Ngayon, ikaw naman ang makakaranas ng mga bagay na ipinagawa mo sa amin... Matipid na sabi ni Kraven.
Gisingin mo na, Chris! Utos ni Patrick kay Chris. Tumayo naman ito upang kunin ang isang maliit na timba na may lamang napakalamig na tubig.
It's a pleasure for me to do this! Sabi nito saka ibinuhos kay Hansel ang laman ng timba. Agad naman itong nagising at tila gulat na gulat ito dahil sa lamig ng tubig na ibinuhos sa kanya ni Chris.
Ngayon, Hansel, matitikman mo kung gaano kasakit ang mga bagay na pinagawa sa amin. Bulong ni Irish.
Hindi ka ba nakukunsensya sa mga napatay mo?! Tingin mo hindi mo pagbabayaran ang lahat ng iyon? Puwes, nagkakamali ka. Bulong rin ni Maia.
Hindi naman nagsasalita si Hansel at naka-poker face lamang siya. Puno na ng dugo ang mukha niya dahil sa paghampas sa kanya kanina ni Kraven ng baseball bat.
Meron kami ritong tatlong box na may iba't-ibang klase ng bagay. Ang kailangan mo lang naman gawin ay ang pumili ng isa dito at kainin kung ano man ang laman noon. Paliwanag ni Chris.
Tulala lamang si Hansel at tila walang naririnig kaya nabuwisit si Irish at nilapitan niya ito saka kinurot nang literal ang pisngi nito gamit ang kanyang mahahabang mga kuko.
Arggh! Sigaw ni Hansel nang maramdaman niyang tumutulo na pala ang dugo sa kanyang pisngi. Doon na lamang nag-sink in sa kanya ang lahat.
Mga demonyo kayo! Ubod lakas na sigaw ni Hansel.
Ikaw ang demonyo, Hansel! Ang dami mo nang napatay! Ito ang kabayaran sa lahat ng bagay na ginawa mo! Sigaw ni Maia.
Nakapalibot sa kanya ang lahat ng mga kaklase niyang buhay pa habang pinapanood ang bawat kilos niya. Magkatabi sina Aisyah at Casey na parang hindi nagugustuhan ang kanilang mga nakikita.
Hindi ba dapat tumawag na lang tayo ng mga pulis tapos hayaan na lang natin siyang mabulok sa kulungan? Bulong ni Aisyah sa katabing si Casey. Hininaan niya lamang ito dahil ayaw niyang marinig siya ng mga kaklase niya.
Ayokong makakita ng may namamatay na naman sa harap ko. Siguro kung pagkain lang lahat ng namamatay, kanina pa siguro ako may LBM! Biro ni Casey.
Guys, hindi ba puwedeng hayaan na lang natin na batas ang magparusa sa kanya? Tanong ni Aisyah.
Hinde! Buhay ang kinuha, buhay rin ang kabayaran! Sigaw ni Chris saka inangat ang hawak na kutsilyo upang wakasan na ang buhay ni Hansel. Nakapikit na si Hansel at handa na sa maaaring mangyari.
Huwaaggg! Awat ni Kraven saka hinawakan ang kamay ni Chris upang hindi ito tumama kay Hansel.
Tama sina Aisyah! Mas maganda yung naisip nila. At least panghabambuhay niya iyong pagbabayaran! Katwiran ni Kraven.
Sumang-ayon din naman silang lahat patina rin sina Arron. Ngayon ay naghihintay na lang sila ng kinabukasan upang dumeretso kaagad sa pinakamalapit na police station. Gabi na rin kase at ayaw na ring pumayag nina Arron na palabasin ang mga kaklase ng ganitong oras.
Bukas na bukas, pupunta tayo sa istasyon ng mga pulis diyan sa kabilang baranggay para ma-report na agad 'tong nangyari. Sa ngayon, magpahinga muna tayo at ang iba naman ay magbabantay dito sa baba. Paliwanag ni Arron na sinang-ayunan kaagad ng lahat.
Patayin niyo na ako! Ano pang hinihintay niyo? Mga ugok! Sigaw ni Hansel sabay tawa ng pagkalakas-lakas.
Ano ka, chicks? Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ni Mourse.
__________________________________
Mag-aala una na ng madaling araw ng maramdaman ni Irish na may kumikislot sa kanyang talampakan. Nasa baba kase sila nina Kraven, Patrick, Arron, Ishi, Aira at Casey upang bantayan sina Hansel at ang mga tauhan nito.
Nakatungo lamang siya sa may lamesa samantalang ang iba naman sa kanila ay nasa sofa, sahig at hagdan upang masiguro na hindi makakatakas si Hansel.
Dinilt niya ang mga mata niya at nakita niyang si Hansel iyon na may nakasubong mahabang patpat sa kanyang bibig. Sinusubukan nitong gisingin si Irish na nagtagumpay naman. Iniluwa nito ang patpat sa kanyang bibig saka nagsalita.
Irish, hindi ba't napakasaya na hindi man lang ako magbabayad sa mga ginawa ko? Makukulong lang ako pero hindi ko mararanasan yung ginawa ko sa inyo? Wouldn't it be nice kung pati ako mamamatay? Sabi ni Hansel sa isang mahinang boses.
Ano bang trip mo? Manahimik ka nga diyan! Galit na sabi ni Irish saka bumalik sa pagtungo para matulog ulit.
Remember Ian Michael? Your six year old brother? Biglang tumingin si Irish kay Hansel nang sabihin ito ni Hansel.
We locked him in his room. Pero hindi lang 'yon, sinunog din namin yung bahay niyo pero hindi na nakita pa ang kapatid mo. Sunog na katawan na lang ng isang bata ang natagpuan sa bahay niyo nung maapula yung sunog. Hindi ba't nakakatuwa? Hihihi! Mahinang tumawa si Hansel.
H@¥*|? ka! Napakademonyo mo! Tumayo si Irish habang umiiyak saka kinuha ang kutsilyo sa drawer. Nilapitan niya ito at itinutok dito ang kutsilyo.
Demonyo ka rin, Irish... Hahaha! Bulong ni Hansel.
Mas demonyo ka, Hansel! Mapunta ka sana sa impyerno! Bulong niya dito habang sinasabunutan ang walang labang si Hansel.
Well, kung pareho tayong demonyo, eh di see you there na lang ang masasabi ko! Hihihi! Kahit na anong pananabunot ang gawin sa kanya ni Irish ay tila natutuwa lamang ito at hindi nasasaktan.
Nakakatawa kung paano umiyak yung kapatid mo, pawis na pawis, tapos nagwawala. Kaya lang nung madaplisan siya ng apoy, nagsisisigaw! Nakakaaw- Hukk! Hukk! Hukk! Hindi na natapos pa ni Hansel ang sinasabi niya dahil ginilitan na pala siya ni Irish ng leeg. Mabilis na sumirit ang masaganang dugo sa sugat nito sa leeg. Bagaman ganito na ang nararanasan niya ay nakangiti pa rin ito habang nakatitig kay Irish.
Hukk! Hukk! Lumabas na rin ang dugo sa bunganga ni Hansel at di rin nagtagal ay binawian rin ito ng buhay.
Demonyo lang ang makakapatay sa kapwa niya demonyo. Kitakits na lang tayo sa impyerno, Hansel. Iyan ang huling mga salitang ibinulong ni Irish sa nakadilat na bangkay ni Hansel saka pinunasan ng puting panyo ang kutsilyo at naghugas ng kamay.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Bí ẩn / Giật gânKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
