Hey! Medyo happy na naman ako kase magka-camping na kami pero isang update muna! Enjoy! (Vote naman diyan oh)
N-nasa'n ako? Nahihiwagaan na tanong ni Gray sa kanyang sarili habang iminumulat niya ang kanyang mga mata. Nasa isang kuwarto siya na puro puti lamang ang makikita at malaking transparent na salamin naman sa mga gilid nito. Nakaupo siya sa isang sofa at may tali ang kanyang mga kamay at paa na naka-konekta sa magkabilang pader.
Kailangan kong makaalis dito bago pa may mangyaring hindi maganda. Seryoso niyang sabi sa sarili. Alam niya kase kung ano na ang susunod na mga mangyayari. Pero naunahan yata siya ng pagkakataon. Hindi niya pa natatanggal ang mga tali niya sa kamay pero may biglang pumasok sa loob ng kuwarto. Isang batang babae na nasa sampung taon na ang edad at naka-ponytail ang buhok. Naka-all pink na damit at sapatos siya at bitbit ang kanyang laruang manika. Naglakad ito papalapit kay Gray at pinagmasdan siya ng saglit.
G-good girl ka di ba? T-tulungan mo naman si kuya oh. Dali na. Pagmamakaawa ni Gray sa bata, pero imbes na sumagot ay tinignan lamang siya nito sa mga mata at nagbigay ng isang smirk.
Alam mo bang kanina mo pa ako binubuwiset? Mataray na sabi ng bata na nagpagulat kay Gray. Hindi niya akalain na kaya iyon sabihin ng ganoon kamusmos na bata.
Do you want to play with me, kuya? Pacute na sabi ng bata kay Gray. Agad na nagtaasan ang mga balahibo niya sa braso dahil sa mapaglarong boses ng bata. Nakangiti pa rin ito at naghihintay sa sagot ng binata.
I said, do you want to play with me?! Ano ba?! Bobo lang? Nakakatakot na ang mga salitang lumalabas sa bunganga ng bata. Halos ilabas na niya ang galit niya sa manikang hawak-hawak niya.
Kuya, ano ba?! Ay, may naisip akong mas maganda. Look at this magic trick. Halos pumikit na lamang si Gray sa takot. Matatakutin kase si Gray lalo na sa mga ganitong sitwasyon.
Lumapit pa siya ng kaunti kay Gray at iniangat niya ang manika niya. Pagkatapos ay walang-awa niya itong sinira sa pamamagitan ng pagkalmot at paghila sa ulo nito. Hindi pa siya tumigil at pinunit niya rin ang maganda nitong damit. At nang maputol na niya ang ulo nito ay itinapon na niya ito sa malayo. Umiilag lamang ng tingin si Gray dahil nattakot na rin siya.
Natatakot ka na ba? Nakangiting tanong ng bata kay Gray.
Ayaw mong sumagot ah. Teka nga. Kuya Hansel! Sigaw ng bata. Agad namang pumasok si Hansel sa loob ng kuwartong iyon. Nginingitian pa niya si Gray na parang nang-aasar. Galit naman siya nitong sinundan ng tingin.
Kumusta? Tanong nito sa kanya. Pero hindi niya ito sinagot at dinuraan niya ito sa mukha. Napapikit naman si Hansel.
Gray: Pweeh! Kakarmahin ka rin sa mga ginagawa mo!
Hansel: Huh. Guess what, I don't fv¢|<!n6 care at all! Kasunod no'n ang pagpindot niya sa kulay pulang buton sa remote na hawak niya pala sa kanyang likuran. Ito na pala ang hudyat ng pag-andar ng makina sa labas ng kuwarto na humihila naman sa apat na lubid kung saan nakatali si Gray.
Unti-unti niyang naramdaman ang paghatak ng mga lubid sa magkasalungat na direksyon. Hanggang sa umangat na ang katawan niya sa ere at unti-unting sumikip ang mga tali. Napapasigaw na lamang siya habang papalapit nang papalapit ang kanyang kamatayan.
Ahhh! Halos mabaliw si Gray nang marinig niyang tumunog ang kanyang buto sa kamay na senyales ng papalapit na pagkaputol nito. Hindi maipaliwanag ang hitsura ni Gray dahil halos mabali na ang kanyang kamay at paa. Hanggang sa...
Ahhh! Naputol na ang kanyang mga kanyang kanang kamay pati na rin ang kaliwa niyang paa. Tuwang-tuwa si Hansel sa kanyang mga nakikita. Nagpakawala pa ng siya ng isang mala-dmonyong tawa.
Kasunod na rin nito ang pagkaputol ng kaliwang kamay at naiwan na lamang na nahihila ang kanyang kanang paa. Pagkatapos ay tumigil na rin ang paghila nito. Kalas-kalas na ang kanyang mga parte ng katawan at nakahiga siya sa sarili niyang dugo. Nakalatan ng dugo ang sofa at ang puting pintura ng sahig. Bumubulwak-bulwak pa sa bunganga ni Gray ang kanyang sariling dugo.
Malapit ko na ring masakatuparan ang mga balak namin. Kunting tiis na lang... Bulong ni Hansel sa sarili habang naglalakad palayo sa bangkay ni Gray.
______________________________________
Kraven's POV
Bakit mo naman kase iniwan?! Galit na galit sa akin ang mga kasama ko. Eh hindi ko rin naman ginusto yung nangyari sa kaibigan ko.
Kailangan niya ng privacy, ano yun,t@t@€ na lang siya nang basta-basta sa harap ko para lang masigurong ligtas siya? Tsaka wala namang may gusto sa nangyari ah! Pangangatwiran ko, pero sa tingin ko, walang my gustong pumanig sa akin.
Kaya nga eh. Di ba yun nga ang dahilan kung bakit tayo nagtabi-tabi matulog? Para sa kaligtasan ng bawat isa? Katwiran pa ni Patrick.
Eh di ako na ang mali! Sigaw ko pa. Nakakainis lang kase. Dahil sa nangyayari ngayon ay parang nasisira na rin nito ang pagkakaibigan naming lahat. Dahil sa ayaw kong mauwi pa ito sa mas matinding gulo ay lumayo na muna ako at umupo sa isang nakatumbang puno. Sinundan ako doon ni Dredda at Irish para i-comfort.
Ano ba kase talagang nangyare? Dapat kase hindi na siya tvm@€ eh. Nahalata ko sa tono ng pananalita ni Irish ang pag-aalala at at the same time, pagpapatawa din. Hinagod naman ni Dredda ng likod ko saby tabi na rin sa'ken. Nahalata na rin siguro nila na umiiyak na ako. Palagay ko kase ay may nangyari nang masama kay Gray by now. Hindi ko ipinagdarasal pero alam kong meron na nga. Hindi pa nga ako nakakamove-on sa nangyari kay Ingrid, tapos si Gray naman agad? Hindi ba't parang unfair?
End of Kraven's POV
So anong plano niyo? Tanong ni Rham sa kanyang mga kasama. Pero hindi siya nito pinansin dahil sa bad trip na silang lahat.
Aalis tayo, nandiyan man si Gray o wala. Buong loob na sabi ni Patrick.
Pare-pareho tayong mamamatay kung hihintayin natin ang isang taong patay na. Pahabol niya pa.
Hallo! Hyys. Na-miss ko talaga 'tong pagento-gento ko. Wala na kasing nakakadiri dito sa story kaya ito ang nakakatuwang pagkamatay ni Gray.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Gizem / GerilimKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
