Parang isang normal na pamumuhay lang ang trato nila sa mga nangyayari. Nagagawa pa rin nilang mag-aral at magkuwentuhan.
Kinagabihan...
Sa bahay nina Jasmin, Casey, Mourse at Evan ay nagtatawanan lang sila. Nagbibiruan at nagpapasahan ng mga jokes.
Casey: May tatlong magkakaibigan na sabay-sabay namatay. Pero may 100 jokes silang kailangan harapin. Kailangan di sila tatawa para makarating sa langit. Unang sumubok si Pedro. Pero unang joke pa lang ay natawa na siya, kaya napunta siya sa impyerno. Sunod naman si Diego pero nasa pang walong joke palang siya natawa na siya. Yun, napunta siya sa impyerno. Tapos si Juan naman. Nasa pang-99 na joke na siya nang natawa siya. Hahaha! "Bat ka natawa?" sabi ni San Pedro. "Kase ngayon ko lang nagets yung unang joke!
Nagtawanan naman silang apat. Ohh, ako naman... sabi ni Mourse.
Mourse: May magnanakaw na nahuli. Sabi nung hari, "Pumili ka, papatayin kita o papasukan ko ng bubuyog yang puwet mo?!!" yun sabi nung hari. Natakot si magnanakaw kaya sabi niya bubuyog sa puwet na lang. "O sige, Ilabas si Jollibee!! Hahaha!!
Tawanan sila ulit. O ako naman.. sabi ni Evan.
Evan:Nag-uusap yung pasyente tsaka yung doktor..
Doktor: May good news at bad news ako sayo.
Pasyente: Good news po muna.
Doktor: Ok. May isang araw ka pa para mabuhay.
Pasyente: Eh ano naman yung bad news?
Doktor: Nakalimutan ko sabihin sayo kahapon ehh.Tawanan uli sila pero this time, di tumawa si Mourse.
Di ko gets.. sabi niya. Tawanan uli sila nang mas malakas.
Tss. Mas nakakatawa to. sabi naman ni Jasmin.
Jasmin: Eto naman. Tungkol to kay Juan. Nakita niya kaseng nagse-$€× ang nanay at tatay niya. "Tay ano pong nigagawa niyo ni nanay?" tanong ni Juan. "Ahh wala anak, binubuksan ko lang yung paraiso gamit yung susi ko." sabi ng tatay. "Ahh.. May duplicate din po kaya si Tito diyan sa paraiso, dati akikita ko sila bubukas nila paraiso.."
Tawanan uli sila.
Pero biglang dumating ang mga Spice Girls at tinarayan silang apat. Napatahimik sila at natigil ang tawanan.
May mga namamatay na sa aten tapos genyan pa kayo? Tsaka please nga, ang cocorny kaya ng jokes niyo! Hahaha! sabi ni Mirriam. Tapos naglakad na sila papalayo.
Wuuuw.. Nakakahiya naman sa inyo na kahit walang nakakatawa, maghahalakhakan at magbubungisngisan na! Tsaka ano bang alam niyo sa jokes? Kami lang namang apat ang nakakagawa nun ahh? reklamo ni Casey.
Napalingon naman ang mga Spice Girls at gulat na gulat sa narinig.
Nikki: Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Kami ang mga Spice Girls at kami. Oo, kami, ang may pinakanakakatawang jokes sa lahat! Kung gusto niyo, sasampolan pa namin kayo! Di ba girls? Nagtanguhan naman silang tatlo.
Oh, ako na mauuna girls aahh. sabi ni Suzette.
Suzette: May apat na magkakaibigang malungkot. Sabi ni Broccoli, "Mukha akong puno." Tapos sabi naman ni Mushroom, "Mukha naman akong payong." Tapos sabi naman ni Walnut, "Ako nga parang utak ehh" Tapos sabi naman ni Saging, "Tara, change topic!"
Nagtawanan ang spice girls. Yung tawa na para bang sa mangkukulam. Sumunod naman na nag-joke si Lhyca.
Lhyca: May tinanong si bata kay teacher, sabi nung bata, "Maam, paparusahan niyo po ba ako sa bagay na di ko naman ginawa?". Sumagot si teacher, "Hinde" Naging masaya si bata. "Good! Di ko po kase ginawa assignment natin ehh!"
Hahaha! bungisngisan nang bungisngisan ang mga Spice Girls. Di naman natawa sina Casey. Pinipigil nila kahit na nakakatawa naman talaga.
Nikki: Okay, it's my turn... Dahil last day na ng klase, nagbigay yung mga estudyante ng regalo sa teacher nila. Si Peter may magulang na nagtatrabaho sa flower shop. Kaya hinulaan ni teacher yung laman. Sabi nung teacher bulaklak daw yung laman. Tama! Sumunod naman si David. (Nagtatrabaho yung parents niya sa candy store.) "Siguro chocolates" sabi nung teacher. Tama uli! Sunod naman si John. (Yung parents niya nagtatrabaho sa bar) Yung regalo ni John natulo. Tinikman nung teacher."Siguro wine to." Binuksan niya yung regalo ang laman tuta. Naihi! Hahahaha!
Nagtatawanan lang sila roon kahit gabi na.
Oh! Ikaw Mirriam? Ano yung joke mo? mataray na sabi ni Jasmin.
Mirriam: Ahhh. Wala ehh.
Guys!! Sana nagustuhan niyo tong #8 ahh. Puro na lang kase patayan kaya medyo papatawanin ko muna kayo! Enjoy! Vote and comment din po kayo! Mabilis lang ako mag-update kaya wag kayong matakot na baka mabitin kayo!
![](https://img.wattpad.com/cover/41546093-288-k101242.jpg)
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Gizem / GerilimKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...