"Avisala aking mga Edea" Nakangiting Bati ni Amihan ng Mapatingin sakanya ang kanyang Mga Kapatid.
"Edea!" Sabik na Sambit ni Alena ng Patakbo itong Lumapit sakanya upang Yakapin.
"Kay Tagal ka naming hindi nakita Amihan" Sambit ni Pirena ng mapatawa si Amihan.
"Oo nga, Antagal na nung Huli kang nag punta sa Lireo" Sambit ni Danaya ng Ngumiti si Amihan.
"Poltre, Danaya kung hindi ako nakakadalaw, madami lamang akong inaayos dito Sa Sapiro" Sambit ni Amihan at Tinuro ang Paslit na katabi nya.
"Almira, ikaw na ba yan? Sa pag kakaalala ko Diwani pa lamang ang aking Hadiya, eh parang isang Sanggre na itong kaharap ko eh" Sambit ni Alena dahilan para Mapangiti si Almira.
"Hasne Ivo Live!" Sambit ni Alena ng yakapin sya ng Paslit.
"Hasne Ivo Live Almira!" Sabay na Bati ni Danaya at Pirena ng Gulat na napatingin sakanila si Almira.
Nakikita naman noon nina Danaya at Pirena si Almira, ngunit bihira lamang dahil sa parehas silang Madaming ginagawa sa kanikanilang nga Kaharian kaya Hindi gaya ni Alena, hindi sila masyadong nakikita ni Almira.
"Grabe Ashti Danaya Ashti Pirena kahit si Almira Takot sainyo" pag bibiro ng Lira ng Titigan sya ng mga Ito.
"Joke lang" Mahinang Sambit ni Lira ng Sikuhin sya ni Mira at Tumawa.
"Bakit ba Lagi nalamang si Alena ang paboritong Ashti?" Tanong ni Danaya ng matawa si Amihan at Alena.
"Sapagkat hindi ako kasing Higpit at sungit nyong dalawa" Sagot ni Alena ng Irapan sya ng Dalawa.
"Tama" Sabay na Sambit nina Lira at Mira habang pinipigil ang tawa.
"Mga Warka" Bulong ni Pirena dahilan upang lalong mapatawa ang mga Ito.
"May mga Regalo kami Saiyo Almira" Sambit ni Danaya ng Mag liwanag ang mukha ni Almira.
"Agad na Lumapit sina Amihan at Almira sa kanila, ng Paupuin nila ang Paslit sa Isang Upuan.
"Tanggapin mo ang Pashneang Ito, Upang iyong alagaan at maging kaibigan" Sambit ni Danaya ng Iabot ni Muros ang Isang Ibon sa Diwani.
"Ahh Avisala Eshma?" Nag tatakang Sambit ni Almira ng tingnan nya ang kanyang Ina.
"Danaya, Takot si Almira sa Ibon" Sambit ni Amihan ng Tawanan ni Pirena ang kanyang Kapatid.
"Lira Bakit hindi mo sinabi saakin?" Tanong ni Danaya na ikinagulat nito.
"Aba Ashti Di ko naman po alam na bibigyan nyo pala ng Ibon yung Kapatid ko" pag dadahilan ni Lira ng Ilayo ni Muros ang Ibon mula sa Utos ni Danaya.
"Poltre Almira, Bibigay ko nalamang saiyo mamaya ang isa ko pang regalo" Sambit ni Danaya ng Ngumiti nalamang si Almira.
"tanggapin mo ito Almira, Gawa iyan sa pinakamatibay na Tingga mula sa Kaharian nang Hathoria" Sambit ni Pirena ng iabot nito ang isang Sandata sa Paslit.
"Avisala Eshma" Sagot ni Almira ng muling tingnan ang Ina.
"Pirena,Sampung taon palamang si Almira" pag papaalala ni Amihan sa kapatid.
"Hindi din gusto ni Almira yung Regalo mo, pareho lang tayo" Sambit ni Danaya ng Irapan sya ng Kapatid.
"Ladies ang Gentleman Wala pa pong nagustuhang Regalo ang Kapatid ko galing sa aking mga Ashti, Magustuhan nya kaya ang regalo ni Ashti Alena" Sambit ni Lira ng titigan sya ng masama ng Dalawang Hara.
"Sungit Talaga" Bulong ni Lira ng Tawanan ni Mira ang ginagawa ng kanyang Pinsan.
"Tanggapin mo ang Regalo ko Almira, Mula pa ito sa Pinakailalim na Dagat ng Adamya" Sambit ni Alena ng Iabot nya sa Paslit ang Makulay na Kabibe na nakabalot ng Kulay Berdeng Tela.
BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasíaMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...