Si Gray pala. Dinala siya nito sa isang lumang bodega. Mapapansin mo ito dahil sa mga agiw at alikabok na nakadikit sa bodega.
Pito lamang sila sa loob - Kaye, Gray, Evan, Merle, Aisyah, Lhyca at Jhulyen.
Mabuti na lamang at isa-isa tayong dinala dito ni Gray. Kundi, kasama na tayo sa iba nating mga kaklase na dinakip nung mga lokong yun! sabi ni Lhyca.
Ssssssshhhhh!!!!! May paparating! Yuko! babala naman ni Merle. Nagyukuan silang lahat dahil sa takot. Tumingin si Gray sa bintana nang palihim at nakita ang isa sa mga kaklase nila.
Buksan niyo yung pinto! Papasok ako! Paparating na sila! Bilis! pagmamakaawa ni Shaymee. Nakakatatlong hakbang paabante pa lamang si Gray nang bigla siyang awatin ni Jhulyen. Nilingon niya naman ito at sinenyasan niya ito ng bakit.
Kapag binuksan mo yan, para mo na rin sinabi na hoy kayo diyan, sama niyo na rin kami sa mga classmates namin, kaya wag na wag mong bubuksan yan kung hinde, pati tayo mapapahamak. sabi ni Jhulyen na may seryosong mukha.
Classmate pa rin natin siya. At saka kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, papayag ka ba na hindi ka namin pagbuksan ng pintuan? pangangatwiran ni Gray habang binubuksan ang pinto.
Sinabi nang huwag ehh! bulong ni Jhulyen. Hinawakan naman siya ni Aisyah sa balikat na tila pinipigilan siya sa balak niyang gawin.
May point si Gray... matipid na sabi ni Aisyah. Kaya binuksan nila ang pinto. Nagmadali namang pumasok si Shaymee. Balisang-balisa si Shaymee at hindi maka-usap. Kaya pinakalma na muna nila ito.
Ano nang nangyayare sa kanila? kalmadong tanong ni Evan habang hinahagod ang likod ng dalaga. Pawis na pawis ito at di pa rin makapagsalita. Makalipas ang ilang minuto, nagsalita ito.
N-nanay ko yung isa sa kanila. matipid na sinabi ni Shaymee. Nagulat silang lahat.
Hah?!? Ibig sabihin isa yung nanay mo sa mga balak pumatay sa aten? galit na galit na sinabi ni Lhyca.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay......
Yan, safe na tayo, we can go now and tell this to the police... masayang sabi ni Jhulyen. Bigla namang nag-histerical si Shaymee.
Huwag! Parang awa mo na... pagkatapos ay lumuhod si Shaymee sa harap ng dalaga. Nagulat si Jhulyen.
H-ha? Oo di na lang ako magsusumbong.... sagot ni Jhulyen.
Pagkalabas na pagkalabas nila ay pinagkakaguluhan at pinagtitinginan sila ng mga kapwa estudyante.
Oh? Anong pinagtitinginan niyo diyan? mataray na sabi ni Lhyca.
Flashback: POV ni Shaymee nung nasa loob pa siya ng classroom...
Ahhhh!!! sigawan ng karamihan sa amin. Nabaling ang atensyon ko sa mga kaklase kong pilit na hinihila ng mga kidnappers. Wala na akong ibang naisip kundi kung paano ako makakatakas sa kanila. Nakita ko naman ang pintuan sa likod na dinaanan ni Kaye. Tumakbo ako papunta roon pero pinigilan ako ng isa sa kanila.
Bitawan mo ko! Ano ba? sigaw ko habang yinuyugyog ang katawan niya. Nakita kong nakamaskara sila kaya baka kapag nakita ko ang mukha ng isa sa kanila ay baka makatulong ito sa pagpapakulong namin sa kanila. Sinubukan kong tanggalin ang maskara at nagtagumpay ako.
Pero imbes na magalak ay nagulat ako.
Ikaw?
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Misterio / SuspensoKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
