong record sa school na to! angal ni Ingrid.

Oo nga. dagdag pa ni Stephanie.

Tama po siya, Sir! dagdag din ni Kelly.

Pero tinignan lang sila nang masama ng punungguro at wala na rin silang nagawa kaya pumunta na lamang sila sa Principal's Office.

Sa loob ng office...

Samby: Wala po kaming ginagawa nung time na yun. Break time po namin nung bigla na lang namin narinig yung malakas na kalabog sa kisame. Napatayo nga po kaming lahat dahil sa gulat. Buti na nga lang po ay alisto kaming lahat kaya nung bumagsak yung kisame, ay nakailag kaming lahat.

Chris: Opo. Tapos po nakita na lang namin si Danica na nakatali ang leeg. Gulat na gulat po kami pero nagawa ko pa rin po na iangat yung katawan niya. Pero sabi niya, wag daw.

Tamashi: Yes. He's telling the truth. We didn't know what to do! Until Chris asked us if we could help him. We stood up quick ang tried to lift her up...

Pulis 1: Oh, ayun nga eh. Paano kayo makakailag kung hindi niyo naman pala alam yung mangyayare?

Justin: Aba... Eh 6@60 naman pala kayo eh! Naririnig na namin na may malalakas na kalabog sa kisame tapos nganganga lang kami ron tapos hihintayin na bagsakan kami ng kisame?

Pulis 2: Kinakausap namin kayo ng maayos, kausapin niyo rin kami ng maayos!

Susugurin na ni Justin ang pulis nang awatin siya ni Ingrid.

Huwag na... mahinang sabi ni Ingrid.

Justin: Makakarating to sa parents ko.

Pagkatapos ay nag-walk-out siya. Tuloy pa rin sa pagtatalo ang mga pulis at ang mga estudyante ng Class 666.

Pulis 2: Malay ba namin kung gusto niyo palang patayin yang kaklase niyo? Eh di sabi niyo kanina, mayabang tong kaklase niyo na to?

Samby: Hay nako kuya, ang hirap niyong kausap! Basta! Ang alam naming lahat, wala sa amin ang pumatay kay Danica.

Aisyah: Ate Samby, tara na. Hayaan mo na sila kuya diyan. Alam mo naman. Kailangan may masisi! (sabi ni Aisyah na parang nagpaparinig)

Pulis 3: Mr. Palenciano. Pede po ba namin imbestigahan ang classroom ng mga estudyante? At pati na rin po ang mga estudyante ng section na yun.

Principal Elejandro: Oo naman! Sa lalung madaling panahon! At para makulong na rin ang estudyante gumagawa ng mga patayan sa klase na yon. Tutal ilang estudyante na rin ang namatay sa section na yun.

Agad naman itong narinig ng magkakaklase. Napalingon na lamang sila sa galit. Pero bilang presidente, si Sunshine ang pinaka nasaktan.

Sunshine: Hoooy panot! Ang kapal din pala ng mukha mo para sabihin na isa sa amen ang may kasalanan! Kami nga victims dito tapos sasabihin mo yan? Baka gusto mong makalbo ka na nang tuluyan!

Di naman nakapagsalita ang principal. Natakot din siya kay Sunshine. Matanda na rin kase ang principal nila. Mga nasa fifty plus na.

Bumulong naman sa kanya ang katabing si Kelly.

Kelly: Uy, mamaya magalit yan, ma-expel ka pa dito sa school!

Sunshine: Eh di i-expel niya! Kala mo naman kung sino! Panot naman! Panot!

Sa pangalawang pagkakataon, hindi nakapagsalita ang punungguro dahil sa takot. Nahihiya na rin siya dahil naririnig na rin iyon ng ibang eatudyante.

Leave my office, nooowww! sabi ng principal na naggagalit-galitan. Nagsialisan naman ang mga estudyante at pumunta sa pansamantalang classroom nila dahil may mga nag-iimbestiga pa na mga pulis sa classroom nila.

Sa classroom...

Paano na yan? Tayo pa yung sinisisi. May mga testigo naman na mga estudyante sa labas. Pero ayaw pa rin maniwala ni Principal E. Paano pag nalaman to ng parents ko? Baka mawala yung scholarship ko! O.A. na sabi ni Stephanie.

Ano ka ba? Hindi yan! Marami tayo dito no?!? At tsaka wala naman silang ebidensiya na tayo megawa non! T.H. kase yun si Principal E. eh. Tsaka gusto niya, tayo masise. Next year talaga papalipat na ko! Kabuwiset kaya! sabi naman ni Kaye.

Ang mga Spice Girls naman ay may ibang iniisip.

Mirriam: Pede naman tayong tumakas dito eh. Bukas ng gabe. Magkita-kita tayo sa tapat ng Room 487, yung malapit sa canteen?

Suzette: Ang tanong, handa ba kayo sa kaparusahan na matatanggap natin kapag nahule tayo? (mahinang sabi ni Suzette)

Lhyca: Eh sis, handa naman na tayo, tsaka wala nang atrasan to ahh. Walang iwanan, remember?

Nikki: Basta! Yayayain ko pa rin si Patrick! Sasama siya saten!

Lhyca: You're so stupid talaga! Di yun sasama sa'yo! Hahaha!

Nikki: Bahala ka. Basta totoo ang sinasabi ko! Mahal ako ni Patrick at sasama yun saken! Nahihiya lang yun sa beauty ko no!

Pagkatapos ay nagtawanan na lang sila. Napatingin naman sa kanila ang mga kaklase nila.

Oh? Bawal ba tumawa? prangkang sabi ni Mirriam.

Oo... Bawal tumawa. sabi ng kararating pa lang na si Sunshine. Hindi naman na nakasagot si Mirriam. Seryoso ang mukha niya at tila may hatid na masamang balita. Pumunta siya sa harapan at parang may ia-announce.

Sunshine: Guys... Marami nang namatay sa mga kaklase natin, at naging disadvantage to para sa pagiging popular ng klase natin sa lahat. Marami na ang ayaw makipag-usap sa ilan sa atin. Ang iba pa'y sinisiraan tayo sa isa't-isa. At dagdag pa rito ang babaeng iniisa-isa tayo. Dati 40 tayo, pero ngayon 36 na lang tayo.Wala na si  Fritz, Marissa, Evan at ngayon, si Danica. Nalulugi na raw ang school natin sa aten. Masyado na raw silang gumagastos. Investigators, police, lawyer. Lagpas na nga raw sa minimum students ang nasa klase natin tapos mababawasan pa. Kaya ayun! Naghanap ng mga...




Secret! Yehey! Ang ganda nitong next chapter promise! Matutuwa kayo! Vote po please?

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon