Kabanata 21: Diwani Cassandra

105 8 2
                                    

"Cassandra!" Sigaw ni Amihan ng Bigla syang Magising mula sa kanyang Masamang Panaginip. "Amihan, Anong nangyari?" Agad na tanonv ni Ybrahim ng Magising din ito dahil sa Sigaw ni Amihan.

"N-napanaginipan ko Si Cassandra Ybrahim" Sagot ni Amihan habang hinahabol pa din nito ang kanyang Hininga, "Ybrahim Nasa malapit lang sya Nararamdaman ko ang pahiwatig ng Hangin sa aking panaginip" Sambit ni Amihan ng Umiling ang kanyang asawa.

"Amihan, Nangyari na din ito noon at hindi naging maganda ang kinalabasan nito" Sambit ni Ybrahim habang pi apaalala nya sa kanyang Asawa ang naganap na pananakit sakanya ng mga Etherian.

"Ngunit Ybrahim"

"Tama Na Amihan, Alam kong Nais mong makasama ang Ating Anak Ngunit hindi ko hahayaan na mapahamak nanaman ang buhay mo kakahanap sakanya" Sambit ni Ybrahim sa kanyang Asawa dahilan upang Mapatahimik ito.

"Poltre Amihan, Nais din naming makasama si Cassandra ngunit hindi namin kaya kung mawawala ka" Dagdag pa nito, Dahilan ulang Mapatingin sakanya si Amihan.

"Bumalik na tayo sa pag Tulog" Sambit ni Ybrahim ng Malungkot na Tumango si Amihan saka Bumalik sa pag papahinga katabi ang kanyang Asawa.

___

"Magandang Umaga" Nakangiting Bati ni Mira ng Dumating sila ng kanyang Pinsan sa Dalampasigan kung saan nag iintay ang mga Tagapangalaga.
"Magandang Umaga mga Sanggre" Nakangiting Bati ni Ariana.

"Tila Tahimik ka Mahal na Sanggre" Puna ni Luna ng Sikuhin ni Mira amg Kanyang Pinsan, "ano?" Tanong nito ng bumalik sya sa kanyang Ulirat.

"Bakit ang Lalim ng iniisp mo Sanggre Lira?" tanong ni paopao ng Umiling si Lira, "wala May naalala lang ako sa araw na ito" Sambit ni Lira ng maalala ni Mira na Ngayon ang kaarawan ng nakababatang Kapatid ni Lira.

"Kaarawan nga pala ni Cassandra Ngayon" Sambit ni Mira ng Tumango ang Kanyang Pinsan. "Sino si Cassandra?" Nag tatakang Tanong ni Luna ng mapatingin sakanya Ang mag pinsan.

"Sya ang Aking nakababatang Kapatid, ang Tagapagmana ng Kaharian ng Sapiro" Sagot ni Lira ng Kumunot ang Noo ni Ariana, "Hindi ba't Si Diwani Almira ang Tagapagmana ng Kaharian ng Sapiro?" tanong ni Ariana ng mapabuntong hininga si Lira.

Nakangiting nag lalakad si Almira patungo sa Dalampasigan ng Lireo. Nais nyang surpresahin ang kanyang Nakababatang Kapatid sa pag sasanay nito.

"Si Cassandra ang tunay na tagapagmana ni Itay sa Sapiro, Ngunit dahil sa Matagal ng nawawala ang aking Kapatid kinailangan ng aking mga Magulang na mag karoon ng Panibagong tagapagmana" Paliwanag ni Lira sa Kanyang mga kapwa Tagapangalaga.

"Paano kung mahanap na si Cassandra?" Tanong ni Paopao, "base sa batas ng mga Diwata at Sapirian Si Cassandra ang Magiging Legal na Tagapagmana lalo na't sya ang nakatakdang maging tagapagmana kaysa kay Almira" Paliwanag ni Mira habang natayo ito sa tabi ni Lira.

"wag nyo nalang ito iparating kay Almira, Ayoko isipin nya na Kaya lang sya nabuhay ay dahil kailangan ng Kapalit ni Cassandra" Sambit ni Lira ng Ngumiti ang kanyang mga Kaibigan at tumango, "ngunit yun naman ang totoo hindi ba? Nabuhay lang si Almira dahil kay Cassandra" Sambit ni Luna ng Tumango si Lira.

Agad na Tumulo ang mga Luha ni Almira dahil sa Sinabi ng kanyang Kapatid. Batid nya na noon pa na Mas mahalaga talaga sakanyang mga Magulang si Lira dahil sya ang Tagapagmana ng Lireo at sya ang Panganay.

Ngunit kahit pa ganoon, hindi nya Ito pinapansin sapagkat mabibigyan din naman sya ng atensyon ng kanyang nga Magulang. Yon ay kung hindi ito mga abala sa kani kanilang Gawain o sa pag hahanap kay Cassandra.

"Kung Nandito ba si Edea Cassandra, Nandito din ako? May importansya pa ba ako sa Pamilya namin kung babalik sya?" Tanong ni Almira sa kanyang Sarili habang unti unting tumulo ang kanyang mga Luha at Lumisan gamit ang kanyang Ivictus.

Whisper's In the Shadows  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon