#50 Windows

1.3K 32 0
                                    

"Okay ka na ba, Irish?" Tanong ni Trayver sabay abot ng isang basong tubig sa kaibigan. Pinaupo muna nila ito sa couch upang makahinga.

Pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Si Alfi kase ay isa sa mga pinakamalalapit na kaibigan ni Irish kaya't ganun na lamang ang kalungkutan nito nang malamang patay na ang kaibigan.

"O-oo. Okay na ako." Matipid nitong sagot. Nakatingin lamang ito sa malayo habang pinagmamasdan ang mga halamang nasa labas ng tambayan nila. Mula kase nang matapos ang pagdurusa nila ay nag-celebrate sila at nag-ambagan sila para makabili ng isang malaking bahay. Hindi naman sila nahirapan dahil karamihan naman sa kanila ay mayaman. Agad nilang pinakumpleto ang mga kagamitan nito upang magamit kaagad nila.

"Please, Irish. Kung may nararamdaman kang sama ng loob, sabihin mo lang sa amin para hindi kami mag-alala." Paalala ni Stephanie.

"Kakayanin natin 'to. Tingnan mo, nahuli na natin ang lahat ng killer. Ligtas na tayo." Masayang sabi naman ni Jhulyen sabay tapik sa balikat ni Kraven.

"Why don't we celebrate this wonderful event? Lahat tayo, lahat tayong magkakaklase!" Suwestiyon ni Suzette.

"Tama, check!" Agree na agree din si Mirriam sa sinabi ng kaibigan. Sabay silang nag-apir pagkatapos ay nagtawanan.

"O-oo nga. Tutal wala na rin naman tayong dapat pang ikabahala eh." Sabat din ni Patrick.

Nagkatinginan silang magkakaklase at nagsipayag na magpa-party. Bawat detalye ay plinano nila noong araw din na iyon. Napagdesisyunan nila na gawin iyon sa loob mismo ng tambayan ng section nila at tanging sila-sila lamang ang invited. Tatlong palapag naman ang bahay na iyon kaya't hindi na sila nagkaproblema pa sa space. Ninais nila na gawin ito dalawang araw mula ng planuhin nila ito.

Makalipas ang dalawang araw...

Walang mga pailaw at tanging masayang saliw lang ng musika at mga kakaibang dekorasyon ang pumalibot sa tambayan ng mga magkakaibigan. Naging maganda ang hitsura ng lugar dahil na rin sa tulong ng mga artistic na estudyante ng klase nila. Walang pang ilang minuto, nagdatingan ang lahat at walang mga na-late.

"Wow! Iba talaga kapag diyosa ang organizer! Let's give her a round of applause, for her excellence, classiness and hardwork in completing this party, Miley Yasmin Padilla!" Nagtilian at nagpalakpakan ang mga magkakaibigan sa pagbati ni Mourse sa kaklase. Nakaupo lamang sila sa sala na mayroong apat na mahahabang sofa at doon nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Naka-on din ang videoke pati na rin ang mga party games ay nakahanda na.

"Anu beee! Bukas na piso mo, ha." Biro ni Miley habang pinapaikot sa kanyang hintuturo ang mga buhok na nasa kanyang balikat.

"Ay, oo nga pala, guys! Panoorin niyo 'tong video na 'to!" Natutuwang turan ni Rham.

"Hay, nako, Rham. Kung SPG na naman 'yan, 'wag na lang." Biro ni Tamashi.

"6@6!, compilation 'to ng mga stolen shots natin!" Pati si Rham ay natawa rin sa sinabi ng kaibigan.

"I-play mo na! Dami pang satsat eh." Mataray na wika ni Mirriam. Wala na ring nagawa si Rham kundi ang i-play ang dala-dala niyang cd sa 32-inch nilang T.V.

Halos maluha ang karamihan sa kanila nang simulan ang video. Lahat sila ay may tigta-tatlong stolen shots at nagsimula ito kay Aisyah. Sa unang larawan ay naka-poker face ito at nakatirik ang mata. Sa ikalawa ay nakabukas ang bunganga nito at nakatawa. At sa ikatlo naman ay nakapikit ang mga dalawa nitong mata habang nakasimangot. Naging katatawanan ang mukha ni Aisyah at kahit siya ay hindi niya na rin napigilang tumawa.

Sa sumunod namang mga larawan ay si Irish naman ang bida. Sa unang picture ay nakanguso ang labi nito at nakapikit ang isang mata. Agad na nagtawanan ang lahat. Sa sumunod naman ay ang larawang kinuha noong umiiyak ito dahil sa pagkawala ni Alfi. Namumugto ang mga mata nito at nakabuka ng maigi ang bunganga nito. Nagtawanang muli ang lahat bukod kay Irish. Tila hindi ito natutuwa sa kanyang mga nakikita at naniningkit na ang mga mata nito sa kakatitig sa mga masasagwa nitong larawan.

"Itigil niyo nga muna, please." Natahimik ang lahat sa sinabing iyon ni Irish. Napatitig din ang lahat sa kanya dahil sa inasal nito.

"Ang K.J. mo kamo." Direktang sabi ni Mourse sa kaklase. Hindi naman ito sumagot at nag-focus na lamang sa litratong nasa kanyang harapan. Halos maningkit na ang mga mata niya habang tinitingnan ito.

"Rham, pede mo ba iyang i-zoom?" Tila nakakatakot na ang mga salitang lumalabas sa bibig ng dalaga. Hindi naman siya naintindihan ng mga kaklase at ang ipinapahiwatig nito. Sumunod na lang din si Rham sa sinabi ni Irish at zinoom na lang rin ang picture.

Sa una'y naghahanap silang lahat ng kakaiba sa litrato, pero nang maglaon ay napatahimik silang lahat nang mapansin ang kakaibang anino na nasa bintana ng bahay. Tila may isang taong nakatitig sa butas sa bintana at pilit na tinitignan ang mga nangyayari sa loob ng bahay. Ang bintanang iyon ay nasa likod ni Irish.

"Shems. Ano 'yan? Wala namang ibang tao noong time na 'yun di ba, kundi tayong magkakaklase? Tsaka naka-lock naman palagi ang gate, ah." Sabi ni Stephanie.

Nangilabot silang lahat. Sa muling pagkakataon ay naramdaman na naman nila ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman nila noong may killer pa sa kanilang klase.

"D-dalian mo na, Rham. I-play mo na ulit ang video, nangingilabot na kaming lahat dito, oh." Wika ni Casey habang hinihimas-himas ang kanyang magkabilaang braso. Kita na rin ang pamumutla ng bawat isa sa kanila.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon