Pag katapos ng huling labanan, madaming nagbago sa Encandtadia. may mga kaibigan at kapanalig na napaslang sa pakikipag laban para sa Encantadia.
May mga Magulang na namayapa, at mga Anak na namayapa.
Ngunit katulad ng kasabihan, sa bawat pag wawakas ay may panibagong panimula.
Ito ang Encantadia ngayon, puno ng bagong sigla at pag asa. buhay na buhay ang mga sining at kultura.
Ang Dating mag katunggali, ngayon ay mag kasapi.
Testimonyal na tunay ngang nag wagi ang kapayapaan sa Encantadia ngayon.
_______
Sa Asotea ng Sapiro, pinag mamasdan ni Amihan ang tanawin ng Encantadia. Napabuntong hininga si Amihan ng Maalala nya ang tungkol sa kanyang anak na si Cassandra.
"Nasaan Kana Mahal ko?" Bulong ni Amihan ng hawakan nya ang Kwintas na Binigay sa kanya ni Ybrahim noong gabi ng kanilang kasal.
naka ukit sa kwintas na ito ang mga Letra ng apat na paslit na mahalaga kay Amihan.
"Inay" mahinang sambit ni Lira ng mapalingon si Amihan.
"Lira Anak, ikaw pala" Nakangiting Sambit ni Amihan ng Lapitan sya ng Kanyang Anak.
"Parang malalim po ang Iniisip nyo ah" Nakangiting Sambit ni Lira, ng Yumakap sya sa kanyang Ina.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong nito ng Mapabuntong hininga si Amihan.
"Ayos lang ako Anak, Huwag mo akong alalahanin" Pinipilit ni Amihan na Ngumiti sa harapan ng kanyang anak upang ipakita dito na Ayos lang sya.
"Sige na Anak, Mag pahinga kana Mahaba pa ang Ating araw bukas" Sambit ni Amihan ng Halikan nya ang Noo ng Kanyang Anak.
"Good Night Po" Sambit ni Lira Bago nito iwan ang Kanyang Ina.
_________
"Magandang Umaga Pinakamamahal Kong Reyna" Pag Bati ni Ybrahim saka Hinalikan ang Labi ng Reyna, kahit pa bagong gising ito.
"Magandang Umaga aking Hari" Nakangiting Bati nito at Muling hinalikan ang Kanyang Asawa.
"Hanggang Ngayon ay nag papasalamat pa din ako Kay Bathalang Emre, na biniyayaan nya ako ng Asawa na kagaya mo at magagandang Mga anak" Nakangiting Sambit ni Ybrahim saka Niyakap ang kanyang Asawa.
"Hmm Aga aga nambobola ka nanaman" Sambit ni Amihan ng Tingnan sya ni Ybrahim, "Hindi ako nambobola Mahal ko, totoo lahat ng sinabi ko" Pag tanggi ni Ybrahim ng Mahinang Napatawa si Amihan.
"E Correi Diu aking Hara" Sambit ni Ybrahim habang Tinitingnan ang Mga Mata ng Kanyang Asawa.
"E Correi Diu aking Rama" Sambit ni Amihan saka Hinalikan ang Labi ng Kanyang Katipan.
"Sandali Ybrahim, Baka kung saan pa mapunta to" Sambit ni Amihan ng ilayo nya ang kanyang Sarili sa Asawa.
"Mabuti pa, at puntahan na natin si Almira baka Tayo pa ang Puntahan non" Natatawang Sambit ni Amihan ng Kunin nya ang Kanyang Balabal.
"Tayo na Mahal kong Reyna" Naka ngiting Sambit ni Ybrahim habang nakalahad ang kanyang Palad.
"Alam mo Ybrahim minsan Huwag kang mag pauto kay Lira" Natatawang Sambit ni Amihan bago nito tanggapin Ang Kanyang Kamay.
__________
"Mga Kapatid, Ano't Ngayon lang kayo Dumating?" Naiinis na Tanong ni Pirena ng Dumating sa Punong Bulwagan ng Lireo sina Alena at Danaya.
"Poltre kung Pinag Intay ka namin Pirena" Sambit ni Alena ng Hawakan nito ang kamay ng Kapatid.
"Sandali, Ano ba ang Dinala nyong Regalo kay Almira?" Tanong ni Pirena sa mga nakababatang Kapatid.
BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasyMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...