"Ornia" agad na napalingon si Ornia ng marinig nya ang pag tawag sakanya ng isang Tinig. "Memen" tila natanggalan naman ng tinik sa lalamunan si Ornia ng makita nya ang Kanyang Irog sa kanyang Harapan.
"Paano ka nakaalis ng Etheria?" Nag tatakanv Tanong ni Ornia, "Pinapahanap ni Avria ang Mga Diwatang Nanloob sa Etheria kaya nakahanap ako ng Paraan upang Makaalis doon" Paliwanag ni Memen kay Ornia.
"May Nais akong Ibalita saiyo Memen" Nakangiting Sambit ni Ornia ng Kumunot ang Noo ng kanyang Irog. Agad na nilabas ni Ornia ang Kanyang palad at doon lumabas ang Isang Kulay Lilang Bulaklak.
"Nag dadalang Diwata ka?" Gulat na Tanong ni Memen ng tumango si Ornia. "Magiging ama na ako" Masayang Sambit ni Memen ng Yakapin nya ang Mahigpit si Ornia.
"Ngunit paano ang Hara ng Etheria? Ang iyong anak na si Minea?" Nag aalalang tanong ni Ornia. "Wag mo na silang alalahanin Mahal ko, ako na ang bahala" sagot ni Memen ng yakapin nya ang kanyang Minamahal na Diwata.
_____
"Mag kaibigan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Pirena habang Nakatingin sa Hara at Rama ng Dating Sapiro. "Bakit tila Gulat na Gulat ang iyong Kapatid Amihan? Hindi nyo ba batid na Matalik na mag kaibigan ang aking Hadiya at ang Rehav ng Hathoria halos sabay na ngang lumaki ang dalawa" Sambit ni Armea ng tingnan ni Amihan ang kanyang mga Kapatid.
"Hindi lang ho Pamilyar ang aking mga Kapatid sa mga Bagay bagay sa inyong Pook Hara" Sagot ni Amihan ng Tumango si Amihan. "Nagugutom ba kayo? Nais ba ninyo na pag handaan namin kayo ng makakain?" Tanong ni Meno ng Umiling ang mga Sanggre.
"Hindi na ho, dahil kailangan na din namin umalis may mahalaga kaming kailangan patunguhan" Sagot ni Danaya ng Tingnan ng mag asawa si Amihan. "Aalis kana din Amihan?" Tanong ni Armea ng Tingnan ni Amihan ang Mga Kapatid at ibinalik ang tingin sa mag asawa.
"Oo Hara, Gaya ng sabi ng aking Nakababatang Kapatid ay nay Kailangan kaming Patunguhan" Sagot ni Amihan ng Lumapit sakanya si Armea.
"Ganon ba, Oh sya Ipapahanda ko na sa Dama ang mga Gamit mo" Sambit ni Armea ng Ngumiti si Amihan. "Avisala Eshma Hara" Sambit ni Amihan ng Yakapin nya ang Ila ng kanyang Asawa.
_____
"Hagorn, Raquim mabuti at nakarating na kayo" Sambit ni Arvak ng Tumayo ito mula sa kanyang Trono. "Avisala Haring Arvak" Pag bati ni Raquim ng mag bigay pugay ito sa Hari ng Hathoria.
"Nais ko kayong makausap patungkol sa Academia na nais nyong ipatayo" Sambit ni Arvak ng nag katinginan ang mag Kapatid. "Bakit Rama?" Tanong ni Raquim ng humugot ng malalim na Hininga si Arvak.
"Nakarating sa Etheria ang Balita na nais nyong mag patayo ng Academia sa Lupain ng Sapiro, at Hindi natutuwa si Hara Avria sa Plano nyong dalawa" Balita ni Haring Arvak ng mag katinginan ang mag kaibigan.
"Nais ni Avria na ipatigil nyo ito, kung hindi ay Bibitaw sya sa Kaayusan na pinag kasunduan ng mga Kaharian" Dagdag pa ni Arvak ng Mapakunot ang noo ng dalawa. "Dahil sa isang Academia ay gagawin yan ni Hara Avria?" Natatawang Saad ni Hagorn ng tingnan sya ni Arvak.
"Binigay ko na ang suporta ko sainyong Dalawa, sana ay hini aki mabigo" Sambit ni Arvak ng mag katinginan ang dalawa saka tumango.
_____
"Sana Ay mag balik ka Dito Amihan" Sambit ni Armea ng mapangiti si Amihan, "Susubukan ko Hara" Sagot naman ni Amihan ng Yakapin sya ni Armea.
"Mahal na Reyna handa na po ang Nga Gamit at pag kain na pinahanda nyo para sa mga manlalakbay" Sambit ng Isang Dama sa Hara ng Sapiro. "Mag iingat kayo Amihan, Sana ay makabalik kayo dito" Sambit ng Rama ng Sapiro ng tumango si Amihan.
"Bakit Saan ka mag tutungo Amihan?" Nag tatakang Tanong ni Raquim ng mapunta sa kanya ang Tingin ng Lahat. "Raquim mabuti at inabutan mo pa sina Amihan" Sambit ni Armea ng mag katinginan ang mga Sanggre.
"Sya Pala si Rehav Raquim" Bulong ni Danaya ng tumango si Pirena. "Saan ka patutungo Amihan?" Tanong muli ni Raquim ng Lumapit ito sa Diwata.
"Kailangan ko ng lisanin ang Sapiro Rehav, kasama ng aking mga Kapatid at ng aking Asawa" Sagot naman ni Amihan ng Mapatingin si Raquim sa nga Kasama ni Amihan.
"Kayo pala ang mga nilalang na Hinahanap ni Amihan" Sambit ni Raquim ng lapitan nya ang mga Ito. "Ako si Raquim, Kinagagalak ko kayo makilala" Sambit ni Raquim ng mag tama ang mga Mata nila ni Ybrahim.
"Ikaw marahil ang Nabanggit ni Amihan na kanyang asawa" Sambit ni Raquim ng Tumango si Ybrahim. "Ako si Ybrahim, kinalulugod ko kayong Makilala" Sambit ni Ybrahim ng makipag kamay sya sa Ama ng kanyang Asawa.
"Naway mag sama pa kayo ng mas matagal ni Amihan, at sana ay hi di mo sya saktan sapagkat isa syang Mabuting Encantada" Sambit ni Raquim ng tingnan ni Ybrahim ang kanyang Asawa na nakamasid sakanya.
"Hinding hindi ko sya Sasaktan Rehav" Sagot naman ni Ybrahim ng Ngumiti ang rehav ng Sapiro.
"Tayo na Amihan" Sambit ni Danaya ng tumango ang Kanilang Kapatid. "Paalam at salamat sa oag papatuloy saakin" Sambit ni Amihan ng Yakapin nya si Rehav Raquim ng Mahigpit. "E Correi Diu Ama" Sambit nya sa kanyang Sarili ng kumalas sya sa pakikipag yakap sa Rehav.
____________________________________
Abangan ang susunod na Kabanata!!
BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasyMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...