"Andito na tayo mga Diwata" Sambit ni Banak ng tumigil sila sa Tapat ng isang malaking Kaharian. "Tunay na napakalayo pala ng Sapiro" Sambit ni Danaya ng tumango naman ang Dalawang ginoo.
"Mauuna na kami, kailangan naming Bumalik sa Kuta" Sambit ni Nakba ng Tumango naman ang mag kakapatid. "Napakalaki ng pinag bago ng sapiro Mula noon" Sambit ni Ybrahim habang tinitingnan ang Maunlad na Kaharian.
"Tunay na napakalaki ng epekto ng digmaan sa Sapiro" Sambit naman ni Alena ng mapabuntong hininga si Pirena. "Sino ang mariyan?" Tanong ng Reyna ng Sapiro ng makita nito ang Apat.
"Sino kayo?" Tanong ni Hara Armea, "ako si Danaya eto ang aking mga Kapatid, si Alena at Pirena si Ybrahim naman ang isang iyon kami ay mga Kapatid ni Amihan may nakapag sabi saamin na Nandito daw sya" Sambit ni Danaya habang Nakatingin ito aa Reyna ng Sapiro.
"Kayo pala ang sinasabi ni Amihan na mga kasama nya, ngunit ikinalulungkot kong sabihin na wala sya sa Sapiro" Sagot ni Hara Armea ng mag katinginan ang mag kakapatid.
"Saan ho sya nag Tungo?" Tanong ni Ybrahim sa Hara, "Hindi ko alam, maaring Hinahanap nya din kayo" pang huhula ni Armea, "Maari kayong manatili muna sa Sapiro, sapantaha ko ay kasama sya ng Aking Hadiya na si Raquim" Sambit ni Armea ng mapatingin sakanya ang mag kakapatid.
"Raquim?" Tanong ni Alena ng tumango anv Hara, "ang Rehav ng Sapiro?" Tanong muli nito. "Iintayin nalamang namin sya" Sambit ni Alena ng Tumango si Armea.
"Sumunod kayo saakin, Tayo ay pumasok sa Sapiro" Sambit ni Armea ng sundan sya ng mga Diwata at ng sapirian papasok sa Kaharian ng Sapiro.
________
"Sya nga Pala Kaibigan maari kabang sumama saakin sa Hathoria? Nais tayong makausap ni Ama tungkol sa Ipapatayong Paaralan" Sambit ni Hagorn ng tumango si Raquim. "Bakit hindi Kaibigan" Sagot ni Raquim ng tingnan nito si Amihan.
"Nais mo bang sumama saamin Amihan? O babalik ka na ng Sapiro?" Tanong ni Raquim kay Amihan na Pinanonood pa din sila. "Babalik nalamang po ako Sa Sapiro Rehav" Naiilang na Sagot ni Amihan.
"Sigurado ka? Mag isa ka baka kung mapano ka" Nag aalalang Sambit ni Hagorn ng mapangiti si Amihan dahil sa Sobrang pag kailang nya sa mga Nagaganap. "Kaya ko po ang sarili ko" Nakangiting Sambit nito ng ilayo nya kay Hagorn ang kanyang Tingin.
"Naalala mo pa ba ang Dinaanan natin?" Tanong ni Raquim ng Tumango naman si Amihan. "Oh Sya mauuna na kami ng aking Kaibigan" Sambit ni Raquim ng Tumango naman si Amihan.
"Ingat po mga Rehav" Nakangiting Sambit nito ng tumalikod ang dalawa kay Amihan.
"Bakit parang naiilang sya ng Makita ako?" Nag tatakang Tanong ni Hagorn ng Makalayo sila kay Amihan. "Hindi ko den alam Kaibigan maging ako ay nag tataka sa kinikilos ni Amihan" Bulong ni Raquim ng muli nyang sulyapan ang Diwatang Nakatingin sakanila habang nag lalakad papalayo.
"Buong buhay ko hindi ko aakalain na naging mag kaibigan kayo ni Hagorn Ama" Bulong ni Amihan sa kanyang Sarili Habang piang mamasdan nya ang Dalawang Rehav hanggang sa hindi nya na ito naaninag pa.
Ilang Minutong nakatayo si Amihan sa harap ng malawak na lupain ng Sapiro ng maalala nya ang isang Bagay. Agad nyang binuksan ang Kanyang Palad habang hinihiling na Lumabas dito ang kanyang Brilyante.
"Brilyante ng Hangin ako'y Nag susumamo saiyo mag pakita ka kailangan kong mahanap ang aking Anak" Sambit ni Amihan Ngunit walamg Brilyanteng lumalabas sa kanyang Palad.
"hindi pa marahil na gagawa ang Brilyante sa panahong ito" Sambit ni Amihan ng Ibaba nya ang kanyang Kamay.
"Mahal na Emre gabayan mo ang aking Anak, nag mamakaawa ako saiyo Protektahan mo sya laban sa kahit sinong Nais manakit Sakanya" Sambit ni Amihan habamg Nakatingin sa Kalangitan.
______
"Ybrahim Napakagandang Ngalan" Nakangiting Sambit ni Meno habang kanyang Kausap ang Rama ng Sapiro sa kanyang Panahon. "Avisala Eshma Rama" Nakangiting sagot ni Ybrahim ng lumapit sakanila si Armea.
"Kung sana lang ay biniyayaan kami ni Emre agad ng Tagapagmana marahil ay Kaedad mo na sya Ybrahim" Sambit ni Armea ng Ngumiti si Ybrahim.
"Wag kayong mag alala Hara Rama nakasisigurado akong Ibibigay din ni Emre ang inyong hiling" Sambit ni Ybrahim ng Mapangiti ang mag Asawa.
"Sino kayo?!" Tanong ng isang Encantado ng Dumating ito sa Punong Bulwagan ng Sapiro. "Asval?" Bulong ni Danaya habang piang mamasdan ang Sapirian na nag lalakad papalapit sa Rama.
"Kapatid, Sila ay ating mga Panauhin" Sagot ni Meno ng tingnan ni Asval ang mga Diwata at Sapirian sa kanyang Harapan. "Mga Panauhin ito ang aking Bunsong Kapatid na si Asval" pag papakilala ni Meno sa kanyang Nakababatang Kapatid.
"Avisala" mapait na saad ni Asval habang pinag mamasdan si Ybrahim sa tabi ng kanyang Kapatid. "Avisala Rehav" Madiin na Sambit ni Ybrahim habang pinag mamasdan nya ang Taksil na Sapirian.
"Amihan mabuti at nandito kana" Sambit ni Hara Armea ng agad na Mapalingon ang mga Sanggre pati na din si Ybrahim ng mamataan ni Armea ang Diwata na papasok ng Puning Bulwagan.
"Amihan?" Tanong ni Ybrahim ng makit nya ang kanyang Asawa. "Ybrahim!" Agad na Sambit ni Amihan ng tumakbo ito papalapit sa kanyang Asaw upang yakapin ito.
"Ano ang nasa isip nyong dalawa at tila kung sino sino nalamang ang pinapapasok nyo?" Di makapaniwalang Sambit ni Asval ng lisanin nito ang Punong Bulwagan.
"Mula noon gamon pa din ang Ugali ng Wenoveshkang iyon" Sambit ni Pirena habang pinag mamasdan ng Masama si Asval na nag lalakad papalayo. "Kumalma ka Edea wala tayo sa Panahon natin" Nakangiting Bulong ni Danaya na ayaw mag pahalata na may ibang nagaganap.
"Paano nyo nalamang nandito ako?" Tanong ni Amihan ng kumalas sya sa pag kakayakap sa asawa nya. "May nakapag sabi saamin edea" Sagot ni Alena ng Mapatingin sakanya di Amihan, "Alena" Sambit ni Amihyng yakapin nya ang kanyang Nakababatang Kapatid.
"Halatang May Paboritong Kapatid" Pabirong Sambit ni Danaya ng Matawa si Amihan, "Sinabi mo pa" pag sang ayon ni Pirena ng Yakapin ni Amihan ang dalawa pa nyang kapatid.
"Amihan Nasaan si Raquim?" Tanong ni Haring Meno ng mapatingin Sakanya ang kanyang Mga Kapatid at Asawa. "Ang iyong Ama?" Bulong ni Ybrahim ng tumango si Amihan.
"Nag tungo ho sya sa Hathoria kasama si Prinsipe Hagorn" Magalang na Sagot ni Amihan ng Mapatingin si Pirena sakanya. "Ahh Marahil ay Mag uusap ang mag kaibigan tungkol sa Plano nilang Academia" Sambit ni Meno ng Tumango si Amihan.
"Mag kaibigan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Pirena habang pinag Mamasdan nya ang kanyang Kapatid.
_____________________________________
Hindi makapaniwala si Pirena at Amihan na naging mag kaibigan ang mga Tatay nila dati. Kayo ba Inakala nyo ba na Enemy since birth din sila?
Almost One week nakong di nag uupload sorry sobrang Busy pa sa School pero babalik akos a Daily upload ko After May 29 Promisee
BINABASA MO ANG
Whisper's In the Shadows
FantasyMatapos maibalik ang kapayapaan sa Encantadia, ang nakaraan ay sumilip sa magkapatid. Sa buhay ng kanilang mga mahal sa buhay nakataya, dapat silang bumalik sa nakaraan upang pigilan ang isang kaharian sa kanilang planong sirain ang kasalukuyan. Sa...