Kabanata 49: Bathala ng Buwan

129 12 0
                                    

"Hara Durie andito ka pala" Sambit ni Imaw ng makita nya ang Kaniyang Kaibigan na Nag iisa sa Asotea ng Lireo. "Oo Imaw nabalitaan ko ang naganap kay Lira " Sambit ni Cassiopeia ng mapabuntong hininga si Imaw.

"Kaawa awang Amihan, Una ay nawalay sya sa kanyang Anak ngayon nag kasama nga ngunit agad itong kinuha sakanya ni Bathala tas ngayon ay Nasa Kamay pa ng kaaway si Lira" Sambit ni Imaw ng Mapabuntong hininga din si Cassiopeia.

"Kung nandito lang dana si Emre" Sambit ni Cassiopeia ng Lumapit sakanila ang isang Pashnea. "Anong kalseng Pashnea iyan?" Tanong ni Imaw ng Lapitan dya ni Cassiopeia.

"Nais nyang Sumunod tayo sakanya" Sambit ni Cassiopeia ng Sundan nila ang Maliit na Pashnea patungo sa Kagubatan kung saan nag iintay ang isang Lalaking Encantado.

"Avisala Cassiopeia, Imaw" Pag bati nito ng Nag tatakang Lumapit Sakanya si Cassiopeia. "Sino ka? Ano't Dinala kami saiyo ng Pashnea?" Tanong ni Cassiopeia ng Tumayo ito at Hinawakan ang Kamay ni Cassiopeia."Bakit Hindi mo Tingna kung sino ako" Sambit nito ng hawakan ni Cassiopeia ang Kamay nito, dahilan uoang Makita nya ang Nakaraan ng Encantado.

"Emre" Sambit ni Cassiopeia ng Bumitaw si Emre sa pag kakahawak sa Sinaunang Diwata. "Ako nga, Ang Bathalang Pinabagsak ng Kanyang mga kapwa Bathala" Sambit ni Emre ng titigan sya ng mabuti ni Cassiopeia.

"Ano't Pinapunta mo kami dito?" Tanong ni Imaw sa Dating Bathala. "Nais kong humingi ng inyong Tulong, na mabawi ang Devas sa kamay ng nga masasamang Bathala" Sagot ni Emre ng tumingin sya sa Dalawa.

"Maasahan ko ba kayo?" Tanong ni Emre ng tumango ang Dalawa. "Ngunit paano ko kayo Matutulungan kung hindi ko kayang Lumaban?" Tanong ni Imaw ng Mapabuntong hininga ito.

"Hindi mo kailangang Sumama para makatulong Imaw, maari kang manatili dito at Tulungan ang Mga Diwata na hindi sila matalo ng Etheria" Sambit ni Emre ng Tumango si Imaw. "Maasahan mo ako dyan Mahal na Bathaluman" Sambit ni Imaw ng mag katinginan si Cassiopeia at Emre.

"Paano tayo lalaban kung wala kang Kapangyarihan Emre?" Tanong ni Cassiopeia sa Dating Bathala. "May isang nilalang akong Kilala na Maaring Tumulong saatin" Sambit ni Emre ng Kumunot ang Noo nito.

"Si Haliya" Sambit ni Emre, "Ang Bathala Ng Buwan"

___

"Avisala Hera Minea" pag bati ni Lira ng pumasok ito sa Silid ng Hera ng Etheria. "Avisala Lira, may Kailangan kaba saakin?" Tanong nito ng Lumapit si Lira Sakanya at inutusan ang mga nag lilingkod sa Hera na umalis.

"May nais lamang akong itanong Heran" Sambit ni Lira ng Tumango si Minea bilang pag payag. Unti unting Lumapit si Lira kay Minea ng tingnan nya ito sa kanyang Mata.

"Hindi mo ba naalala kung Sino ka?" Tanong ni Lira ng Kumunot ang Noo ni Minea. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Minea na nag tataka sa Tanong ng Bagong Mashna.

"Tunay bang nabura nila ang alaala mo Ila?" Tanong ni Lira ng lalong kumunot ang Noo ni Minea. "Ila?" Tanong ni Minea ng makumpirma ni Lira ang Kanyang Iniisip.

"Hawak ka na nga nila" Sambit ni Lira ng tumayo ito, "sandali" Pag pigil ni Minea ng tumigil si Lira. "Sino ka talaga Lira, ano't Naisipan nina Ether na Ikaw ay gawing Mashna ng Etheria?" Tanong ni Minea ng Humarap sakanya si Lira.

"Ako ang Tagapagmana Ng Lireo, Panganay na Anak ni Hara Amihan at Rama Ybrahim na muling binuhay ni Arde upang Labanan ang aking sariling Pamilya ngunit imbes na burahin ni Bathalang Keros ang aking isipan ay Hinayaan nyang manatili saakina ng aking Memorya" Paliwanag ni Lira ng Mapatigil si Minea

"Tinawag mo akong Ila kanina" Sambit ni Minea ng tumango si Lira.
"Bakit?" Nag tatakanv tanong nito, "sapagkat ikaw ang Aking Ila, ikaw ang Ina ng Aking Ina" Sagot ni Lira ng mag bukas ang Pinto ng Silid ni Minea.

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon