#4 Call The Po-LIES!

6.9K 146 0
                                    

Sariwang-sariwa pa rin sa isip ni Shaymee ang lahat. Pero ang hindi niya lang maisip ay kung bakit ito nagawa sa kanya ng sarili niyang ina.

Jhulyen's POV

Nabubuwisit ako sa kanya. Alam ko na mukha na kong salbahe pero mali pa rin yung ginawa niya. Paano kung kasabwat pala nila si Shaymee? Malay natin, nagpapanggap lang siya na religious at di makabasag pinggan pero ang totoo pala ay siya pa ang may pakana nang lahat nang 'to.

Naaalala niyo ba kanina na sinabi ko na di na lang ako magsusumbong sa mga pulis? Ginawa ko pa rin. Dalawang araw pagkatapos ng lahat. Nagsumbong ako. Nandito ako ngayon sa San Elizer Police Station at inilalahad ko sa kanila ngayon ang mga nangyare ka. Mag-isa lang ako at kinakabahan pa rin ako sa papupuntahan ng imbestigasyon ng mga pulis...

Ahhhh.. Miss, dun po tayo sa opisina ni hepe... sabi ng isang pulis habang itinuturo ang isang kuwarto sa likod niya.

Agad namang tumayo si Jhulyen at isinukbit sa balikat ang shoulder bag. Huminga muna nang malalim si Jhulyen habang nakatingin sa door knob ng silid. Pinagbuksan siya ng pulis na kasama niya kanina at pinaupo sa sofa.

Opisina ba talaga 'to? Ba't parang wala namang masyadong laman. Iniwan lang nila ako dito mag-isa para hintayin yung hepe nila. Tssss. bulong ni Jhulyen sa sarili habang tinitignan ang mga gamit sa loob ng kuwarto.

Makalipas ang ilang minuto, may pumasok na isang lalaki sa loob ng kuwarto at umupo sa upuan na katapat ng lamesa.

Oh miss, ano nga uli yung inirereklamo mo? sabi ng hepe habang may hawak na ballpen at waring may isinusulat.

Yung school namin, walang pakialam sa mga nangyare samen nung nakaraan. Ganto kase yon. May dumating bigla na mga tao sa classroom namen tapos kinuha yung iba naming kaklase, buti na nga lang nakaligtas ako. Nababad trip na kami dyan sa school namen na yan eh. Eh pano kung isa rin ako sa mga nadakip nila? Edi deadski na rin ako. Kaya gusto kong sampahan ng kaso yang school namen na yan.. tuluy-tuloy na sinabi ni Jhulyen sa pabalang na tono. Walang emosyon na lumabas sa hepe at parang nakatitig lang kay Jhulyen habang nagsasalita ito.

Oh sige miss. Bukas na bukas aaksyonan namen tong kasong to, pumirma ka lang dito na nagsasaad na ikaw ang nagsampa ng reklamo. tapos tinuro niya ang parteng ibaba ng papel na hawak niya.

Makalipas ang ilang minuto, ay natapos din ang usapan nila. Bago pa man makalabas ng Police Station ay may pinahabol na mensahe ang hepe...

Mag-iingat ka miss. Kase minsan yung taong pinagkakatiwalaan mo, sila na pala mismo ang nanloloko sa'yo... Napatigil si Jhulyen pagkatapos ay naglakad uli.

Gabi na rin nang makarating siya sa inuupahang apartment sa Makati. Maalinsangan ang panahon kaya madilim ang kalsada.

Pagpasok na pagpasok ni Jhulyen sa apartment ay sinalubong kaagad siya ng tatlong lalaki. Hinawakan siya ng isa sa mga ito at binusalan ang bibig niya. Tinalian rin nito ang kamay at paa niya. Marahan siya nitong binuhat at dinala sa sasakyan sa di kalayuan.

Naging malinis ang pagdakip kay Jhulyen. Di man lamang ito napansin ng ibang nangungupahan sa apartment. Malayo rin kase ang pagitan ng mga street lights kaya wala kaagad nakahalata sa mga nangyari.

Sa loob ng sasakyan naghubad ng mga takip sa mukha ang mga lalaki. Nagsalita ang nasa driver's seat at sinabi ang mga katagang Sige, gawin niyo na...

Kinabahan naman si Jhulyen sa narinig kaya agad siyang nagsisisigaw pero gawa nga nang binusalan siya ng mga ito at nakasarado ang mga bintana ay wala ring nakarinig sa kanya. Umuulan na rin sa labas at tinted ang sasakyan. Umasa lang si Jhulyen na baka may makatulong sa kanya. O kaya naman ay may nakarinig man lang o nakakita. Pero huli na ang lahat. Sinaksakan siya ng mga ito ng syringe na naging dahilan ng kanyang pagkaantok. Di rin nagtagal ay nakatulog siya.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon