Kabanata 56: Si Rehav Raquim

89 7 0
                                    

"Avisala Haring Arvak" Nakangiting pag bati ni Avria ng Dumating ang Hati ng Hathoria kasama ang Anak nitong Si Hagorn. "Avisala Hara Avria" Pag bati naman ni Arvak sa Hara ng Etheria.

"May mga Dala kaming Handog para sainyo Hara" Sambit ni Arvak ng ipakita nya ang mga Sandatang Nag mula sa kanilang Kaharian. "Avisala Eshma Rama" Sambit ni Avria ng tingnan ni Avria ang anak nitong si Hagorn.

"Batid kong Alam nyo na ang Nais ko Arvak" Sambit ni Avria ng Tumango si Arvak, "Nais mo ang ipag kasundo si Hagorn sa iying Unica Hija" Sambit ni Arvak ng Tumango si Avria.

"Ngunit kapag sila ay kinasal hindi maaring maging Hari Si Hagorn ng Hathoria sapagkat Kailangan nilang pamunuan ang Etheria" Sambit ni Avria ng mapatingin si Arvak sa kanyang Anak.

"Pumapayag ka na ba saaking Gusto Hating Arvak?" Tanong ni Avria, "pag iisipan ko muna ito Avria" Sagot ni Arvak ng Tumango si Avria. Bago nilisan ng mag Ama ang Hera Andal.

"Mahal na Hara Mahal na Hara!" Nag mamadaling Sambit ng isang Dama ng Lumapit ito kay Avria. "Ano nanaman Diwata?!" Inis na Tanong nito sa Dama. "May mga Grupo ng Mandurukot ang Pumasok sa Kaharian kanina Hara" Sambit nito ng agad itong mapatayo.

"Ano?!" Sogaw ni Avria ng mapaurong sa Takot ang dama. "Kawal! Kawal!" Sigaw ni Avria ng Lumapit ang mga Kawal sakanila. "Ipahanap nyo ang Mga Mandurukot na pumasok sa Hera Andal at dalhin sila dito ngayon din!" Pasigaw na utos ni Avria ng marinig ito ni Memen.

"Anong nagaganap dito?" Tanong nito ng lumapit sa kanyang Asawa. "May mga magnanak na nag tungo dito kanina" Sambit ni Avria ng mapabuntong hininga si Memen.

"Ako na ang hahanap Sakanila" Sambit nito mg tumango si Avria, "mas mabuti pa nga kung ikaw na dahil Wakang mga Kwenta ang Bantay sa Kaharian na ito!" Sogaw ni Avria habang Nakatingin sa mga kawal. Bago ito nilisan ang Kinaroroonan nya.

"Ades" pag tawag ni Memen sa Dama, "bakit Rama?" Tanong ni Ades sa Rama ng Etheria, "pakisabi saaking Anak na ako ay aalis lamang, mamaya ko na sya kikitain" Sambit ni Memen ng tumangk si ades bago ito umalis.

______

Unti unting minulat ni Amihan ang Kanyang mga Mata sa isang hindi pamilyar na lugar sa kakahuyan. Inilibot nya ang kanyang Tingin ngunit sya ay nag iisa. "Danaya? Alena? Pirena?" Pag tatawag ni Amihan habang nililibot nya ang kanyang paningin.

"Ybrahim!" Pag sigaw ni Amihan ng makarinig sya ng kaluskos sa Damuhan. Agad agad nyang kinuha ang kanyang sandata at Hinanda ang sarili sa kung ano man ang sasalubong sakanya.

"Sino yan? Mag pakilala ka!" utos ni Amihan ng lumabas ang Isang Encantado sa likod ng malaking Puno. "Sino ka?" Tanong ni Amihan ng itaas nito ang kamay nya tamda ng hindi ito lalaban sakanya.

"Wag kang matako hindi kita Sasaktan" Sambit ng naka kalasag sa Encantado. "Kulay ginto ang suot nitong kalasag, may Palatandaan din ng Kaharian ng Sapiro, maputi ito at kulay itim ang Buhok base sa kanyang Kasuotan ay hindi ito pamgkaraniwang Encantado.

"Ako sa Raquim, Rehav Raquim ng Sapiro" Sambit nito na ikinagulat ni Amihan. "Syang tunay? Ikaw nga ang Rehav ng Sapiro?" Tanong ni Amihan ng Tumango ito.

"Bakit naman ako mag sisinungaling saiyo?" Tanong nito ng itaas muli ni Amihan ang Sandata dahil sa pag dududa. "S-sandali lang hindi nga kita lalabanan" Sambit ni Raquim ng lumayo ito kay Amihan.

"Isa kang diwata? Tama ba?" Tanong ni Raquim ng Tumango si Amihan. "Kung diwata ka ay bakit may dala dala kang sandata?" Tanong ni Raquim ng Kumunot ang Noo ni Amihan.

"Bakit hindi?" Tanong ni Amihan, "mahigpit na pinag babawal ng Etheria ang Gumamit ng sandata ang mga babaeng hindi Etherian lalo na sa mga diwata" Sambit ni Raquim ng makarinig sila ng kaluskos.

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon